h u n g o v e r

10 3 5
                                        


h u n g o v e r

Sa edad na labing lima,

May natutunan akong taliwas sa itinuro sa eskwela

Ang sabi kasi sa Mapeh

Ang hungover ay makukuha sa sobrang pagkalasing

Iyung tipong kinaumagahan halos di ka na magising

Mabigat sa pakiramdam

Masakit sa ulo

Nahihilo

Susuka nang susuka hanggang sa wala nang maiduwal pa

Iyan daw ang hungover

Ang sumpa ng alkohol na tinungga sa iisang gabi

Sa matagal na panahon,

Iyan na ang konseptong sa isip ko'y nakabaon

Kaya nga alam kong ang hungover

Ay isang bagay na hindi ko mararanasan

Dahil di naman ako umiinom ng inuming gumuguhit sa lalamunan

Ngunit ako'y mali

Dahil ang hungover ay biglang dumating

Nagparamdam na lang sa akin

Wala man lang pasabing ibinigay sa akin

Isang araw habang nagkaklase

Habang ang mga chemical equation ay binabalanse

Biglang nakaramdam ng mabigat na pakiramdam

Halos di makahinga dahil parang may nakadagang

At kahit pilit na ang atensyon sa mga chemical equation itinutuon

Ang mukha mo'y sa aking isip bumabaon

Nakakainis dahil mapa-personal o sa imahinasyon

Mukha mo'y makinis

Perpekto

Ang tangos ng ilong mo

Ang hindi mabilog ngunit di rin singkit na mga mata mo

Ang labi mong tinalo pa ang kapulahan ng labi ko

Pilit kitang inaalis sa aking isip

Kaya't ako nama'y pumikit

Ngunit sadyang ika'y nakakbwisit

Dahil pati memorya ng pabango mo'y sa akin nang kumapit

Kahit nasa isang classroom

At iba't ibang amoy ang naroon

Amoy mo lang ang tanging nalalanghap ko

Napagtanto ko

Na mukha na akong hibang dahil sa pinaggagawa ko

Kaya't ako'y dumilat

Pilit pinakalma ang puso kong nakakaurat

Wala na atang ibang alam

Kundi makiramdam

Natapos ang klase

Ngunit utak ko'y mistulang di na umabante

Tila sa iyo lang ata ito makakampante

Sa paglabas sa classroom,

Ang mata ko'y naka-zoom

ScribblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon