May minsang nagsabi
Na kung ika'y nasasaktan,
Paglimot
Ang hinahanap mong kasagutan
Makakaahon ka sa sakit
Sa lahat ng dinanas mong pait
Basta kalimutan mo ito
Masisigurado ang paghilom mo
Ngunit tutol ako sa nagsabi nito
Hindi paglimot ang kasagutan
At kailanman
Wala itong nagamot na sugat
Ang paglimot
Ay patuloy na pagtapal ng gasa
Tinatakpan ang sugat
Para makaligtaang naroon pa
Ngunit maya-maya
Sasakit itong muli
Hindi mo man nakikita,
Nararamdaman mo pa rin
Kaya kukumbinsihin mo ang sarili
Na bilisan pa
Na mas galingan pa
Ang pagkukunwari na wala na ang hapdi
Ang tunay na paghilom
Ay ang patuloy na pagbangon
Sa liwanag ng umaga
Sa huni ng mga ibon
Patuloy na maglakbay
Walang paghinto sa pagdamdam
Ng sakit at hapdi
Hanggang tuluyan nang walang maramdaman
Hindi dahil sa pagkukunwari
O dahil namanhid na lang
Sa pagkakataong ito,
Nawala na ang sugat mo
Matagal ang pagkirot
Walang madali sa pagtitiis
Ngunit sa pagpapatuloy ng buhay
Unti-unting maaayos ang lahat.
BINABASA MO ANG
Scribbles
Teen FictionScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...
