(x) Kabig-Pahaging

1 0 0
                                    

May mga bagay
Na masarap paniwalaan
May mga bagay
Na hindi alam kung dapat paniwalaan

Mga letra
Na paulit-ulit mong ginagawang salita
Ipinapadala
Kahit hindi sigurado o kung may mapapala ka ba

Mga salita
Na paulit-ulit mong sinasambit
Magpapahaging
Ngunit maya-maya lamang ay babawiin din

Nasaan ang halaga ng bawat letra
Nasaan ang kahulugan ng mga salita
Na binubuhos ng maestro sa akda
Lahat iyon sa iyo, ay nabalewala

ScribblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon