Magpapahiwatig
Pagkatapos ay kakabig
Hindi alam kung anong ibig
Kung ano ang totoo sa sinasabi ng bibig
Magpaparamdam
Makikipagtitigan sa mga mata mong malamlam
Makikipagsabayan
Sa mga banat mong nakakakilig kahit pa pinagpipilitan
Hihinto
Isasara ang pinto
Upang maputol ang titigan
Upang hindi magtuloy-tuloy ang nararamdaman
Kakatok
Bubuksan
Magkakawayan
Kahit pa nagkakahiyaan
Hahakbang
Ngunit kaunting kaunti lang
Dahil wala pang kasiguraduhan
Sa pintong pinapasukan
Babalik
Doon sa may hangganan
Kung saan ito na ang nakasanayan
Ito lang ang kayang panindigan
Isasara ang pinto
Nang kaunti
May espasyo pang munti
Kung saan magkakasilipan ng ngiti
Tatalikod
Lalayo na sa bakod
Magkakawayan
At magpapaalam
Maya-maya'y babalik na naman
Sisilip at baka muling magkaintindihan
Magsisimula sa pagbobolahan
Tapos aayaw pag nagkasakitan
Susulong
Uurong
Susulong
Uurong
BINABASA MO ANG
Scribbles
Teen FictionScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...
