Madilim at mapanglaw
Mistulang wala akong matanaw
Humahagilap, kumakapit kahit saan
Upang marating ang ilawSubalit bakit?
Hindi pa man ako kumakapit
Unti-unti na tayong naglalayo
Kasabay ang paghagupit ng sakitNgunit ika'y nahawakan
At hindi ko mapigilan
Lakas ng tunog sa aking dibdib...
Mukhang nakuha mo na nga ang pusong pihikanBiglang napaso ang kamay na magaso
Lumuwag ang kapit
Pinipilit ang paghigpit
Pero bakit?Kusang ikaw ay nagdilim
Ninita ko ang liwanag mo sa lilim
Ngunit wala!
Nawala ka na parang bula...Ikaw mismo ang sumuko
Sa labang handa akong makipagpatayan
Sa labang ikaw lang ang pinaghahandugan
Sa labang...Ano pa nga ba ang saysay?
Ng lahat ng pagsasalaysay!
Nawala na lahat ng kulay
Sa mundong ikaw ang nagbigay buhayMadilim man at mapanglaw
Di ko mapigilan sayang nag-uumapaw
Pagkat alam kong isang araw,
Babalik kang ulit mahal.

BINABASA MO ANG
Scribbles
Novela JuvenilScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...