Sa'yo ako'y lumapit
Sa mga araw na buhay ko'y panay sabit
Wala man akong sinambit,
Tinanggal mo naman ang lahat ng paitMahika, minsan ko nang hinanap
Subalit di ko matatap
Kung paanong ito'y isang pantasya
Pero natagpuan kitaIsang tingin mo ako'y guminhawa
Isang yakap mo ako'y sumigla
Pagunawa, pagmamahal, pasensya?
Sa isang iglap binigay mo na!Sadyang ika'y kakaiba
Lahat sa'yo liligaya
Kaya't tunay kong masasabi,
"Jesus, ikaw lang sapat na."
BINABASA MO ANG
Scribbles
Teen FictionScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...