Sabi nila, sa bawat saya, may kasamang lungkot.
Ayaw ko nang sumaya. Ayaw ko ng makaramdam ng kahit ano. Ayokong dumating yung araw na masisira ako. Iyung puso ko, iyung sarili ko. Gusto ko buo ako kahit anong mangyari.
Kaya pinili kong manahimik. Ayaw kong mapalapit sa kanila. Sa mga lalaki. May kaibigan ako, pero walang lalaki sa kanila. Ayaw kong sumama sa kanila. Alam mo kung bakit? Kasi malaki ang posibilidad, na kahit ayaw mo ay tataya ka ng walang kasiguraduhan.
Sa ibang tawag, ma-inlove.
Sabi nila, masarap daw maranasan iyun. Kaso may sakit na naman. Kelan ba mawawala yung epal na yan?
Hay, high school na ako sa wakas. Freshman na. Ang malas nga lang dahil nasa k-12 na kami. 6 years. At 6 years ko ring makakasalamuha ang mga lalaking kaklase ko. Di bale, iiwasan ko na lang sila.
"Haynako. May nag-deday dream na naman."
"Hindi ako nagde-day dream, pwede ba."
Siya nga pala ang ultimate friend ko, si Ginger. We're totally opposite. Siya kasi, palakaibigan. May boyfriend na nga siya e. Idol siya ng nakararami. Ako? I'm nothing but a pathetic introvert.
Papasok nga pala ako sa bagong tayong school sa vicinity namin. Meaning, konti pa lang ang estudyante. Kaya medyo masaya ako. Konti lang talaga, pramis.
Ang ayaw ko lang, e 1 week ang Brigada. Pano na yun? 1 linggo rin akong lalabas ng bahay. Kailangan ko na sigurong gamitin yung scarf na regalo sakin ni ninang nung pasko.
"Ee! I'm excited na talaga! Panigurado, may gwapo dun!" Tumili na naman si Ginger habang nagpapantasya ng mga lalaking gwapo kuno. Yun kasi yung tipo niya e. Yung may jawline, at kailangan daw may abs.
Ewan ko dyan. Wala naman siyang mapapala dun. Pero di bale na, mind your own bussiness nga pala. Baka masabihan akong fc, wag na lang.
"Hindi mo ba gusto yun, Lei?"
"Hindi." Tipid na sagot ko sa kanya. Ako nga yata ang kaisa-isang Sanchez na walang pakailam sa mundo. Iyung mama ko kasi, doctor. Si papa? Engineer. Si ate? Teacher. At si kuya, may hotel bussiness. Lagi silang nakakasalamuha ng tao. Hindi katulad ko. Wait-- posible kayang ampon ako?
"Hindi ka ampon." Sambit niya. Nakita ko na naman ang mga mata niyang kulay tsokolate na bagay sa bilog niyang mukha.
"Pano ko nalaman?"
"Nasabi mo kaya." Haynako. Ang weird ko talaga.
"Mabuti pa, let's sleep na lang!" Sumang-ayon naman ako sa kanya dahil bahay naman niya ito at naki-sleep over lang ako dahil walang tao sa bahay.
Isa pa, bukas na ang Brigada. Kailangan ko pang itago sarili ko. Go, Lei Sanchez!
****
BRIGADA ESKUWELA
"Shet. Shet. Ang daming tao!"
Halata sa boses ni Ginger na excited na siya. Sabagay, mas gusto niya nga pala iyung maraming tao, maraming kaibigan, maraming kakuwentuhan. Not soo me!
Hindi ko nga rin maisip kung pano ba kami humantong sa pagiging magkaibigan ng sobra. Iyung parang magkadikit na ang mga bituka namin. Sisters na ang turingan, hindi nga lang biological.
Kumapit agad sa akin si Ginger at hinila ako. Good thing na kasama ko siya ngayon, dahil kung hindi ay paniguradong ako ang magiging black sheep ng klase.
"Lei! Tignan mo oh, ang hooot!" Kitang-kita ko ang mga mata niya na halos mag-twinkle na. Posible pala iyun noh? Basta gustong-gusto mo iyung nakikita mo. Ewan, hindi ko pa naman nararanasan iyan. At ayaw ko talagang maranasan iyan. Ever.
BINABASA MO ANG
Scribbles
Novela JuvenilScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...
