Loading Hearts #3
**
I am no special for love.
I am only ordinary, plain, and not-so extraordinary. I'm not rich, nor I am poor. I'm not that intelligent, but I'm definitely not a noob. I have an ordinary family, with two siblings, and I am the middle child.
I am Anjilla Umali but I prefer to be called as Jilla.
Kasi naman no, pati pangalan ko ordinary din! Anjilla? Ang baho pakinggan, parang bisaya ng Angela. Ewan ko ba sa trip ng mga magulang ko kung bakit iyun ang ipinangalan sa 'kin. So I'm sticking with Jilla, para maganda-ganda namang pakinggan.
Third year college na ako, pero NBSB pa rin. Family obligations, eh. Si ate maagang nabuntis nang maaga, tapos iyung bunso namin- nasa highschool pa, marami pang kailangang gastusin. Kaya working student ako. At wala ng time para sa love life na iyan! And hello? Hindi naman niyan kailangan para mag-survive!
Pero lahat ng sinabi ko... syempre echos lang.
Juskopo, kung magpapa-raffle ng boyfriend, aba sasali ako kahit nay bayad ang bawat entry! Desperada na kung desperada, eh ano naman? At least honest~
Totoo naman kasi na third year college na ako at wala ni isa pa rin akong nagiging boyfriend. Pero ang ate ko, hindi maagang nabuntis. May trabaho na nga sa bangko bilang accountant, eh. 'Wag ka, matalino iyun. Cum Laude nung gumraduate. Iyung bunso naman, consistent honor kaya wala kaming problema kahit nasa private school siya. Ang gagaling ng mga kapatid ko no?
Ako naman, wala- maganda lang. Echos ulit! Napapasama naman ako sa Dean's List, pero hindi naman kaya ng brain cells ko ang pagiging University Scholar. Kaya ayun, ako na lang ang problema ni Mama pagdating sa tuition fees. Iyung tungkol sa maganda ako, totoo naman iyun. Kaso medyo invisible. Hindi kasi nakikita ng ibang tao ang kagandahan ko, ako lang minsan ang nakakakita.
Pero balik tayo sa usapang boyfriend... bakit ko nga ba gustong magka-boyfriend? Aba'y syempre, experience! Nakakahiya kaya na hindi ka nakaka-relate sa mga usapang jowa ng mga kaklase mo. Kaya ayun, forever loner ako. Walang kaibigan, beshy, o best friend.
Masyado kasi akong ordinary.
Masyadong plain.
Masyadong boring.Kaya siguro... Ni isang lalaki wala man lang nagtatangkang manligaw. Sayang, hindi ba nila alam na madali lang akong pasagutin? Kahit through messenger, oks na ako.
Kaya nga eto, wala akong ibang pinagkakaabalahan kundi ang pag-aaral. At isa na naman pong echos yon, mga kaibigan! Sinabi ko naman sa inyo, plain lang ako. Hindi ako nerd para mag-aral lang buong araw. Instead, I watch k-drama, and mv's of k-pop groups. Saganang sagana ang cellphone ko ng mga iyan! At wait, hobby ko rin ang magbasa ng mga romantic stories. Kaya sa state na 'to, sobrang hopeless romantic ko na.
Friday na ngayon at last class ko na rin, Social Studies. And what do you expect? Maski nga sa mga libro sinasabi na napakaboring na subject nito- kaya nandito ako sa pinakadulo, nagdoo-doodle kahit hindi naman marunong. Mas ayos na ito kaysa makinig sa lullaby ng professor namin.
At hoy, don't judge me na hindi nakikinig! Natapos ko lang talaga nang maaga ang pagbabasa ng hand-outs sa SS kaya memorize ko na. Oh well, kung di niyo maitatanong, favorite subject ko ito no! Ayaw ko lang talaga sa mga prof na pinapaboring ang discussion.
"Yes, Mr. Zamora?" Tinawag pala ang lalaki sa harapan ko. Sobra kasi kung gumamit ng gadget. Naka-earphones pa habang naglalaro ng mobile games. Mahusay.
Nakatayo lang ito ngayon na parang tuod. Walang masabi. Eh ang dali-dali lang naman ng tanong. Doctrina Cristiana lang ang sagot! Kung nakikinig lang sana siya...
BINABASA MO ANG
Scribbles
Teen FictionScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...