2.5
LEI SANCHEZ
CONTINUATION...
Ang dalawang araw na hindi ko ipinasok sa Brigada Eskuwela ay walang pinatunguhan. Ano nga ulit iyung sinabi ko last time? I remembered it was like this: kailangan ko nang mapabilis ang pagkawala ng kung anomang nararamdaman ko para sa lalaking iyon. Pero heh, it was actually the opposite.
Wala akong ibang ginawa kundi tingnan ang mga accounts niya. Mapa-facebook man iyan o twitter. And I know it's not good. Nung nakaraan nga ay umiyak na ako sa harapan nila Ate't Kuya, which is not even normal. Madalas ay hindi ako nagpapakita ng emosyon sa mga nakapaligid sakin, pero dahil sa isang lalaking hindi ko naman personal na kilala, nagawa ko ang bagay na akala ko ay hindi ko magagawa.
Huwebes na ngayon at kailangan ko nang kaharapin ang katotohanang expired na ang excuse ko. Pero ayaw ko pa ring pumasok dahil pakiramdam ko ay may masamang mangyayari ngayon.
Alam kong ang duwag ko. Ayaw kong harapin ang katotohanan. Pero masisisi mo ba ako? I'm afraid of getting hurt. I am not strong. I'm fragile enough to break like a glass.
Mabigat man ang loob, bumangon na ako at naghanda sa pagpasok. Naabutan ko ang buong pamilya ko sa hapag-kainan. Sumalo ako sa kanila. Wala naman kaming mahalagang napag-usapan, puro kamustahan at kuwentuhan lang.
Nagprisinta si Kuya na ihatid ako pero tinanggihan ko iyon. Mas mabuti pag naglakad ako, mas mapapabagal non ang pagdating ko sa school.
Pinagmamasdan ko ang paligid habang naglalakad. First time ko itong maglakad na walang takip sa mukha pero hindi man lang ako naninibago, dahil may pakiramdam na pumapangibabaw sa akin ngayon.
Ang pakiramdam na matagal ko nang iniwasan.
Agad kong iwinaksi ang ideyang iyon sa isipan ko. Hindi dapat. Maling-mali.
Parang walang buhay na lang akong naglalakad nang hindi ko man lang namamalayang may bike nang babangga sa akin. Hindi agad ako nakaiwas kaya nadaganan ako ng bike at nung driver.
Mabigat masyado ang nakadaan sa akin kaya wala akong nagawa kundi magpakawala ng impit na ungol. Lei naman kasi! Tatanga-tanga e...
Mukhang nakaramdam iyung nakabangga sa akin kaya't tumayo na siya at kinuha ang bike niya. Hindi ko nga maaninagan ang mukha niya, ang alam ko lang ay nag-offer siya ng kamay bilang pang-suporta.
Kung siguro hindi ako nasasaktan, pipilitin kong tumayo sa sarili kong kakayahan. Pero dahil na rin sa sakit, inabot ko ang kamay ng lalaki.
Magaspang.
Hindi malambot. Ini-imagine ko pa naman na pang-k drama ang moment na 'to. Iyung tipong mapapaangat na lang ako ng tingin at aakalaing bumaba ang isang anghel mula sa langit.
Kaso nang mahawakan ko ang kamay niya, gumuho ang imagination ko. Kaya hindi na rin ako nag-expect nang iangat ko ang tingin ko sa kany-
Holy shet.
Ano itoo?! Nanaginip ba ako?
"Mico?"
Ay shet ulit! Bakit ko sinabi ang pangalan niya?! Mamaya sabihin pang stalker ako e!
"Hm, hi Lei."
Sa... sa... sampalin niyo ko ngayon naa!! Alam kong masama ang magmura, pero kasi- tangina naman! Nang-gagago ba talaga ang tadhanang lintek na iyan?
"K-k-kilala m-mo ako?" tanong ko sa kanya. Tumango siya habang tumatawa nang mahina. Ang cute!
"Oo naman. Kinapalan ko pa talaga ang mukha ko para itanong kay Ginger ang pangalan mo," proud na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Scribbles
Novela JuvenilScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...
