Mahirap kaharapin
Ang pait ng sakit
Di sasapat ang impit ng ungol
Maski pa ang maghapong paghagulgolHindi ko alam kung saan
Hindi ko alam kung pano
Wala kong alam sa sakit na ito
Ang tangi kong hawak, ay ang nararamdamanMasakit at mahapdi
Paunti-unti ang pagdampi
Matagal ang pagtusok ng karayom
Akala ko'y malapit na ring maghilomDi pa man tapos ang proseso
Ng pagkamit ng sugat
O ng pagramdam ng sakit
Gusto ko nang tapusin ang mga bakitPaulit-ulit na tanong
Walang tigil sa pag-ugong
Walang makakasagot
Matatalo maski ang pagkabagotSaan ba sumasakit?
Sa tinutusok ng karayom?
Sa tiyan na gutom?
O sa pagkataong di matunton?Patuloy mong hinahanap
Tumitigil,
Sapagkat parang may pumipigil
Nawala ang iniindang sakitPansamantala
Walang mararamdaman
Ngunit muling babalik
Ang sakit ay doble naNadagdagan ang karayom
Huhugutin pagkatapos itusok
Dadaloy ang dugo sa balat
Dinaraanan ang ibang peklatWalang naiintindihan
Mahirap kilalanin ang kalaban
Ang karayom ba mismo?
Ang tumutusok nito?Hindi mo alam
Nasanay ka na lang
Sa bawat araw ay may bagong hapdi
Di ka na magaabalang humindiWala namang bago
Sa'yo, o sa kahit kanino
Alin ang mas totoo?
Ang sakit ba— o ang ngiti mo habang nararamdaman ito?

BINABASA MO ANG
Scribbles
Fiksi RemajaScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...