Isusulat ko ang lahat
Lahat ng salita
Lahat ng ala-ala
Lahat ng gustong sabihin pero di na kaya
Tanda ko pa
Mga panahong ika'y kasama
Ako palagi ang 'yong inaalala
Sana nga' y maulit pa
Kaso wala na nga diba?
Ubos na ang tsansa
Imposible na
Muli tayong magkasama
Alam mo ba
Mahal kita
Hindi ko lang nasabi
Pero mahal kita, talaga
Apat na taon na
Mula nang bumitiw ka
Suot mo ang asul na blusa
Pinapalibutan ng bulaklak sa kama
Apat na taon na
Tanggap ko na
Malayo ka
Kailangang mabuhay kahit wala ka
Pero sana talaga
Nasabi ko na
Sa huling segundong kasama ka
Mahal kita
BINABASA MO ANG
Scribbles
Fiksi RemajaScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...
