Hindi ko alam kung anong nangyariHindi ko alam kung saan ba ako nagkamali
Hindi ko alam na may iba ka na pa lang pinili
Hindi ko alam ang gagawin kung sakali
Kung sakaling di mo na ako kakausapin
Mananatili kaya ang pag-ibig na ipinaramdam mo sa akin?
O aalis din
At maghahanap ng ibang mamahalin
Kung sakaling makahanap ka na ng iibigin
Tuluyan ka na bang lalayo sa akin?
Hindi na lalapitan
Wala ng pakialamanan
Kung sakaling ako ay masaktan
Darating ka pa kaya upang ako'y patahanin?
O magbibingi-bingihan
At magkukunwaring ako'y isa lang na hangin
Kung sakaling ika'y aking hahabulin
Tatakbo ka ba o magpapahuli sa akin?
O baka hihinto at sasabihin mo sa aking,
"Tigil na, ako'y napapagod rin."
Kung sakaling ako'y hihinto
Magtatago
Lalayo at maglalaho,
Hindi ba guguho ang iyong mundo gaya ng iyong ipinangako?
Kung sakaling ako ay makalimot
Ibabaon ang lahat ng poot
Magiging ayos na ba ang lahat?
Mawawala na ba ang mga peklat?
Kung sakaling ako'y gumaling
At makahanap ng panibagong mamahalin
Hindi mo ba ako hahanapin?
Hindi ka ba magmamakaawa sa akin?
Mga posibilidad.
Napakaraming kung sakali.
Napakaraming mga pagkakamali.
Napakaraming pangakong nabali.
Kung sakaling maging tayo,
Saglit, may sakali pa ba sa "tayo"?
Kung mayroon ng kayo
At sa umpisa pa lang ay talo na ako.

BINABASA MO ANG
Scribbles
Teen FictionScribbles ** #1: Loading Hearts Ilang taon na ba? Bakit wala ka pa ring alam? o sadyang manhid ka lang? ** #2: Love and It's Twisted Ways Isa lang akong ordinaryong babae na medyo weirdo. Sabihin na lang nating... ako yung tipo ng taong ayaw ma-inlo...