Chapter 2

61 2 0
                                    

Lyrennica's POV

Ba't ang tagal niya? Tinignan ko ang aking pambisig na relo. 5:30 na.

Nasaan na kaya si Relle? Nakakatampo na talaga ang best friend kong 'yon. Baka naman kasama na naman niya ang babaeng 'yon.

Nagulat ako ng biglang may tumapik sa balikat ko, paglingon ko ay "Ikaw?!" Sigaw ko nang makita ko ang pamilyar na mukha ng taong naki-upo kaninang lunch time.

"Woah, easy ka lang okay?" Inirapan ko siya.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko rito.

Umupo siya sa tabi ko na sanhi ng paglayo ko sa kaniya ng konti. "Eh anong ginagawa mo rito?" Tanong niya.

"Eh siyempre waiting shed ito so I'm waiting for someone" saad ko. At tumingin nalang sa mga sasakyang dumadaan.

Nabigla ako ng may humarang na kamay sa paningin ko. Hinawakan ko ito at tatanggalin na sana ng kinuha nito ang kamay ko at parang nakikipag shake hands?

"Ako nga pala si Ruzelle" pinanlakihan ko ito ng mata. Aagawin ko na sana ang aking kamay nang mas higpitan nito ang paghawak non.

"Bitawan mo nga ang kamay ko at saka hindi ko naman tinatanong ang pangalan mo" taas kilay kong saad.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nagtanong pa siya "Ikaw anong pangalan mo?"

"I'm sorry pero, hindi mo pwedeng malaman" ngunit mas hinigpitan nito ang paghawak sa kamay ko.

"I'm asking for your name" balewalang tanong nito.

I sigh. "Lyrennica" maikling tugon ko para na rin bitawan niya ang kamay ko, at salamat naman dahil binitawan na niya ito.

Kinuha ko naman agad iyon at itinuon ulit ang atensyon sa mga sasakyan. Ngunit napalingon na naman ako sa aking katabi ng laruin niya ang ilang hibla ng buhok ko.

"Ano ba?!" Sigaw ko sabay tayo. Buti nalang wala ng gaanong estudyante. Napaamang ako nang ngumiti ito na parang nagpapa cute.

Sinamaan ko itong ng tingin. Bigla itong tumawa at tumayo na rin. "Ok, ok sorry—" hindi niya itinuloy ang sasabihin niya nang tumingin ito sa aking likuran.

"Ahm, una na ako Lyren bye" napa-aray ako sa sakit ng pisilin niya ang pisngi ko. At anong sabi niya? Lyren? Ang kapal niya ha? Binigyan niya agad ako ng nickname. Eh si Relle lang ang tumatawag sa akin ng ganon.

And speaking of Relle, yung lalaking iyon wala pa siya hanggang ngayon. Dumidilim na rin tinignan ko ulit ang pambisig kong relo, malapit nang mag 6:00!

Maghihintay muna ako ng limang minuto bago umalis.

Mag-aanim na minuto pero wala pa'rin akong nahintay.

Napagdesisyonan ko nalang na mag-lakad papunta sa terminal ng mga tricycle. Tatawid muna ako ngunit nasa kalagitnaan ako sa pagtawid ng may—

"Lyren!" Namalayan ko nalang na nakahiga ako sa gilid ng kalsada at nakadagan sa akin si "Relle!" Napayakap ako bigla sa kaniya.

Yung nangyari, muntik na pala akong masagasaan. Bumangon ito at ako ay binuhat niya.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili na di umiyak. Buti nalang at nandito si Relle. Kung hindi baka nasa impyerno na ako.

Nagsimula na itong maglakad at buhat buhat parin ako nito  "Ssshh, tahan na" saad niya habang hinahagod niya ang aking likod.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

"Wag na wag mo na ulit gagawin yon okay?, Paano kung wala ako doon? Lyren naman pleases. Take care" panenermon sa akin ni Relle. Nandito kami sa bahay nila at okay na rin ako.

Tinignan ko siya ng masama "Aba, aba ikaw itong hindi nagpakita at hindi pumansin sa akin ng buong mag hapon ha" mukha naman siyang naguilty.

"Okay, I'm sorry. Kasi nga busy ako"

Tumawa ako ng ubod lakas "Wow busy? Busy saan? Sa kakausap sa babaeng 'yon" saad ko sabay irap.

"Eto naman"

"Bakit mo ba kinakausap yun?" Eto na naman yung inis na nararamdaman ko.

Nagkamot muna ito ng ulo bago nagsalita "Ah, si Jelai? Ahm, wala yun" che! Galing mong mang deny.

"Weh di nga?" Paniniguro ko.

"Tama na nga yan, nagpaalam ka na ba kay tita?" Ang sinasabi niya ay kung pinapayagan ba ako nina mama at papa na matulog dito.

"Oo raw" walang gana kong sabi. Winawala na naman niya ang topiko namin, pero papalipasin ko nalang sa ngayon.

"O sige, akyat na tayo para makaligo na tayo pagkatapos non ay... You guess"

"Aha! Movie marathon" hula ko.

Umiling naman ito "Eh ano?"

"You guess" pag-uulit niya.

"Pillow Fighting?"

Umiling na naman ito "Nope"

"Eh wala na akong alam?" Di ako sigurado. Ano pa ba ang mga ginagawa namin?

Ngumiti siya na sanhi ng pagtigil ko sa pag-iisip ang gwapo niyang tignan. Ito, ito pa yung isang rason kung bakit ako nag kagusto. Napaka amo nang kaniyang mukha.

"Huyy!" Napabalik ako sa reyalidad ng pisilin niya ang aking pisngi.

"Anong iniisip mo? Ako ba yan?"  Eh kung sabihin kung ikaw?

Ngumiti ako pero pisil-pisil pa rin niya ang aking pisngi pagkatapos non ay umiling ako.

Bigla niya naman binitawan ang aking pisngi at ngumuso ito. Bakit ba ang gwapo ng best friend ko?

"Psh, oo na ikaw na iniisip ko" bigla na naman itong ngumiti. Magkakaheart attack na ba ako?

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

VOTE🌟

COMMENT💭

SHARE😇

And if you want you can follow me😁

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now