Chapter 8

8 1 0
                                    

Lyrennica's POV

"Bakit bigla ka nalang tumakbo kagabi? Alam mo bang sobra akong nag-alala sa'yo? Ano bang iniisip mo?" Di ako makasagot agad, para akong nasa hot seat.

Tinignan ko siya, naka-upo ako rito at naka tayo siya sa harapan ko. Kitang-kita ko ang galit sa kaniyang mukha. Lumunok muna ako bago sumagot.

Pero ano bang sasabihin ko? "What? Ba't di ka magsalita?" Kitang-kita ko ang pagkainip sa kaniyang mukha.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita "Ano, nabigla lang kasi ako" buti hindi ako nautal.

Natigilan naman ito, nakamasid pa'rin ako sa mga inaakto niya. Huminga ito ng malalim at biglang umamo ang mukha nito "Sorry kung nabigla kita" lumapit ito sa akin, umupo siya sa aking tabi.

"Ahm, a-ano wala yun hindi ko kasi akalain na" hindi ko alam kung mabibigkas ko ang mga katagang 'yon...

"It's okay, sorry kung naglihim ako sa'yo" bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla akong nakaramdam ng parang koryente.

Ngumiti ako ng pilit rito "O-okay lang naman eh, privacy mo 'yon."

"Eh bakit parang napipilitan ka?" Tinanggal niya ang mga kamay niyang nakahawak sa aking mga kamay at bigla nitong pinunta sa magkabilang pisngi ko.

Biglang uminit ang aking mukha, na'ko baka mukhang kamatis na ako sa pula ng mukha ko, paano ba naman, ang lapit ng mukha niya" Hey ok ka lang ba?"

"H-ha? okay naman ako ah" dinampi niya ang kaniyang isang palad sa aking noo na para bang tinatansiya ang aking temperatura.

"Namumula ka" dahil don mas uminit pa ang aking mukha.

Lumayo ako rito "Mainit kasi eh" saad ko at pinaypay ang sariling kamay.

"Ahm, di ka galit sa akin?" May kaba akong nararamdaman, malay mo galit pa'rin siya. At para na rin maiba ang pag-uusapan namin hindi sa mukha kong namumula.

Tinignan niya ako ng masinsin at siya'y biglang ngumiti na parang hindi nga ito galit "Ano ka ba hindi ko kayang magalit sa'yo ng matagal" saad nito at ginulo ang buhok ko.

"Eh bakit kung makatingin ka sa akin kanina parang kakainin mo na ako" nakanguso kong saad.

Tinanggal niya ang kaniyang mga kamay mula sa aking ulo "Kaya ako galit sa'yo kanina dahil sa sobrang pag-aalala"

"Eh kung nag-alala ka ba't di mo ako sinundan?" Oo nga naman ba't ngayon ko lang naisip ito?

Napabuntong hininga ito "Dahil alam kong pag nag walk out ka, siguradong galit ka o may di kanais-nais kang nalaman" mahaba nitong saad. Sabagay lumaki kaming magkasama, kabisado niya lahat ng aking pag-uugali.

"Ah" nalang ang aking nasabi, dahil wala naman akong ibang sasabihin.

"Huyy, anong iniisip mo?" Ano nga ba?

"Wala, sige balik na tayo may klase pa ako mamaya" tumayo na ako at maglalakad na sana palabas ng pinigilan niya ako.

"Bakit parang ayaw mo akong kausapin?" Hinarap ko ito.

"Hindi naman ah" tanggi ko.

"May masama ba akong nasabi sa'yo? Galit ka ba dahil sa nasabi ko sayo kagabi?" Bakit kailangan pa niyang ibigkas muli iyon sa harapan ko?

"Hindi" pero oo, galit ako. Galit ako sa aking sarili kung bakit ako na inlove sayo.

"Tungkol ba'to sa feelings ko kay Jelai?" Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi.

Umiling ako rito "Hindi o-ok lang sa a-akin yun" pero sa totoo lang hindi ako ok.

"So merienda na naman tayo mamayang hapon?" Lyren just accept the fact na di kana magugustuhan ni Relle.

Ngumiti ako rito siguro kailangan ko nang tanggalin itong nararamdaman ko. "Sige, basta libre mo ha" just go with the flow.

"Ako na naman? Ikaw na kaya ang manlilibre"

"Was money" maikiling sagot ko. Nagkamot naman ito sa kaniyang ulo.

"Oo na ako na, tara na nga" pagkasabi niya iyon ay hinila na niya ako.

Siguro hanggang dito nalang kami.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ba't ba siya nandito? At bakit ko rin siya seat mate? Lubos akong nagtataka kay Ruzelle kung bakit siya nandito.

Pwede pa bang lumipat ng section? Ba't di ko naisip yun? Pwede akong lumipat sa section ni Relle.

"Hey, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah" tinignan ko ito sa aking tabi.

"Hindi mababaw" pampipilosopo ko. Ngunit mahina lang ang aking pagkakasabi, baka marinig kami ni ma'am.

Bigla itong ngumuso "Uyy ito naman" peste, ba't ba niya linapit ang mukha niya.

Ngayon ko lang mapagmasdan ang kaniyang buong mukha, he's handsome. Mula sa kaniyang kulay abong mata pababa sa matangos nitong ilong at sa mapupula nitong labi. Talagang gwapo ito pero mas gwapo pa rin si Relle.

"Gwapo ko no?" Ako na ang kusang lumayo dahil amoy na amoy ko ang mabango nitong hininga at pabango nitong panlalake at sa mahangin nitong presensiya.

Inirapan ko ito "Tigilan mo nga ako" saad ko at itinuon na lang ang atensyon sa teacher namin na kasalukuyang nagsusulat sa pisara.

Kailangan kong mag take down notes. Kinuha ko ang aking notebook at linagay sa aking mesa at kinuha ko naman ang ballpen kong nasa pencil case ko.

Magsusulat na sana ako ng makita kong wala ang aking notebook sa aking mesa. Linagay ko naman dito ah. Isa lang ang pwedeng gumawa nito.

Binalingan ko ang aking katabi at sisitahin na sana ng makita kong nagsusulat ito ngunit ang notebook ko ang pinagsusulatan niya.

Tinapik ko ang balikat nito, lumingon naman ito "Bakit?" Takang tanong niya, di ba niya alam na notebook ko yan?

"Akin nga yang notebook ko" saad ko.

"Ako nalang ang magsusulat" pagkasabi nito ay itinuloy na naman niya ang pagsusulat.

Ano bang nakain nito "Kaya ko namang magsulat" pero itong lalaking ito hindi niya ako kinibo.

Bahala siya eh di siya na ang magsusulat. Hanggang sa matapos ang discussion ni ma'am nasa kaniya pa'rin ang notebook ko at nagte-take down notes.

"Oh ito na, kumpleto yan" kinuha ko naman ang aking notebook at binalik na sa bag ko. Last period na namin ito.

Pupunta pa pala kami ni Relle kay tita Beth. Lalabas na sana ako ng biglang hinawakan ni Ruzelle ang aking kamay. .

Napalingon ako rito "Bakit?" magkasalubong ang kilay kong tanong.

"Wala naman bang thank you diyan?"

Inirapan ko ito "Kaya ko naman kasing magsulat, ba't mo ba kasi kinuha" di ko alam kung bakit medyo naiinis ako rito.

Wala naman siyang ginawang masama. Binitawan na niya ang aking kamay "Ayaw ko lang naman mapagod ang dkiddnj" pagkasabi niya non ay umalis na ito.

Liningon ko ito. Ano yung sinabi niya? Hindi ko kasi narinig dahil binulong nito ang huli niyang sinabi.

Aish! Ang gulo niya at yung sinabi rin niyang gagawin niya ang lahat para sa kaniyang mahal. May gusto ba siya sa isa sa mga classmates namin? Oo namin dahil classmate na namin siya.

Tatanungin ko bukas kung pwede pang mag switch ng section.

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

VOTE🌟

COMMENT💭

SHARE😇

And if you want you can follow me😁

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now