Chapter 9

8 1 0
                                    

Lyrennica's POV

"Asan ka na ba Relle" mensahe ko kay Relle dahil may natanggap akong mensahe galing sa kaniya na hintayin nalang daw ko siya rito.

Nandito lang naman ako sa dati naming pinagkakainan ng mga street foods. At mahigit limang minuto na akong naghihintay rito.

"Oh, iha asan si Relle?" Tanong ni tita Beth siya ang nagtitinda rito, matagal na niya kaming suki kaya kilala niya kami.

Shiniship rin niya kami pero malabong mangyari yun.

"May tatapusin muna raw silang proyekto tita" pag dadahilan ko, pero di ko alam kung bakit siya nagpahuli.

"Ah, ngayon ko lang kasi nakita na di kayo magkasamang pumunta rito" ngumiti nalang ako bilang sagot.

"Oh sige balik na ako roon"

Tumango naman ako "Opo tita" tinignan ko ulit ang aking cp ko. Wala pa'rin siyang reply.

"RELLE?!" Di ba niya alam na naghihintay ako?

Ok last five minutes na talaga pag di pa siya pumunta rito ay susugudin ko na siya,  hindi pala pupuntahan lang.

At last ko ng text ito "RELLE! BUHAY KA PA BA!?" Siguro kung capital letters at may mga padamdam akong gagamitin magiging alerto ito dahil alam niyang naiinis na ako o di kaya'y galit ako.

Paanong di ako magagalit? Eh, kanina pa ako naghihintay rito. Willing to wait lang ang peg ko.

Dahil naiinip na ako ay napagdesisyonan ko nang puntahan siya. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa skwelahan.

"Oh saan ka pupunta Lyren?" Napatigil ako sa paglalakad ng magsalita si tita Beth.

"Pupuntahan ko na po si Relle tita"

Tumango nalang ito. Pinagpatuloy ko naman ang aking paglalakad. "Maghanda ka sa akin Relle" bulong ko sa aking sarili.

Malapit na ako sa aming paaralan, pagpasok ko ay mga tawanan ang aking mga naririnig.

May mga nagkukumpulan ring mga estudyante sa harap ng gate, pero hindi naman karamihan. Dahil nga may pagkachismosa ako lumapit ako at nakipagsisikan para makita kung ano ang tinitignan nila.

Laking gulat ko kung sino ang pinagtatawan nila si Relle! Nakayuko ito sa harapan ni Jelai?

Anong ginawa niya sa best friend ko? At anong ginawa ni Relle?

Tinignan ko si Jelai tumatawa ito at ganoon rin ang kaniyang mga alipores. Ngunit anong tinatawan nila si Relle ba? O may sinabi ba si Relle dito? Pero ano naman ang sasabihin ni Relle sa kaniya?

Natigilan ako, umamin ba ito?

"Are you stupid? Duh!" Narinig kong saad ni Jelai at bigla na itong tumalikod ganoon rin ang kaniyang mga alipores.

Nagsimula naring umalis ang mga nagkukumpulang estudyante kanina. May narinig pa akong nagbubulungan at hindi nakatakas sa pandinig ko ang salitang 'kawawa'.

Kaya linapitan ko si Relle "Huyy" tawag ko nang pansin sa kaniya. Tinaas naman nito ang ulo niya.

Bigla akong nalungkot ng makita ko ang sakit sa mga mata ni Relle. "H-heyy" para siyang naiiyak?

Hinawakan ko ang kaniyang mga balikat "Ok ka lang?" Tanong ko rito.

"Anong ginawa sa'yo ni Jelai?" Baka naman pinahiya niya si Relle.

Tinanggal nito ang aking mga kamay na nasa balikat niya "Hey, ok lang ako. Sorry kung hindi ako nakapunta agad" may peke itong ngiti sa kaniyang mga labi.

"An—" hindi ko naituloy ang aking sasabihin ng hinila na niya ako papunta sa direksiyon ng mga street foods.

Tumigil ako, napatigil naman ito at nagtatakang lumingon ito sa akin "Bakit?" Magkasalubong ang mga makakapal niyang kilay.

"Ok ka lang ba talaga?" Magsasalita na sana ito ng nagsalita na naman ako. "Wag kang magsinungaling sa akin Relle kilala kita" kung kabisado ni Relle ang aking ugali, kabisado ko rin naman ang kaniyang ugali.

Biglang lumungkot ang kaniyang mukha "I need you right now Lyren" pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay umuwi kami sa kanilang bahay.

I need you right now Lyren

I need you right now Lyren

I need you right now Lyren

Anong ibig niyang sabihin? Hindi kaya...

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

Isipin niyo kung anong gusto niyong isipin sa 'I need you right now' ni Relle 😂

Basta ako may biglang pumasok sa isip ko yung...😂😂

VOTE🌟

COMMENT💭

SHARE😇

And if you want you can follow me😁

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now