Chapter 20

5 1 0
                                    


Lyrennica's POV

Maaga akong nagising ngayon dahil papasok pa ako.

Nang nakabihis na ako ay sinubukan ko na namang tawagan si Relle, ngunit wala eh hindi ko macontact

I-try ko kaya sa messenger? Dali-dali kong binuksan ang app ko at sinearch ang pangalan ni Relle.

Nang makita ko ay nagulat ako, he blocked me. Ibig sabihin pati yung number ko blinock niya rin? Kaya ba hindi ko siya macontact?

Bakit? Wala naman akong kasalanan? Siya na nga ang may kasalanan. Kahapon ay hindi niya ako pinansin ng makita ko siya sa parking lot.

Tinatawag ko ang pangalan niya ngunit wala itong kibo at nang lalapitan ko na sana siya ay umalis ito at sinundan ko ito at tinawag tawag ang pangalan nito.

Hanggang sa makarating ito sa isang room ang room ni Jelai. Gusto kong puntahan ito ngunit nahihiya ako. Wala akong lugar doon kaya umalis nalang ako.

Binalik ko nalang ang cp ko sa aking bag at lumabas na sa bahay. Papara nalang ako ng taxi.

Nang makarating na ako sa paaralan namin, ay pumunta agad ako sa section ni Relle, pero wala siya doon.

Iilan palang ang nandoon. Umalis nalang ako doon, mamayang recess ko nalang siya kakausapin.

Bagsak ang balikat kong pumasok sa classroom namin, nakita ko doon si Shawna. "Lyrennica yung excuse letter mo noong isang araw?"

Hindi ako nagsalita, kinuha ko nalang yung ginawa kong excuse letter at binigay sa kaniya. Nakalimutan ko kasing gumawa kahapon.

Pupunta na sana ako sa aking upuan ng pigilan ako ni Shawna. "Teka Lyrennica wala kang parents signature" tinginan ko ito at binigyan ng 'obviously look'.

Nagkamot naman ito "Sorry nakalimutan ko" alam lahat ng mga batch mate ko kung bakit laging ganoon pag may excuse letter ako.

Walang parents signature kasi pag card day o di kaya'y kailangan ang parents ay ako lagi ang nandoon kasi nga wala silang time.

At salamat naman dahil naiintindihan ng mga teachers ko.

Nang mailagay ko na ang gamit ko ay tumulong ako sa pagbukas ng mga bintana namin.

Hindi private school itong paaralan namin wala kaming janitor, kaya kami ang naglilinis.

Nang makalinis na ako ay pumunta muna ako sa restroom bale dalawa lang kasi ang restroom dito sa second floor, ngunit yung isang CR dito ay pinasara ng principal namin.

Tatlong section lang kase ang nandito 12-Hope, 12-Virtue at 12-Wisdom-ang section ni Jelai.

Ang 12-Faith ay nasa first floor dahil medyo matanda na ang adviser nila, nahihirapan itong umakyat kaya doon sila sa baba.

Lalabas na sana ako sa cubicle ng makarinig ako ng mga nag-uusap.

Kung tama ang pandinig ko si Jelai iyon at ang mga alipores niya. Ano naman ngayon kung nandito sila?

Lalabas na sana ako ng naagaw ang pansin ko sa sinabi ng isa "So kayo na pala ni Relle, Jelai ang bilis ah"

"Oo nga noong una eh parang ayaw mo sa kaniya" naalala ko iyon noong pinahiya niya si Relle at sinabing wala siyang pag-asa.

Narinig kong tumawa si Jelai "Well, okay naman si Relle.... Masarap paglaruan" walang hiyang Jelai na iyan.

Gustong-gusto ko siyang sugudin ngunit biglang may pumasok sa isip ko. Linabas ko ang aking cp at rinecord ang mga sasabihin ni Jelai.

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now