Chapter 22

12 0 0
                                    

Lyrennica's POV

Nagising ako bigla nang makaramdam ako ng pagka-uhaw.

Bumangon ako ngunit napasapo ako sa aking noo, nang sumakit ang aking ulo. Linibot ko ang aking paningin...

Hindi ko kwarto ito at alam ko kung nasaan ako, sa bahay ni Ruzelle.

Alalang-alala ko pa ang mga nangyari kanina ang binigay sa akin ni Ruzelle na tubig, may nakahalo doon.

Bumaba ako sa kama, anong oras na ba? Wala bang orasan dito? Kahit wall clock man lang.

Napagdesisyonan ko nalang na bumaba at hanapin si Ruzelle. Bakit niya binigyan ng pampatulog ang aking tubig?

May binabalak ba si Ruzelle sa akin? Tama ba ang desisyon ko na tinanggap ko ito bilang kaibigan?

Nang binuksan ko ang pinto ay wala akong alam kung saan ako pupunta. Ngayon lang ako nakapunta dito.

Naglakad ako nang naglakad. Marami akong nakikitang silid. At nang lumiko ako pakaliwa ay nakita ko ang hagdanan pababa.

Dali-dali akong bumaba at nang makababa ako ay wala akong nadatnang Ruzelle rito. Asan kaya siya?

Pumunta ako sa isang nakabukas na pinto na gawa sa salamin nang makapasok ako ay, gabi na pala.

Ilang oras ba akong nakaidlip? Ngunit ang nakakuha sa atensiyon ko ay ang dalawang taong nag-uusap dito sa hardin.

Anong ibig sabihin nito? Si Ruzelle at Jelai? Nag-uusap sila ng masinsinan. Magkakilala sila?

Ngunit anong ginagawa ni Jelai rito? Nagtago ako bigla sa isang halaman dito sa aking gilid hindi ko alam kung ano ito ngunit ito'y mataas na halaman, hindi gaya ng ibang halaman na pangkaraniwan lang ang taas nito.

Nagsimula na silang bumalik sa loob, "Pero anong gagawin ko kay Relle?" Napalaki ang aking mata dahil doon. Tumigil muna sila sa paglalakad.

"Ilayo mo ang loob niya kay Lyrennica" saad ni Ruzelle. Ibig sabihin ba non ay plano nila ito?

"So pag nalayo ko na ang loob ni Relle kay Lyrennica, anong gagawin mo sa babaeng iyon?" Nakita kong ngumisi si Ruzelle.

"Magiging akin siya, hindi na niya kailangan pa si Ruzelle, dahil ako. Ako ang tutulong sa kaniya upang makalimutan niya si Ruzelle. Dahil sa akin lang si Lyrennica." Saad nito.

Hindi ko kilala ang Ruzelle na nakikita ko ngayon. Wala itong emosyon at nakuyom rin ang mga kamay nito.

Umirap si Jelai "Kung hindi kita kapatid baka napagkamalan na kitang baliw. Baliw sa babaeng iyon. Pero wala akong kasalanan, tinulungan lang kita and of course pag nagawa mo na ang plano mo, pwede bang makipagbalikan na ako kay Fin?" Kapatid? Magkapatid sila? Pero hindi naman sila pareho ng apelido, hindi rin sila magkamukha.

Paano sila naging magkapatid? At walang kasalanan si Jelai, plano ito ni Ruzelle.

Si Ruzelle na pinagkatiwalaan ko, si Ruzelle na akala ko ay kaibigan ko. Ibig sabihin ba non ay may gusto ito sa akin?

Yung sinabi niya: 'Kagaya mo rin ako Lyren, I love someone but she loves someone'.

Ako ba ang tinutukoy nito? Yung paghawak niya sa kamay ko na para bang kasintahan niya ako, ba't diko napansin iyon.

"Pero paano naman kung hindi ko malayo ang loob ni Relle?" Saad ni Jelai.

Nakita ko ang pagtalim ng mga mata nito "Kill him" saad nito. Hindi ko napigilan ang aking sarili na di suminghap at ako'y napaatras. Mukhang may nasagi akong paso rito dahil may nahulog.

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now