Chapter 16

3 0 0
                                    

Lyrennica's POV

"She's mine!"

Napabangon ako agad nang marinig ko ang mga katagang iyon ngunit lubos akong nagtataka ng mapagtanto kong wala ako sa sala namin kundi nasa silid ako.

"No, Lyren is mine, mine alone!"

Naalala ko na naman ang mga katagang iyon, at iyong nangyari. Pero nangyari nga ba?

Nasaan kaya si Ruzelle? Diba't nandito rin si Relle? Pero nasaan sila? Teka, naguguluhan na ako panaginip lang ba iyon?

Napalingon ako bigla sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Ruzelle. Pero bakit wala akong makitang Relle?

"A-anong nangyari kanina? Nasaan si Relle?" Naguguluhan siyang tumingin sa akin.

"Anong Relle? At wala namang ibang nangyari kanina bukod sa nanood ng eerie. At buti gising kana, kain na tayo" so yung nangyari kanina, panaginip na naman? At paano ako napunta rito?

Magtatanong pa sana ako ng unahan niya ako "Nakaidlip ka sa takot, kaya ayun dinala kita rito" hinilot ko ang aking sentido, bakit ganoon nalang ang panaginip ko? Si Relle at Ruzelle pinag-aagawan ako?

Napaka feeler ko naman. "Pumipili ng horror movie natatakot naman" napatingin ako kay Ruzelle ng marinig ko ang binubulong niya.

Sinamaan ko ito ng tingin "May sinasabi ka?"

"Wala" tanggi niya. Tinignan ko ang oras, eleven o'clock? Dali-dali akong bumaba sa kama.

"Ilang oras ba akong nakatulog?" Tanong ko kay Ruzelle na naka upo sa gilid ng kama.

"Hmm, I think 2 hours?" Napabuga nalamang ako ng hangin.

Eleven means lunch time hindi pa ba ako pupuntahan ni Relle?

Pero feel ko totoo iyon eh. Tinignan ko ang mukha ni Ruzelle, wala akong makitang pasa.

"Oh bakit?" Tanong nito ng mapansin niya sigurong nakatingin ako sa mukha niya.

Napaiwas naman ako ng tingin "W-wala"

"Siguro gutom kana, halika may niluto ako" at ang unggoy pinakialaman ang kusina namin. At di pa siya talaga umalis.

"Tara na" masaya nitong saad at hinila niya ang aking kamay. Napatingin ako sa aming mga kamay, wala akong ibang maramdaman gaya ng mga nararamdaman ko sa tuwing hinahawakan ako ng ganito ni Relle.

Wala na talaga akong pag-asa na maka-ahon pa sa pagmamahal ko kay Relle. Pero ano bang magagawa ko? Kaibigan lang ako, anong laban ko sa taong mahal niya?

Paano kung umamin ako? Di ko kasi alam ang gagawin ko pag nakikita ko silang dalawa. Masakit iyon ang una kong nararamdaman at baka pag diko na kaya ay masabi ko ang tunay kong nararamdaman para kay Relle.

"Huy, ok ka lang?" Napatigil ako sa pag-iisip ng magsalita si Ruzelle. .

Umiwas ako ng tingin sa kaniya, at tinignan kung nasaan kami. Nasa kusina na pala kami? Hindi ko man lang namalayan?

"Lyren kainin mo nalang yang linuto ko kanina" may nakahain na pagkain sa mesa at masasabi kong masarap iyon dahil sa amoy nito. Adobo.

"Hey, Lyren alam kong may problema ka. You know gaya ng sinabi ko pwede kang mag sabi sa akin." Tinignan ko siya. Mapagkakatiwalaan ko ba siya?

Umupo nalang ako at sinubsob ang mukha ko sa mesa. Kaya ko ba siyang pagkatiwalaan? Hindi ko pa siya masyadong kilala.

Mukhang alam ni Ruzelle ang sagot ko rito dahil bumuntong hininga ito at narinig ko nalang ang mga yapak niyang papaalis.

Inalis ko ang aking ulo na nakasubsob sa mesa.

"Umalis kaya yun?" Tanong ko sa aking sarili. Mukhang nagsawa na ito. Bakit ba ang hilig nilang iwan ako.

Kinain ko nalang ang nakahain sa mesa at masasabi kong magaling siyang magluto hindi gaanong maalat at manamisnamis rin.

Nasa kalagitnaan ako sa pagkain ko ng adobo ng marinig ko ang pagbukas ng gate. Naibaba ko agad ang aking kutsara at agad-agad na lumabas.

Nagbabasakaling si Relle na iyon. Ngunit laking dismaya ko ng makita kong si Ruzelle iyon at may bitbit na namang supot.

"Oh, ba't ka nandito? Teka kumain ka na ba?"

"Ah ano akala ko kasi kung sino na nagbukas ng gate" sagot ko rito at pumasok na ulit ako sa bahay.

Teka diba't umalis ito kanina? Saan ito nanggaling? At iyon dalang niyang supot?

"Buti at kumain kana, may binili akong ice cream" liningon ko ito at linalabas niya ang dalawang galoon ng ice cream.

Ano bang nakain ng lalaking ito at ginagawa niya ito? Yung pagpunta niya rito, yung pagluluto niya pananghalian ko at ito na naman ang pagbili niya nang ice cream.

Kung maka asta akala mo kung close friend ko pero natigilan ako ng may narealize ako.
Ngayon ko lang naisip ang mga ginawa ni Ruzelle sa akin. Pero wala kaya siyang ibang balak?

Tinignan ko ito busy siya sa pag s-scoop ng ice cream. Lumapit ako rito at umupo sa tabi niya.

Mukhang nagtaka naman ito dahil sa biglang paglapit ko rito. "Oh bakit?"

"May itatanong sana ako sa'yo Ruzelle"

Mabilis naman itong sumagot "Ano iyon?" Huminga muna ako ng malalim. Bago itanong ito.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" Tinignan niya ako ng may pagtataka.

"Anong ginagawa?"

Bwiset diba niya gets iyon? "Itong mga ginagawa mo ngayon" sumeryoso ang mukha niya.

"Gusto sana kitang maging... girl..."

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

Bitin!!!✌️✌️😂😂 Nga pala baka may POV na siguro si Relle sa mga susunod na chapters, kaya tuloy lang ang pag babasa.

VOTE🌟

COMMENT💭

SHARE😇

And if you want you can follow me😁

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now