Chapter 21

3 0 0
                                    

Lyrennica's POV

"R-ruzelle" saad ko at yumakap ako rito. Yinakap ako ni Ruzelle ng mahigpit.

Kumalas ito sa aming pagyayakapan at walang sabi sabi itong  hinila ako palabas sa restroom.

Nang makabawi ako sa pagkabigla ay pilit akong kumakalas sa hawak niya sa aking braso "T-teka lang Ruzelle, bumalik tayo" saad ko rito pero hindi parin ito umimik. At mas hinigpitan nito ang hawak sa aking braso.

"Ruzelle ano ba! May sasabihin pa ako kay Relle!" Sigaw ko rito.

Patuloy parin ito sa paghila sa akin hanggang sa malayo na kami sa restroom, pinagtitinginan na kami ng mga ibang estudyante. "Ruzelle, ano ba! Magpapaliwanag pa ako kay Relle!" Tumigil naman ito at madilim ang mukhang tumingin sa akin.

Napaatras ako dahil sa klase ng tingin nito. "For what Lyrennica? Hindi ka na nga niya pinapakinggan" saad nito sa kalmadong tono pero ramdam ko ang galit sa boses nito.

Umiling ako rito "H-hindi papakin—"

"Are you stupid?! Kung papakinggan ka niya bakit ka naka-upo sa sahig kanina? Hindi ba't siya ang dahilan non?"

Nagsimula na namanng manubig ang aking mga mata.

Yinugyog niya aking balikat "Lyrennica, wake up! Alam natin na mas kakampihan niya si Jelai. Dahil kaibigan ka lang niya!"

Masakit, masakit ang sinabi ni Ruzelle. Pero totoo siya, sabi nga nila 'Truth Hurts'.

Kahit anong sabihin o paliwanag ang gagawin ko hindi parin makikinig sa akin si Relle. Dahil nga kaibigan lang ako.

Tumulo na naman ang aking mga luha at yumuko ako para hindi nito makita. Nagulat nalang ako nang kinulong ako nito ng yakap.

"I-im sorry, Lyrennica" saad nito at hinaplos ang aking buhok.

Yinakap ko ito pabalik. Mas tumulo pa ang aking mga luha dahil don.

Si Relle, si Relle na itinuring kong kapatid at ang aking taong minamahal na hindi lang kapatid ang tingin ko rito.

Nagawa niya akong saktan sa pisikal na aspeto at pati narin sa emosyon. Yung ilang taon na kaming magkasama pinagpalit niya kay Jelai na hindi pa nito lubos na nakikilala.

Ganoon ba talaga? Ipagpapalit mo ang taong matagal mo nang kilala na itinuring mo nang kapatid ay ipagpapalit mo sa taong iyong mahal?

Sabagay, mahal niya si Jelai bilang isang babae at ako? Mahal niya bilang isang kapatid.

Pero mahal pa ba niya ako? Mahal pa ba niya ako sa mga ginawa niya sa akin? Ang pagtulak, pagsigaw, ang hindi niya pagpansin sa akin, kahit na sinisigaw ko ang kaniyang pangalan, ang pagblock niya sa akin at ang pagpili niya kay Jelai higit sa akin.

Mukhang hindi eh. Hindi siya ang Relle na nakilala ko ang kilala kong Relle ay hindi niya ako kayang saktan. Hindi niya kayang tiisin na hindi ako pansinin.

Pero noong naging sila na ni Jelai nagbago, siya. Kung sinabi ko ba ang nararamdaman ko sa kaniya, magiging sila ba ni Jelai?

Kung umamin ba ako, kami kaya ang magkasintahan ngayon? Mas aalagaan ba ako nito? Mas mamahalin? Mas bibigyan ng atensiyon? Hindi siguro ako nito ipagpapalit sa iba?

Ngunit mukhang kasalungat yata ang mangyayri kung sakaling umamin ako. Siguro mas lalayo ito sa akin? Hindi na siguro niya ako ituturing na kaibigan? At mas hindi niya ako pansinin?

"Hey" pangkukuha ni Ruzelle sa aking atensiyon. Hindi ko namalayan na nakatayo parin kami at magkayakap parin.

Hinawakan nito ang aking pisngi at pinahid ang aking mga luha.

Huminga ito nang malalim at napailing "Lets go home Lyrennica" saad nito. Pero wala akong sinabi kaya hinila niya ako ng marahan sa braso.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating kami sa isang bahay na sa tingin ko ay bahay ni Ruzelle.

Wala kaming imikan sa sasakyan kanina. At medyo nahimasmasan ako ng konti.

Pinagbuksan ako nito ng pinto at ako'y lumabas, nauna itong naglakad at ako nama'y sumunod.

Mayaman si Ruzelle. Sa laki at lawak ng kanilang bahay ay masasabi kong mayaman siya.

Nang makapasok kami ay pina-upo ako nito sa sofa "Wait here, kukuha lang ako ng inumin" saad nito at umalis na.

Linibot ko ang aking paningin sa sala. May isang litrato na nakakuha sa aking atensiyon. Lumapit ako rito at nang tignan ko ito ay ang litrato ni Ruzelle at ang aming principal.

Kaano-ano ni Ruzelle si sir Antonio? At nang tignan ko ang isang picture frame doon ay sina—

Hindi ko nakita ng buo ang litrato dahil kinuha ito ni Ruzelle "Come on, drink this" saad nito at may iniabot na isang basong tubig.

Walang pagaalinlangang kinuha ko ito at ininom. "Hey, upo muna tayo para makapag-usap tayo ng maayos" saad nito at iginaya ako nito sa sofa. Pero nang unang hakbang ko ay bigla nalang akong nahilo, parang inaantok ako.

Anong nangyayari sa akin? Wala naman akong lagnat, hindi naman masakit ang ulo ko? Wala naman akong kinain o ininom kaninang nasa paaralan ako?

Bukod nga lang sa binigay ni Ruzelle na tu—. Teka may linagay ba doon si Ruzelle?

Ano ito? Mas lumala ang aking pagkahilo "A-an—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang linamon na ako ng dilim.

"I'm sorry" iyan ang huli kong narinig.

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now