Chapter 5

20 3 0
                                    

Lyrennica's POV

"Tita 50 pesos po ngang fishball at 40 pesos pa pong kwek-kwek at dalawa pong tig te-ten pesos na gulaman." Kinurot ko ang tagiliran ni Relle ng marinig ko na ang dami-dami niyang inorder.

"Aray! Naman Lyren" saad nito habang hinihimas nito ang tagiliran niyang kinurot ko.

"Ang rami mo naman kasing inorder kay tita eh" nakasimangot kong saad.

"Halika na nga" hinuli niya ang isang braso ko at hinila papunta sa mga upuan malapit sa pinagtitindahan ni tita.

Pagka-upo namin ay tinignan ko siya ng masama "Ba't ba ang rami mong inorder?!" Galit kong saad pero hindi naman masyadong galit. Galit-galitan lang ganon.

"Kasi alam ko namang hindi kasya sa atin kung 30 pesos sa fishball at 20 pesos sa kwek-kwek"

"At bakit naman di kakasya iyon?" Nagtataka kong tanong.

"Sa galing mo ba namang kumain? Kakasya kaya?" Nang-iinsulto na talaga ito. Hindi ko nalang siya pinansin. Linabas ko nalang ang aking cp.

"Huyy" naramdaman kong kinalabit niya ako. Pero hindi ko pa'rin siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya!

"Psst" 🙄

"Huyy, Lyren" 🙄

"Uyy, malapit na yung order natin oh" pake ko naman!

"At nandito na" pumalakpak pa ito.

"Salamat po tita" rinig kong saad niya. Tinitignan ko pa'rin ang Army's ko kung may nag-chat na ba sa mga PC (Public Chatroom) namin.

"Hala sige sige, anong nangyari kay Lyren? Nakabusangot ang mukha niya?"

Inakbayan niya ako "Wala po ito tita, konting tampuhan lang"

"Sus kayong dalawa talaga, sige balik na ako" iwinaksi ko ang kamay niya.

"Uyy uubusin ko to pag di ka pa pumansin" Di pwede favorite ko kaya yun.

Binalingan ko siya agad ng tingin "Subukan mo"

Nagkibit balikat ito "Eh di subukan" napasimangot ako.

Bigla niya namang pinisil ang mga pisngi ko "Eto naman di mabiro, ako pa sana ang magtatampo sa'yo eh" nagtaka ako bakit naman siya magtatampo?

Tinanggal ko ang kamay niya "At bakit ka naman magtatampo?"

Biglang sumeryoso ang mukha niya "Ruzelle" maikli niyang tugon. Di ko alam pero imbes na malungkot ako ay bakit saya ang nararamdaman ko? At feeling ko ay nagseselos siya?

"Oyy, selos siya oh" tudyo ko sa kaniya.

"Oo, nagseselos ako. Nagseselos ako sa tuwing nakikita kitang may kausap na iba. Nagseselos ako ng pumayag kang maki-upo siya. Nagseselos ako Lyrennica Gelrisse" napanganga ako sa mga sinabi niya. Di ko alam kung nagsisinungaling siya dahil napakaseryoso niya wala akong makitang emosyon sa mga mata niya.

Pero totoo ba? Nagseselos nga ba siya? Bakit ang saya-saya ko? M-may nararamda-

Napabalik ako sa reyalidad ng marinig kong tumawa si Relle. Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"Lyren nakita mo sana ang mukha mo" napatigil ako sa pag-iisip. Tumatawa siya, joke ba 'yon? Tinignan ko siya ulit tumatawa pa'rin ito.

"Joke ba 'yon?" Walang gana kong sabi, napatigil naman ito sa pagtawa.

"Eto naman sinakyan ko lang ang sinabi mo na nagseselos ako"

"Pero hindi magandang joke 'yon" seryoso kong saad. Paano ba kasi parang umasa na ako, hindi pala umasa talaga ako. Tumayo ako, mukha naman itong nabigla.

"Hey saan ka pupunta?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya, bwiset. Tumalikod na ako sa kaniya at aalis na sana ng bigla niyang hinapit ang bewang ko at nararamdaman ko ang kaniyang dibdib sa aking likod.

Biglang uminit ang aking pisngi. May mga ilang nakatingin sa amin. "Saan ka pupunta?" kahit di ko kita ang mukha niya alam kong nakasimangot ito. Parang lumambing rin ang boses nito.

"Aalis na" pilit kong pinalamig ang aking boses pero sa ganitong mukha at tono niya ang hirap magalit sa kaniya.

Biglang humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa aking bewang "Di pa tayo kumakain" di ako kumibo.

"Huy" yinugyog niya ako konti, di pa'rin niya binitawan ang bewang ko. May nakita rin akong nakatingin sa amin at nagbubulungan pa.

"Bitawan mo na ako Relle" walang gana kong sabi.

Ngunit humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa bewang ko "Ayaw" para siyang bata.

Huminga muna ako ng malalim, alam kong di niya talaga ako bibitawan. "Oo na di na'ko aalis, kaya bitawan mo na ako"

Binitawan nga niya ako pero hinawaka niya ang kamay ko at may naramdaman akong kakaiba, parang may mga boltahe akong naramdaman na dumaloy sa buong katawan ko.

Pinaupo niya ako. "Kain na tayo sayang 'yong pera ko di na kita ililibre ulit" di ko mapigilan ang sarili ko na di mapangiti.

Pinisil niya ang pisngi ko "Uyy, ngumiti na rin siya" inirapan ko na lang ito. Sinimulan ko nalang kumain.

Nasa gitna ako ng pagkain ng kwek-kwek ng
biglang tumunog ang aking cp. Tinignan ko ito isa itong message pagbukas ko ay pangalan pa lang ay alam kong di ko na magugustuhan ang sasabihin niya.

"Oh ba't di mo basahin?" Napatingin ako sa aking gilid.

"Chismoso"

"Uyy, hindi ah tignan mo kaya baka importante iyan"

Sinunod ko naman siya. "Baby we will not be able to come home today and tomorrow, just stay at Jhon Relle's house okay?, bye and take care baby. We love you." Basa ko sa mensahe ni mama. Bakit hindi pa ba ako sanay, lagi naman yang nangyayari. Sinasabi nga nilang mahal nila ako pero di naman nila pinaparamdam.

Bigla akong inakbayan ni Relle."Wag ka na ngang malungkot diyan. Nandito naman ako" malaki ang pasasalamat ko sa Diyos dahil nabiyayaan ako ng napakabait na best friend. Ano kaya ang gagawin ko kung wala siya?

Lagi siyang nandiyan pag may problema ako tungkol sa mga magulang ko, lagi niya akong pinapasaya. Binibigyan ng atensyon na di kayang maibigay ng mga magulang ko.

Sa tuwing nakakalimutan nila ang kaarawan ko, sa tuwing hindi sila dumadalo pag may awards ako, si Relle lagi ang nandoon.

"Huyy, bakit ka naiiyak diyan?" Bigla ko itong niyakap at doon ako umiyak sa kaniyang balikat.

"S-salamat kasi nandito ka Relle" saad ko. Hinagod niya ang aking likod.

"Sus wala yun, tahan na. Ano ka ba di pa natin nauubos itong mga ito oh." Napatawa ako sa sinabi niya pagkain pa'rin ang nasa isip.

Humiwalay na ako sa kaniya na nakangiti. Nabigla ako nang may dumapo sa pisngi ko na isang malambot na bagay, isang panyo. Pinupunasan niya ang aking mga luha.

"Wag ka na ngang umiyak diyan ang pangit mo eh, mas maganda kung nakangiti ka" napatawa na naman ako sa sinabi niya.

"Oo na po, sige na nga kain na tayo kasi sayang naman kasi libre mo pa ito" kumain na nga kami ulit.

How I wish ganito pa'rin tayo Relle, pag may lakas loob na akong sabihin ang nararamdaman ko pero hindi pa sigurado kung ito nga'y pagmamahal o isang paghanga lang.

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

VOTE🌟

COMMENT💭

SHARE😇

And if you want you can follow me😁

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now