Chapter 14

7 0 0
                                    

Lyrennica's POV

30 missed calls from Relle and 20 messages. Hindi ako pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko.

Namumugto rin ang aking mga mata sa kakaiyak dahil kagabi.

Nagpahatid nalang ako kay Ruzelle sa bahay  at hindi sa bahay ni Relle. Ini-off ko rin ang aking cp dahil siguradong tatawag si Relle.

Pumunta rin siya sa bahay ngunit hindi ko siya pinagbuksan, at hindi rin ako umimik para hindi mahalata na may tao rito, parang walang tao dito sa bahay dahil nakapatay rin ang mga ilaw dito.

Hindi naman nagtanong si Ruzelle.

Napabalik ako sa reyalidad ng tumunog ang aking cp, si Relle, tumatawag.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Tumigil naman ang pagingay ng cp ko ngunit umingay na naman ito ng tumawag na naman si Relle.

Napabuga ako ng hangin, okay kalma lang. Sinagot ko ito "H-hello" pinilit kong panormalin ang boses ko.

"Lyrennica Gelrisse where are you?! Bakit wala ka sa bahay ko kagabi? Pumunta ako sa bahay niyo pero walang tao doon. Tell me Lyrennica, where are you?!"

Baliw na ba ako? Dahil imbes na mainis ako ay masaya ang nararamdaman ko. Masaya ako kasi nagaalala siya sa akin.

"Hey, Lyrennica"

"Ahm, I'm fine Relle" I think nagugutom na ako. Kaya siguro ang hina ko ngayon, masakit rin ang ulo ko.

"Pero bakit parang nanghihina ka?"

"I-i'm fine, don't worry"

"Eh ba't wala ka rito sa school?, tell me the truth Lyrennica" Napabuntong hininga ako. Hindi ako makakalusot dito.

"Fine, I'm not feeling well Relle. But I'm oka—"

Nabitin ang sasabihin ko nang magsalita si Relle "No you're not, just wait for me okay? Pupunta ako diyan"

"W-wag n—"

Ba't ba ang hilig mambitin neto. "Where are you?"

"Home"

"Okay just wait m---- baby let's go" at bigla nalang namatay ang tawag.

Baby let's go

Baby let's go

Baby let's go, boses pa lang alam ko na. Si Jelai yun eh. Sila na ba? Kasi bakit baby ang tawag ni Jelai kay Relle? Ba't ang bilis naman yata? Wala pa ngang isang araw, sila na?

Nagsimula na namang pumatak ang aking mga luha. Hindi ko mapigilan ang hindi mapahikbi.

Ba't ganito nalang kasakit itong nararamdaman ko, parang hindi ako makahinga.

Eto na yung sinasabi ko, bakit hindi ko kasi pinigilan ang sarili ko na mahulog. Okay lang sana kung 'gusto' lang ang nararamdaman ko, ngunit iba na eh dahil 'mahal' ko siya.

Habang tumatagal nahuhulog ako, kung bakit kasi siya pa. Kaya ayun hulog na hulog na ako.

Kailan ko ba ililihim ito? Hanggang kailan ko ito makakayang kimkimin? Dahil habang tumatagal ay nasasaktan na ako.

Pinilit kong bumangon mula sa aking higaan. Muntik pa akong matumba. Pumasok ako sa aking banyo at naligo.

Napaka tahimik ang bahay namin dahil ako lang naman ang nandito ang mga parents ko ayun busy, may mga katulong kami ngunit mag-isa lang naman ako rito kaya pinauwi ko na sila.

Kaya ko namang gumawa ng mga gawaing bahay. Oo mayaman kami pero hindi lang halata sa akin, simple lang ako kung manamit at mas gusto ko ring sumakay sa mga tricycle at Jeep kesa sa mga magagarang sasakyan. Hindi ako mahilig pumunta sa mga malls mas gusto ko sa mga parke ako pumunta.

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now