Chapter 13

4 1 0
                                    

Lyrennica's POV

"Hey you okay?" Tanong ni Ruzelle habang binabaybay namin ang daan papunta sa bahay ni Relle.

"O-okay lang ako" pero ang totoo hindi. Gusto kong umiyak, gusto kong isigaw itong nararamdaman ko. Hindi ko alam pero ang sakit eh, mas pinili niyang samahan si Jelai kaysa sa akin, di man lang niya naisip iyon?

"Okay ka lang ba talaga?" Tumingin ako sa kaniya, ngumiti ako ng pilit rito at tumango ng dahan-dahan.

Pero mukhang hindi siya kumbisido dahil tinigil niya ang sasakyan "Hey, yung totoo ok ka lang? You know pwede ka namang magsabi sa akin"

"A-ano wala ito" tanggi ko.

"Wag ka ngang magkunwari diyan. Gusto mo maglibang muna tayo?"

"Ahm, hindi pwede baka hanapin ako ni Relle" bigla siyang tumawa na ikinataka ko, joke ba yung sinabi ko?

"Diba may pinuntahan siya?"

"Eh ma-"

"Okay let's go" masaya nitong saad. Tapos sinimulan niya ulit paandarin ang sasakyan at nagtaka ako ng bumalik ito.

"Hey, ba't tayo babalik?" Nagtataka kong tanong.

"To freshen you up" simple nitong saad.

"Anong to freshen me up, ok nga ako. Ibalik mo Ruzelle" ngunit para siyang bingi dahil nagtuloy-tuloy pa'rin ito sa pagmamaneho.

Yinugyog ko ang isa nitong balikat "Huy... Ibalik mo na nga" pero wala pa'rin itong kibo. Napabuntong hininga nalang ako at umupo ng maayos.

Nagtataka na naman ako ng nakikita ko na ang mall. Binalingan ko agad si Ruzelle "Teka ba't nandito tayo?" Hindi pa'rin niya ako pinansin.

"Hey, Ruzelle ibalik mo nga ito" baka kasi nandito sila Relle at Jelai. Ito kasi ang pinakamalapit na mall mula sa paaralan.

Pero wala pa'rin akong nakuhang sagot sa kaniya. Nang makapark siya ay binalingan niya ako.

"Come on, maglilibang lang naman tayo eh"

"Huh? Ok lan-

"No you're not" saad nito at lumabas. Napahilot ako sa aking sentido. Anong gagawin ko? Wala na akong magagawa kundi sumama nalang.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla itong bumukas, pinagbuksan niya pala ako.

Lalabas na sana ako ng pigilan niya ako "Just place your things inside" hindi nalang ako nagsalita at sinunod nalang ang sinabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko na sanhi ng pag-igtad ko, pinilit kong tanggalin ito ngunit parang bakal ang kamay ni Ruzelle.

Nang makapasok kami ay yumuko ako, baka may makakita sa amin. Lalo na't magkahawak kamay kami ni Ruzelle.

"So saan mo gusto?" Napaangat ako ng tingin kay Ruzelle.

"Ahm, di ko alam" hindi ako sanay na pumupunta sa mga malls.

"Nagugutom ka ba?"

"Hindi" agad kong sagot.

"Alam ko na!" Masaya nitong saad at kinaladkad ako papasok sa Tom's World?

Nang makapasok kami ay inagaw ko ang aking kamay mula sa kaniya, hindi naman niya iyon napansin dahil busy siya sa pagbili ng token.

Inilibot ko ang aking paningin ang ingay rito, ang daming tao. Napatigil ako sa pagtingin ng may makita akong dalawang tao na naglalaro sa claw machine?

Naka uniporme sila, hindi ko makita ang kanilang mukha dahil ang mga likuran nila ang nakikita ko.

Pero familiar sa akin ang likod ng isa, sino pa ba? Eh di si Relle, best friend ko siya kaya kabisadong-kabisado ko ang lahat ng anggulo ng kaniyang katawan, buhok pa lamang si Relle na iyan.

Shit! Bigla akong nag panic, baka makita niya ako. Binalingan ko si Ruzelle "H-hey, uwi na tayo?" Pag aanyaya ko rito.

"Bakit? Nakabili na ako ng token oh" at pinakita niya ang mga binili niya.

"A-an-"

"Tara na nga, punta tayo doon masaya doon" saad nito at pumunta sa direksiyon ng mga claw machines?!

"Teka Ruzelle" awat ko at tumigil. Tumigil naman ito.

"Ahm, wag diyan dun na lang tayo" tinuro ko ang direksiyon ng mga batang naglalaro ng basketball.

"Okay" maikli nitong saad.

Habang naglalaro ay diko mapigilan ang sarili ko na wag lumingon kina Relle at Jelai, na sana hindi ko nalang ginawa.

Ito na naman ako yung gusto kong umiyak. Ibang iba si Relle, makikita mo ang saya-saya niya. Ang sweet rin nila.

Nakatingin pa'rin ako sa kanila na nagtatawanan nang bigla nalang naging seryoso ang mukha ni Jelai at unti-unting lumalapit ang kanilang mukha sa isa't isa.

Maghahalikan ba sila? Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang aking mga luha dahil sa nakikita ko, naghahalikan sina Relle at Jelai at hindi lang simpleng halik dahil ang lalim ng halik nito.

"Hey anong nangyayari sa'yo?" Yumakap ako kay Ruzelle at doon ko binuhos lahat ng aking mga luha.

Hindi naman ito nagsalita, hinahagod niya ang aking likod at pinapatahan. Naalala ko na naman yung mga time na si Relle ang gumagawa sa'kin nito, ang humahagod sa likod at nagpapatahan sa akin.

"Ruzelle, u-uwi na tayo" saad ko ng medyo kumalma ako.

"O-okay" nagtataka nitong saad.

Hinila niya ako palabas, sinulyapan ko ulit ang mga dalawa hindi na sila naghahalikan ngunit ang mga braso ni Relle ay nasa bewang ni Jelai.

At nahuli kong nakatingin si Jelai sa akin. And she's smirking at me. Nakita niya ako, si Relle kaya nakita niya ba ako?

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

VOTE🌟

COMMENT💭

SHARE😇

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now