Chapter 19

5 0 0
                                    

Relle's POV

Guilt. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko siyang puntahan at kausapin kung bakit hindi ako nakapunta sa bahay niya. At kung bakit hindi ko siya pinapansin.

Iyon ay dahil kay Jelai. Ang babaeng mahal na mahal ko, hindi ko akalaing magiging kami agad.

Sa totoo lang linigawan ko agad si Jelai noong umamin ako at hindi ko akalain na sasagutin niya ako agad.

Ang matagal ko nang inaasam ang maging kasintahan ni Jelai.

Noong nakauwi na ako sa bahay galing sa mall, ang alam kong bubungad sa akin ay ang mukha ni Lyren na nakasimangot.

Dahil hindi ko natupad yung promise ko sa kaniya na ilelebre ko siya. Inaya kasi ako ni Jelai nakita ko ang lungkot at sakit? Sa mata nito.

Ngunit wala siya sa bahay kaya pumunta ako sa bahay nila ngunit nakapatay lahat ng ilaw , kumatok ako at tinawag ang pangalan niya pero walang sumagot kaya labis akong nag-alala.

Itinuring kong nakababatang kapatid si Lyren, mahal na mahal ko ito bilang kapatid kaya nagtataka ako kung bakit wala siya.

Tinawagan ko ang magulang niya pero busy.
Wala naman siyang ibang kaibigan, kaya wala siyang ibang pupuntahan.

Tinawagan ko ang telephono niya ngunit nakapatay ito. I messaged her too. But I didn't get a respond.

Kinabukasan. Pumasok ako sa paaralan ngunit wala siya. Tinawagan ko ulit ito at buti naman. Sinagot niya ito. Ramdam kong iba ang boses nito, parang galing siya sa kaiiyak.

Nanghihina rin ang boses nito kaya labis ang kaba ko. Dali-dali kong tinanong kung nasaan siya at pupuntahan na sana ngunit may biglang kumuha sa telepono ko, si Jelai.

Nandito pala siya sa aking tabi ni hindi ko manlang napansin. Nag-aya itong pumunta sa mall at bibili raw siya ng mga gamit niya.

Wala akong nagawa kundi ang umo-o rito. Dahil baka magtatampo ito.

Ang tagal niyang pumili at kumain rin kami sa isang restaurant. Dalawang araw palang na si Jelai ang kasama ko nami-miss ko na si Lyren.Hindi ko alam pero nami-miss ko yung mga time na mga street foods lang ang kinakain namin ni Lyren pag lumalabas kami.

Mas gusto niyang pumunta sa mga parke.

Buong maghapon kaming nasa mall. Kaya hindi kami pumasok.  Hinihintay ko siya mula rito sa labas ng fitting room. Nababagot ako.

Hindi ko alam pero wala akong maramdamang saya na magkasama kami. Ang naiisip ko ay ang mga oras na si Lyren ang kasama ko.

Nang umuwi na kami ay biglang tumunog ang aking telephono pagtingin ko ay si Lyren ngunit kinuha agad ito ni Jelai at blinock niya si Lyren.

Nakaramdam ako ng galit rito ngunit hindi ko pinahalata. At natakot ako ng sabihin niyang hihiwalayan niya ako kung papansinin ko si Lyren.

Pero wala akong magagawa, mahal ko si Jelai kaya gagawin ko ang gusto niya wag lang niya akong hiwalayan.

Pero naguguluhan ako sa aking mga nararamdaman, dahil sa tuwing si Jelai ang kasama ko si Lyren ang nasa isip ko.

Iniiwasan ko ito. Hindi ako nagpapakita sa kaniya. At alam kong hinahanap niya ako.

Nasa parking lot ako at hinihintay si Jelai yun ang bilin niya. Nang bigla nalang may tumawag sa pangalan ko.

Kilala ko ang boses nito si Lyren. Gusto ko siyang kausapin, kamustahin at makipagkwentuhan. Ngunit hindi pwede.

"Relle!" Hindi ako lumingon bagkus umalis ako sa parking lot at pinuntahan si Jelai.

Sana maintindihan ni Lyren kung bakit hindi ko ito pinapansin.

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

Ayun may POV na si Relle pero maikli lang kasi.

Sensya na✌️😜.

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now