Chapter 15

7 0 0
                                    

Lyrennica's POV

"Eto kaya? Maganda ito" tinignan ko ang pinapakita sa akin ni Ruzelle. Oo si Ruzelle, nandito pa'rin siya.

Magtatanong sana ako kung ano yung binulong niya kanina, ngunit naunahan niya ako, sa pamamagitan ng pag-aya niya sa akin ng panonood.

At heto kami ngayon nasa sala at pumipili siya ng panonoorin namin. Ayaw niyang bumalik sa paaralan, kanina ko pa siya pinagtataboy.

Ang kulit, kesyo raw boring sa room, ayaw niya raw ang mga teachers namin ngayon at marami pa siyang mga dahilan.

"Huyy, alam kong gwapo ako kaya wag mo na akong titigan ng matagal" sinamaan ko ito ng tingin.

"Ang lakas ng hangin noh?" Sarcastic kong saad.

Ngumisi ito "So anong mas gusto mo? Alone together o Eerie?" Mukhang manonood talaga kami.

"Eerie" tumingin siya sa akin ng may pagtataka.

"Seriously? Mas gusto mo itong horror kesa itong love story?" I just rolled my eyes to him.

Umupo ako ng maayos sa sofa at kinuha ang isang mangkok na popcorn. "Wala kasing forever" di ko alam kung bakit ko nasabi iyon, basta kusa nalang lumabas sa bibig ko.

Yung Relle na sinabing pupuntahan ako, asan na? Yung Relle na nag-aalala sa akin kanina, asan na? Yung Relle na atat na atat malaman kung nasaan ako, asan na? Wala diba? Baka nandoon sa baby niya.

May dumating nga pero hindi naman si Relle kundi si Ruzelle, pero kahit papaano medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kaniya.

Sa totoo lang mabait naman siya. "May mapait ka bang nakain?" Tumawa ako sa sinabi niya.

Pero napatigil ako sa pagtawa ng nakatingin ito sa akin at nakatulala, nakaawang pa ang bibig niya "Huy, alam kong maganda ako kaya wag mo na akong titigan ng matagal" panggagaya ko sa sinabi niya sa akin kanina.

Umiwas ito ng tingin at tumikhim "Ngayon mukhang may ipo-ipo naman" I chuckled a little.

"Sige na play mo na" saad ko ng mapatulala naman ito sa akin. Problema niya? May dumi ba ako sa mukha? Pero sa tingin ko wala naman dahil kaliligo ko lang kanina at hindi naman ako messy kung kumain.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood, sa totoo lang kanina pa ako natatakot rito. Hindi ako sanay sa mga ganitong movie.

Ang tapang tapang ko kanina na pumili ng ganitong movie, natatakot naman pala ako. Ang bobols!

Napatili ako at biglang yumakap kay Ruzelle ng biglang may nagpakita sa likod ng babae.
Sinubsob ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Ayoko na natatakot na ako.

Narinig ko pa ngang tumatawa si Ruzelle, pero ayaw kong tumingin lalo na't may narinig akong sumigaw mula sa pinapanood namin. Kaya lalo ko pang siniksik ang sarili ko kay Ruzelle.

Nakasubsob parin ang ulo ko sa dibdib ni Ruzelle ng bigla nalang may bumukas sa pinto. Hindi sa pinapanood namin kundi dito sa bahay! Tinignan ko kung sino ito, si Relle na nakakuyom ang kamao at madilim na nakatingin sa amin ni Ruzelle.

Napahiwalay ako bigla kay Ruzelle. Naglakad si Relle papunta sa direksiyon namin. Pumunta ito sa harapan ko at humarap ito kay Ruzelle na nakatayo. Nabigla ako sa sunod na ginawa ni Relle. Sinuntok niya si Ruzelle.

Napahiga naman si Ruzelle, susuntukin naman sana niya si Ruzelle ng pigilan ko ang mga braso nito. "Tigilan mo nga yan Relle!" pilit kong pinipigilan ang mga braso niya.

Tumigil naman ito pero nakakuyom pa'rin ang mga kamay niya. Humarap ito sa akin, madilim pa'rin ang mukha nito.

"Akala ko ba hindi maganda ang pakiramdam mo? Pero bakit nakikipaglandian ka ha?!" Malakas nitong sigaw sa akin.

Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko akalain na masasabi niya iyon sa akin "Ano bang sinasabi mo?!" Hindi ko narin mapagilan ang sarili ko na hindi sumigaw.

Nakikipaglandian? Eh siya yata ang nakikipaglandian kay Jelai kaya ngayon lang siya nakapunta.

Hindi ko namalayan na nandito na sa tabi ko si Ruzelle at hawak-hawak ang panga. "Ano bang sinasabi mo Jhon Relle Lazaro" nagulat ako nang sabibin niya ang buong pangalan ni Relle.

"Wag kang sumabat rito, hindi ikaw ang kinakausap ko Ruzelle James Adina" nagtataka ako sa dalawang ito, magkakilala na ba sila?

Nakatingin sila sa isa't isa na parang gusto nilang patayin ang isa't isa. "Tama na nga yan Relle" saad ko rito. Tumingin naman ito sa aking gawi na may di makapaniwalang ekspresiyon.

"Pinagtatanggol mo siya?" Ano bang problema niya? Siya itong sumuntok ng tao na walang ginawa.

"Oo, bakit mo ba sinuntok si Ruzelle ha" hindi ko mapigilan ang hindi magalit rito. Siya itong hindi pumunta agad, buti si Ruzelle nandito pinagaan niya konti ang loob ko.

Hindi ito sumagot sa halip siya'y humarap kay Ruzelle na may malaking ngisi na sanhi ng pagdilim lalo ng mukha ni Relle.

Nagulat ako sa ginawa na naman ni Relle, sinasakal niya si Ruzelle! Pero mas nagulat ako sa sinabi niya "She's mine!" Sigaw nito at tinulak niya si Ruzelle.

Napahiga si Ruzelle sa sofa, biglang dumagan si Relle rito "She's mine, mine, she's mine" paulit-ulit nitong saad habang sinusuntok si Ruzelle.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

She's mine

She's mine

Mine

Mine

Napabalik na naman ako sa reyalidad ng sumigaw rin si Ruzelle, ngayon iba na ang postura nila si Relle na ngayon ang nakahiga at si Ruzelle ang sumusuntok rito "No, Lyren is mine, mine alone!"

Anong nangyayari!

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

A/N:

Di ko alam kung matatawag pang love story ang alone together, di sila nagkatuluyan eh😂. Kung ako rin ang pagpipiliin mas gusto ko yung eerie😂.

Bitter si ako kasi😂. Bitter rin siguro yung director😂😂✌️.

Well sa mga nakapanood na ng alone together anong say niyo?😁

VOTE🌟

COMMENT💭

SHARE😇

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now