Chapter 18

3 0 0
                                    

Lyrennica's POV

"Am I right Lyrennica?" Hindi ko alam kung sasabihin ko bang oo o hindi.

"Ahm, h-hindi, w-wala akong gusto kay Relle" mas mabuti ng ako nalang ang nakakaalam nitong nararamdaman ko.

"Don't deny it Lyren, kitang kita ko ang lahat ng emosyon mo sa tuwing kasama mo si Relle"

Ganoon ba ako kahalata? Pero bakit hindi naman yata nahahalata iyon ni Relle "W-wa—"

"So Lyreninica am I right?" Wala na akong alam na sasabihin dahil kahit anong tanggi ko hindi ito kumbisido sa lahat ng mga sinasabi ko.

Huminga muna ako ng malalim, "Mapagkakatiwalaan ba kita Ruzelle?"

Ngumiti ito ng napakatamis "Lyren, itinuring na kitang kaibigan, kahit na ako lang ang nakakaalam" ganoon ba?

Pero parang nagaalinlangan akong umamin rito, bahala na nga "Basta wag na wag mo itong sasabihin sa iba, Ruzelle. Mangako ka" seryoso kong saad, dahil once na malaman ito ni Relle siguradong patay ako.

"I promise Lyren, trust me"

"You're right Ruzelle, I like no I love my best friend" nang masabi ko iyon ay yumuko agad ako.

Di ko alam kung ano itong nararamdaman ko nahihiya at the same time naiiyak.

Nagtaka ako ng wala akong natanggap na kahit isang salita manlang kay Ruzelle.

Kaya tinignan ko ito, ngunit nakatingin pala ito sa akin "A-ang tanga ko no?" Saad ko rito at tumawa ng pilit.

Wala itong sinabi nakatitig lang ito sa akin, nakakahiya talaga dahil sa best friend pa ako na-inlove "Wag ka ngang mahiya Lyren"

Ngumiti ito sa akin "So kumusta na yang nararamdaman mo?" Ngumiti ako ng malungkot rito.

Kamusta na nga ba? "Eto nasasaktan" kibit balikat kong saad at pinipigilan ang mga luha.

"At the same time confused, hindi ko alam kung aamin ba ako o hindi pero masakit eh Ruzelle, yung time na nakita ko sila sa mall? Noong umamin siya sa akin na mahal niya si Jelai na nakikita niya ang future niyang asawa niya ito, noong nakita ko ang saya at pagmamahal sa mga mata ni Relle noong magkasama sila, noong niyakap niya ako ng masayang masaya dahil binigyan siya ng chance ni Jelai, noong mas pinili niyang samahan si Jelai kesa sa akin, noong nakita kong magkahalikan sil—" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong niyakap ni Ruzelle.

"Tahan na" at doon ko binuhos lahat ng aking nararamdaman, hindi ko man lang naramdaman na umiiyak na pala ako.

"B-bakit ganito Ruzelle ang sakit-sakit" saad ko nang humiwalay ako ng yakap rito.

"Because you love him that's why" hindi ko alam kung namamalik mata ba ako dahil nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.

"Kagaya mo rin ako Lyren, I love someone but she loves someone. Kaya alam ko kung ano iyang nararamdaman mo dahil pinagdadaanan ko iyan" pinagdadaanan? Teka, iyon ba yung sinabi niya sa akin noong nasa classroom kami?

Na gagawin niya ang lahat para sa taong mahal niya? "T-teka sino ba siya?"

"Well she's beautiful, smart and caring I think" sino ba ang ganoon sa mga kaklase namin? Hmm...

Realization hit me "Si Shawna ba?"

"The heck!!" Nagulat ako ng bigla itong tumayo at parang gulat na gulat ito sa sinabi ko.

"Eh, sino pa ba?"

"You don't know her Lyren" saad nito at bumalik sa pagkakaupo nito.

"Well, may plano ka bang umamin?" Yan, yan yung kinakatakutan ko, natatakot ako sa magiging reaksiyon nito.

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now