Chapter 7

7 2 0
                                    

Lyrennica's POV

Ba't ko ba nararamdaman ito? Oo gusto ko siya pero bakit ganito kasakit? Am I already inlove with him?

Hi-hindi pwede, ayokong masaktan. Anong gagawin ko? Pero nang umamin siya sa akin kanina lang ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang naramdaman ko.

Mukhang matagal na yata akong hulog rito. Sa mga nababasa ko diyan na mga senyales kung in love ang isang tao. Ang pagseselos isa na iyong senyales.

Kasi kung gusto ko lang siya, bakit ganito kasakit sa simpleng "oo" lang niya ay ganito na kasakit ang nararamdaman ko?

Alam kong may gusto siya sa kaniya pero bakit hindi ko hinanda ang sarili ko sa maaari niyang isagot?

Pero bakit siya pa? Sa dinadaming tao dito bakit siya pa? Hindi pwedeng maging sila. Pero ano nga bang karapatan ko? Isa lang naman akong Best friend.

Wala akong magagawa kahit pa sabihin kong ako nalang. Bigla akong napahikab.

Anong oras na ba? Tinignan ko sa bedside table ko, 3:00 am na. May pasok pa ako bukas.

Lagot ako sa kaniya. Pinilit kong ipikit ang aking mata, ngunit bigla ko na namang naalala ang pinag-uspan namin ni Relle kanina.

Flashback:

"Gusto mo ba si Jelai?" Pilit kong linalabanan ang kaba na namumuo sa aking dibdib.

Bigla naman itong nagulat sa tanong ko. Tumawa ito pero alam kong peke iyon "Hahaha, ano ba yang tanong mo Lyren?, Siyempre hindi noh!"

Ba't ba niya dine-deny? "Wag ka ngang magsinungaling diyan Relle" nakakainis.

"Huy, ano bang klaseng tanong yan? At ano naman ang dahilan kung bakit ko siya gusto?"

"Bakit di mo nalang aminin sa'kin Relle?, Bakit kayo magkasama noon ni Jelai?"

"Huh, kailan?"

"First day of class" walang gana kong saad.

Bigla naman itong namutla na akala mo ay may nalaman akong napakalaking problema "A-ano kasi, ahm ganito kasi 'yon pinapahanap kasi siya ng president ng SSG"

"Eh ba't narinig kong niyayaya mo siyang mag-lunch kasama ka?"

Nagkamot ito sa batok at nahihiyang tumingin sa'kin "Fine gusto mong malaman?"

Hindi ako makaimik biglang binundol ng kaba ang aking dibdib at parang hindi ako handa sa sagot niya.

Tinignan niya ako ng may napakaseryosong tingin "Ba't di ka makaimik diyan?"

Lumunok muna ako bago magsalita parang kasi biglang nanuyo ang lalamunan ko "A-ano yung sagot m-mo?" Ba't ba ako nauutal?

"Oo" isang salita ng nagpabingi sa akin.

"Bakit?" Nagulat ako ng nasabi ko iyon.

"I don't know, the first time that I saw her I fell in love..." love hindi like. Akala ko gusto niya lang siya? Love? Mahal niya siya?

"She's beautiful, smart I don't know everything about her are the attitude that I like expect for her being a bitch, but still, I do love her" nasimulang manubig ang aking mga mata.

"Gusto ko siyang ligawan, siguro pag sinagot niya ako iyon na ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko" so sa mga araw, buwan at taon na nagkasama kami hindi iyon ang pinakamaganda?

"One day I imagine my future with her, being my wife and the mother of our children ho—"

Dahil hindi ko na kaya ang sakit, tumakbo ako palabas sa kaniyang silid at tuloy-tuloy na lumabas narinig ko pa siyang sumigaw. Pero hindi ko na kaya ang sakit eh.

Naglakad ako palabas sa village na ito. Salamat naman dahil hindi pa masyadong malalim ang gabi at may dumadaan pang mga sasakyan.

Pumara ako ng taxi at umuwi na.

End of flashback

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Uy, anyare sa'yo?" Hindi ko pinansin si monitor. Alam kong para akong zombie. Anong oras ba kasi akong natulog?

Inagahan ko na rin ang paggising ko dahil alam kong pupunta si Relle sa bahay. At ngayon sabog na sabog na ako.

Umupo na ako at sinubsob ko ang aking mukha sa lamesa ko.

Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? I iwasan ko ba siya? Pero anong dahilan ko? Paano kung tanungin niya ang dahilan ko? Alangan namang 'nasasaktan kasi ako' ang sabihin ko.

Iniangat ko ang ulo ko at ginulo ito "Nababaliw ka na ba?" Napatingin ako sa aking likuran.

Napatayo ako sa gulat "Ruzelle? Anong ginagawa mo dito?"

Nagkibit balikat ito "Ito ang section ko" paano? Hindi ko naman siya kasection noon, ano 'yon gaguhan?

"Wag mo nga akong pinagloloko" seryoso kong saad.

"Hindi naman kita pinagloloko" kita kong sumeryoso ang mukha nito.

"Per—" napatigil ako nang itinapat niya ang kaniyang isang daliri upang hindi ako makapagsalita.

"Gagawin ko ang lahat Lyren para sa taong mahal ko" pagkasabi niya 'yon ay umalis na ito.

Nakataunganga pa'rin akong sinundan ito ng tingin hanggang sa makalabas ito. At sakto namang namataan ko si Relle na nakatayo sa labas ng pintuan namin, nakapamulsa ito at walang emosyon itong nakatingin sa akin.

Umiwas ako ng tingin. Bigla akong nataranta. Magtatago kaya ako? Ano ba yan nakita na nga niya ako eh. Pero ano bang sasabihin ko?

Tumingin ulit ako sa pwesto niya kanina, wala na ito doon. Napatalon ako sa gulat ng biglang mag vibrate ang cp ko sa aking bulsa.

Tinignan ko ito "Let's talk on lunch time, no skipping Lyrennica Gelrisse" buong pangalan ko ang sinabi niya may dalawang ibig sabihin nito seryoso siya o di kaya'y galit ito.

Nanginginig ang kamay kong tumipa "Saan?" Text ko rito.

Di nagtagal ay nag reply ito "Student Center"

Takte! Anong gagawin ko!

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

VOTE🌟

COMMENT💭

SHARE😇

And if you want you can follow me😁

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now