Chapter 17

4 0 0
                                    

Lyrennica's POV

"Well?" Hindi ako maka-imik sa sinabi ni Ruzelle.

"G-gusto mo akong m-maging" lumunok muna ako bago pinagpatuloy ang sasabihin ko "Girlfriend?" Iyon ang sinabi niya kaninang tinanong ko ito.

"Anong masama doon?" Inosenteng tanong nito na parang wala lang ang tanong niya na gusto niya akong maging gf.

Gusto ko itong kutusan "Ruzelle? Nahihibang ka na ba? Girlfriend yan Ruzelle, girlfriend" frustrated kong saad.

Kinonutan niya ako "Teka ano bang girl friend ang tinutukoy mo?" Natigilan naman ako doon. Ano nga ba?

Biglang uminit ang aking pisngi dahil doon. Natigilan ako ng marinig ko itong tumawa. "Aha ibang girl friend ang iniisip mo no" tudyo nito sa akin.

"A-ano, hindi k-kaya" girlfriend at girl na friend alin doon?

"Well ang gusto ko ay maging kaibigan ka"

Takte Ba't ba kasi ang assuming ko "Ba't ako?" Nagkibit balikat ito.

"Basta. I feel comfortable around you at ibang iba ka" pero ano kayang sasabihin ni Relle?

"Ahm, Ruzelle pag-iisipan ko muna" mahina lang ang pagkakasabi ko.

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa kaniyang mga mata ngunit bigla nalang itong nawala nang ngumiti ito ng pilit.

"It's fine. Com'n let's eat this it's melting already" napatingin naman ako sa ice cream na nasa harap ko. Pang heart broken lang ang peg.

Ilang minuto na ang nakalilipas at wala paring nagsalita sa amin. Ang naririnig ko lang na ingay ay ang mga tunog ng kubyertos namin.

Napatingin ako kay Relle ng tumikhim ito "P-pwedeng magtanong Lyren?"

Nagtataka man ay  tumango nalang ako ng dahan-dahan. "Matagal na ba kayong magkaibigan ni Relle?" Ba't ba niya tinatanong ang mga iyan, hindi ba halata sa mga pictures namin sa sala na nakita niya?

Pero sinagot ko nalang ito "Ahm oo matagal na simula nang matuto akong maglakad at kaya nang magsalita ay nandoon na si Relle" hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti dahil naaalala ko na naman ang mga kagagawan namin noon.

"Anong mga klaseng ugali ang meron yang best friend mo?" Ano bang gustong palabasin nito?

"Hmm... Actually napaka perfect niya eh, mabait, matulungin, masipag, maalalahanin, masungit kung minsan pero napaka sweet, at higit sa lahat mapagmahal siya" guni-guni ko lang ba iyon o hindi? Dahil may nakita akong dumaan na galit sa mga mata nito.

"Sa sinabi mong mga ugali nito, wala kabang ibang nararamdaman?"

Napatigil naman ako dahil doon, may binabalak ba ang lalaking ito? "Ahm, w-wala naman" saad ko at yumuko, ayaw kong makita niya ang mga naghahalo-halong emosyon ko sa aking mga mata.

"Pero bakit ka umiiyak noong nakita mo sila?"

"Sinong sila?" Ang tinutukoy ba nito ay  noong pumunta kami sa mall?

"Nakita ko ang tinitignan mo noong nasa Tom's world tayo Lyren at kung paano dumaan ang disappointment sa mga mata mo noong sumama si Relle kay Jelai"

Namutla ako sa aking mga narinig. "A-an—"

"May gusto ko ba kay Relle, Lyren?"

"Ano ka ba h-hindi noh" saad ko at pilit kong tumawa sa huli pero mukhang hindi ito kumbisido dahil napakaseryoso ang mukha nito.

"Bakit ka umiiyak noon?" Anong sasabihin ko? Wala akong alam na irarason.

Kung sabihin kong napuling ako? O di kaya'y may naalala lang ako pero nakita na nga niya akong nakatigin sa kanila diba?

"Now I know" naputol ang aking mga iniisip nang magsalita ito.

"Anong now I know na sinasabi mo?" Nagtataka kong saad.

"Now I know that you like or loved Jhon Relle Lazaro"

Anong sasabihin ko?!!

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

A/N:

Sabihin mo nalang kasi😂😂😂

Ngapala sorry kung short chapter✌️.

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now