Chapter 10

6 1 0
                                    

Lyrennica's POV

Nabigla ako nang bigla akong tinulak ni Relle sa likod ng pintuan at kinulong niya ako gamit ang dalawang kamay at ang kaniyang katawan upang hindi ako makaalis.

"A-anong ginagawa mo Relle?" Ang lakas ng kabog ng puso ko.

Hindi niya pinansin ang aking tanong, sa halip ay inilapit niya ang kaniyang mukha na sanhi ng pagpikit ko at ang pagkuyom ng dalawang kamay ko. Anong gagawin niya?

Ramdam na ramdam ko ang kaniyang hininga. Anong nangyayari kay Relle??

Napaigtad ako ng maramdaman ko ang paglapat ng labi ni Relle sa aking pisngi. Labi palang niya sa aking pisngi ay mukhang bibigay na ang mga tuhod ko. At muntik na akong matumba ng maramdaman ko ang dila niya na naglalandas sa aking pisngi.

"I need you Lyren" bigla akong kinilabutan sa boses ni Relle. Tila naging paos.

"Relle!" Sigaw ko sa kaniya ng bigla niya akong binuhat na parang isang papel.

Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon. Namalayan ko nalang ang aking sarili na nasa kama na ako ni Relle at nakadagan siya sa akin.

Habang ang isang kamay nito ay nakasapo sa aking isang dibdib at habang ang isa naman ay nakahawak sa aking dalawang kamay. Nagmimistulang bihag niya ako.

"Relle!" Hindi ko mapigilan ang aking sarili ng bigla niyang pisilin ang aking isang dibdib. Ano itong nararamdaman ko? Bakit biglang uminit ang atmospera rito sa silid niya?

Nakapikit ako, ayoko itong ginagawa niya, ngunit bakit iba ang sinisigaw ng katawan ko?

"Look at me Lyren" ayoko! Napaigtad na naman ako ng hawakan niya aking isang pisngi.

"Look at me baby" baby?! Nababaliw na ba si Relle? Nababaliw na rin ba ako? Kasi bakit iba ang naramdaman ko ng tawagin niya akong baby?

Hinaplos niya aking pisngi na sanhi ng paghalinghing ko. "Look at me Lyren" may pagdidiin ang kaniyang salita.

Minulat ko ang aking mata at sinalubong ako ng kamay ni Relle? Anong!?

"Lyren!?" Bigla akong tumayo.

"Huyy, anong nangyayari sa'yo?" Tinignan ko si Relle, at sa aking paligid, na sa sala kami ng bahay nila.

"A-anong nangyayari?"

"Ikaw anong nangyayari sa'yo? Kanina ka pa nakatulala diyan kahit anong tawag ko sa pangalan mo ay nakatingin ka pa'rin sa kawalan" ibig sabihin imahinasyon ko lang ang lahat kanina?

Yung I need you kasi eh... Iba na tuloy ang pumasok sa isip ko. Ang halay.

"Aray!" Nasapo ko ang aking noo ng pinitik ni Relle ang aking noo. "Masakit!" Reklamo ko.

"Nakatulala ka na naman kasi, ano bang iniisip mo? Kanina pa?" Biglang uminit ang aking mukha, na'ko! Iba na kasi yung iniisip ko.

"Ahm, ano wala" tanggi ko.

Nagkibit balikat ito. Teka lang "Anong ginawa sa'yo ni Jelai?"

Umiwas ito ng tingin "Huy" sita ko rito.

Binagsak niya ang kaniyang katawan sa sofa. Nakapikit ito. Umupo ako sa kaniyang tabi. "Relle" tawag ko rito.

Nagmulat ito ng mata at umupo ng maayos "Sabihin mo sa akin kung anong ginawa niya sa'yo" ang lakas ng loob nang Jelai na yun.

Bumuntong hininga ito "Wala siyang ginawa, ako ang may ginawa"

"A-anong ginawa mo kay J-jelai?" Na'ko! Iba na talaga ang mga pumapasok sa utak ko.

"Ahm" namumula ang mukha nito.

Anong ginawa niya! Pinilit niya ba si Jelai? Na'ko hindi ganoon si Relle!

"Huy, iba na yang iniisip mo" narinig niya ba ang nasa utak ko?

"Kitang-kita sa mukha mo"

"Ano ba kasi ang ginawa mo" pag-iiba ko ng usapan.

"Ahm, ano umamin ako" bulong niya.

"Ano!?" Hindi ko maiwasang hindi sumigaw at tumayo. Umamin siya? Bakit?

Nakatingala siya sa akin at may pagkalito sa kaniyang mukha "Kasi matagal ko nang gustong sabihin 'yon sa kaniya" ang tanga niya! Ang tanga tanga tanga niya!

Umupo na ako, kalma lang self "Anong sabi niya?" Mahinahaon kong tanong.

Biglang lumungkot ang kaniyang mukha "Wala daw akong pag-asa, at ayun tinawanan niya ako" aba, aba. Walang hiyang Jelai na yun.

"Pangit ba ako?"

Tumawa ako ng ubod lakas "Nagpapatawa ka ba? Siyempre oo" bigla itong sumimangot.

Pinag krus niya ang kaniyang braso at tumalikod sa akin "Uy, joke lang yun. Siyempre gwapo ka kaya" bigla naman itong humarap sa akin ng may malaking ngiti sa labi. Ngunit kita ko pa'rin na may lungkot ang kaniyang mga mata.

"Oo perfect ka eh. Gwapo ka, mayaman ka, mabait pa at matalino ka rin. Oh diba ang perfect mo" ngumiti ito pero ngayon kitang-kita ko na ang saya sa kaniyang mga mata.

"Talaga?"

"Uhuh" tumango ako. At sinandal ang likod ko.

"So pwede mo ba akong tulungan?" Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Anong tulungan?"

"Tulungan mo ako, upang pansinin ....."

💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞

VOTE🌟

COMMENT💭

SHARE😇

And if you want you can follow me😁

Unluckily Inlove With My Bestfriend: Season 1 {COMPLETED}Where stories live. Discover now