One.
March 20, Wednesday
"If the hurt comes so will the happiness," mahinang basa ko sa librong hawak ko ngayon. Happiness? Sana naman kahit ilang segundo madama ko yan. Punong-puno na ng sakit ang nararamdaman ko. Sa kalagayan kasi namin ngayon, parang ang hirap na maging masaya.
Kusang umikot ang mata ko dahil sa nabasa, inilipat ko nalang ang pahina. "Let it hurt until it can't hurt anymore," di ko na ata kayang masaktan? Sanay na ako pero ayoko na, tama na.
"Ano ba yan? Bakit puro ganito ang laman ng librong ito? Nananadya, ganun?" Di ko na kaya ang mga nababasa ko ngayon. Mas lalo pa akong nababadtrip.
Tumayo na ako para ibalik ang libro. Saktong pagharap ko sa bookshelf napansin kong may nakatingin sa akin kaya inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Wala naman eh, pati sarili ko niloloko na ako tsk.
Binalik ko ang libro sa dati nitong lalagyan bago ako lumabas ng library. Akala ko itatakas ako ng libro sa reyalidad pero mas naging kumplikado pa ang mga nangyayari.
Naglakad-lakad nalang muna ako rito sa parke, di ko na alam kung anong gagawin ko, kung saan ako pupunta. Nang mapadaan ako sa cr, pumasok ako para makita kung ano na ang itsura ko sa sobrang stressed.
Habang nakaharap ako sa salamin, narinig ko ang sinasabi ng babaeng katabi ko. "May bagong lipat daw dito sa subdivision natin?" Tanong ng babaeng nakatalikod sa akin.
"Ah oo, si Ogie, nakita ko nga siya kanina. Ang pogi!" Halos tumalon pa ang babae sa sobrang saya. Buti ka pa ate, halatang masaya ang life mo.
"Nako ha, may boyfriend ka na. Tigil-tigilan mo yan." Natatawang sambit ng kasama nito.
Ganyan talaga dito sa amin, laging usapan kung sino ang bagong lipat sa subdivision. Mayayaman lang kasi ang nakakapasok dito. Di ko sinasabing mayaman kami ha, nagtataka nga ako kung bakit kami nakatira dito. May pera kami pero hindi pa rin talaga mayaman kung ikukumpara mo kay Henry Sy.
Lumabas na ako ng cr dahil naririndi ako sa mga tilian ng mga babaeng yun. Sila kasi yung sikat dito sa subdivision na mahilig sa mga bagong saltang lalaki. Unang araw pa lang asahan mo na yan sa harap ng bahay na may dalang specialty nilang kaldereta.
Tutal wala na rin naman akong pupuntahan, napagdesisyunan ko nalang na umuwi sa bahay. Walking distance lang naman yun mula dito sa parke. Dito kasi ang madalas kong tambayan kapag di ko trip sa bahay, malapit lang kasi sa bahay plus safe ako kasi nasa loob ito ng subdivision.
"Mukhang uulan pa ata," bulong ko sa sarili nang mapansin ang madilim na kalangitan. Tumakbo na ako para tumawid, hindi ko na pinansin kung may sasakyan bang dadaan.
Nang makatapak ako sa gitna ng kalye, natigilan ako sa malakas na busina at nakakasilaw na ilaw sa tagiliran ko. Parang bigla akong nanghina nang makitang papalapit na nang papalapit ang sasakyan. Katapusan ko na ba? Kahit naman may problema ako gusto ko pa rin mabuhay. Please, God, help me.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at umasang may darating na tulong. Alam kong may awa ang Diyos.
Iminulat ko ang aking mga mata nang maramdamang may tubig na tumulo sa may paanan ko."Hey? Are you okay?" Nagulat ako sa mukhang bumungad sa akin, isang di pamilyar na lalaki. So siya ba ang pinadala ng Diyos sa akin? Thank God!
"Are you still alive?" Pinagsasampal-sampal na niya ako para malaman kung buhay pa ako. Hinawakan ko nalang ang kamay niya para tumigil siya, masakit na ayoko na masaktan please.
"Wala naman sampalan," pabirong sambit ko. Inalalayan niya akong tumayo habang hawak ang payong. Ngayon ko lang napansin na umuulan na pala, nasa tabi na rin kami. Kanina kasi nung nasa gitna ako ng kalye akala ko katapusan na ng buhay ko. Siguro nga may misyon pa akong dapat gawin. "By the way, thank you."
"You're welcome and please mag-ingat ka na sa susunod ha? Ayoko makitang mangyari ulit sayo yan." He's an angel. Bakit ang bait niya? Totoo ngang may mga tao pa ring mabubuti.
"Paano ba kita mapasasalamatan?" I asked while holding his hand. "Gusto ko lang sabihin na wala akong pera ngayon," biro ko at mahina naman siyang tumawa.
"Be my friend," tumingin siya sa akin nang nakakatunaw. Mas mauuna pa ata akong matunaw kaysa sa yelo. "By the way, I'm Ogie Alcasid."
"Regine Velasquez, ang babaeng problemado sa buhay." Humagalpak ako sa tawa para magmukhang biro ang huling sinabi.
"Then we'll fix it together." Hinawakan niya ang pisngi at kamay ko sabay sabing, "I'm here and I will always be here, for you. Wag ka ng matakot."
BINABASA MO ANG
Perfect Shot [COMPLETED]
Фанфик"I just want you to know, that when I picture myself happy, it's with you." In which a boy, Ogie, who loves photography unconsciously gets hooked into this not-so-pretty girl, Regine. He always follow her and secretly take pictures of her like a sta...