Chapter Six

489 22 1
                                        

Six.

April 6, Saturday

"Let's take a break muna, okay?" I commanded to the kids. Ang dami kong iniisip ngayong araw tapos dumagdag pa 'tong lessons na ito. Hindi naman sa nagrereklamo kasi ginusto ko rin ito. It's just that ang daming nangyari these past few days. "After 15 minutes balik kayo. Teacher Regine needs to rest lang." Tumayo na silang apat at lumabas na. Diyan lang sa tapat ang punta ng mga yan, sa playground. These kids are just in grade 3 at anong pumasok sa isip ko para payagan sila, am I that stupid? Ugh, bahala na nga!

Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagbabasa ng lesson plan. "Focus, Regine! Focus!" utos ko sa sarili pero kahit anong gawin ko ayaw kumilos ng isip at katawan ko.

Sa loob ng dalawang araw na nawala ako dito sa bahay, sobrang daming nangyari na hindi ko inaasahan. Sinama kasi ako ni Papa sa probinsya, binisita lang namin ang aming lupain tutal wala naman kaming ginagawa ng araw na iyon.

Noong Huwebes, naglalakad-lakad lang kami ni Papa nung biglang may lumapit sa amin na mag-asawa. Pilit nilang binibili ang lupa namin, ayaw pumayag ng tatay ko dahil minana niya pa raw ito sa kanyang lolo. Hanggang sa nagtaas na ng boses ang lalaking nasa harap namin, "Ang dadami niyo pang arte eh base naman sa itsura niyo matatakaw kayo sa pera," ika niya at dahil dun hindi na ako nakapagpigil tuluyan ko na siyang nasampal. Pagkatapos nung ginawa ko, hinila ko na si Papa palayo sa kanila.

Kinabukasan, Biyernes, tinawagan ako ni Mama. "Anak, umuwi ka na rito. Nasa labas ng bahay sila Ogie at Piolo, nagsusuntukan," iyan ang sabi niya sa akin sa telepono. Kaya naman napabalik kaagad ako ng Manila. Nagpaiwan si Papa dahil nangangamba siyang baka daw bumalik ang mag-asawa.

Kaya ngayong Sabado, hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang lahat ng nangyari. Hindi ko akalaing napagtaasan ko ng kamay ang lalaking iyon. Hindi ko sinasadya pero grabe kasi yung sinabi niya. Tapos nabalitaan ko pang nagsuntukan ang magpinsan, nako hindi naman ako maganda para pag-agawan. Bakit pa nila ginawa yun? At sa harap pa ng bahay namin ah?

Tiningnan ko ang orasan, lagpas 30 minutes na. Hindi ko na namalayan ang oras sa dami kong iniisip. Asan na kaya ang mga batang yun?

Sinilip ko ang playground sa bintana. Patay, wala sila dun. Hindi pupwedeng mawala ang mga yun, hindi ko pa kayang gumawa ng bata aaahh!

Binuksan ko ang pinto para hanapin sila pero... bumungad sa akin ang mga batang may hawak na karton na may nakasulat na "will" hawak ni Pia, "you" hawak ni Jana, "be" hawak ni Kate, "my" at hawak ni Aya. "Ha? Ano to? Will you be my?" tanong ko sa kanila pero nginitian lang nila ako.

Maya-maya ay may nagtakip sa mga mata ko."-girlfriend?" Tumaas ang balahibo ko sa boses na bumulong mula sa likuran ko. "Will you be my girlfriend?" muling tanong niya. Hindi ako makagalaw. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Ogie?" panghuhula ko habang kinakapa ang ulo niya. Well, wala rin naman akong ibang alam na gagawa nito sa akin. Dahan-dahan akong humarap sa lalaking ito. "Piolo?" biglang kumunot ang noo ko nang makita ko siya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Answer my question," nakangiti siya habang papalapit sa akin.

Hinawakan ko ang braso niya para di siya makalapit. "What the hell, Piolo? Hindi tayo para sa isa't isa, hindi tayo ang nakatadhana, sana alam mo yun. Matagal na tayong wala." Tumalikod ako sa kanya sabay sabing "Sana maintindihan mo ang sitwasyon natin. Sorry but no." Lumabas ako ng bahay, iniwan ko siya loob.

"Kids, get your things. Sa resto nalang tayo magpapatuloy. Nakakawala ng mood sa loob ng bahay eh."

"Hindi ka po ba kinilig dun, teacher?" tanong ni Jana. Siya nalang ang naiwan dito, yung mga kasamahan niya kasi ay kinukuha na ang mga gamit nila.

"At bakit naman ako kikiligin? Syempre hindi! Tumigil ka nga diyan Jana, kunin mo na gamit mo sige." Umikot ang mata ko sa tanong ng batang ito. Tumatawa siyang pumasok sa bahay.

Lumabas ang mga bata, nakasunod sa kanila si Piolo. Sinenyasan ko sila na wag sumama sa lalaking yun. Nasa likod ko na sila habang unti-unti kaming naglalakad palayo. "Wag kang lalapit! Wag kang lalapit!" sigaw ko kay Piolo, tumatawa siya hindi ko malaman ang dahilan.

"Hahaha para kang baliw!"

"Sinong baliw? Sino?"

"I-ikaw este wala hahaha," kumaway siya bago lumiko. Inirapan ko nalang siya. "Bilisan na natin, mauubos na ang oras," saad ko. Binilisan na namin ang paglalakad kaya nakarating din agad kami sa aming paroroonan.

"Good afternoon madame!" bati ng mga nagtatrabaho dito. Yep, we owned this restaurant. Kaya madalas busy ang Papa ko dahil dumadami na ang branch ng Ve Last Quest. Told yah, hindi kami ganun kahirap para sabihan ng matakaw sa pera.

Umupo kami malayo sa entrance. Tatambay lang naman kami dito. "Anong gusto niyo?" I asked the kids, baka gutom na eh.

"Water please," sambit ni Kate. Sumang-ayon sa kanya ang tatlo.

Tumango ako bilang sagot. Tinawag ko yung waiter na nakatalikod malapit sa amin. "Kuya!"

Nanlaki ang mga mata ko nang humarap ang lalaking tinawag ko.

"Regine, ikaw pala yan." Lumapit siya sa pwesto namin.

"Uy grabe, bat nagtatrabaho ka dito? Ang yaman mo na kaya!" Hinampas ko siya sa braso. Talagang di lang ako makapaniwala. Pero infairness ang gwapo niya pa rin sa suot niya.

"Nagtrabaho ako dito para mas lalo kitang makilala," kumindat siya. Oh my god! Tama na please. "At the same time, para makapag-ipon na rin ako para sa future... natin." Mahina ang pagkakasabi niya sa huling word pero nakakasiguro akong 'natin' yun.

"Gago ka talaga, tigilan mo ko," tinatago ko ang kilig sa pagsasalita ko. Nakakahiya sa mga batang to, baka sabihin lumalandi na naman ang teacher nila. Kanina may Piolo, ngayon Ogie naman. Haba ng hair ng lola niyo, pak! "So bakit ka pa nga nagtatrabaho? Limpak-limpak na kaya pera mo."

"Actually di ko talaga yun pera, sa mga magulang ko yun. Gusto kong magkapera nang sarili, yun bang pinaghirapan at pinagpawisan."

"Tse dami mong alam. Sige na kuha mo na kami ng water tas balik ka, upo ka dito sa tabi ko." Landi mo Regina grr!

"Your wish is my command, mi amor." Hinalikan niya ang kamay ko bago umalis.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Oh fudge, I can feel the butterflies in my stomach.

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon