Epilogue

569 23 1
                                        

Epilogue.

10 years after.

Sinarado ko ang luma kong diary

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sinarado ko ang luma kong diary. Katatapos ko lang itong basahin. Dito ko sinulat ang labindalawang araw na pinakamahalaga para sa akin noong kami pa ni Ogie. March 20-May 22, 2019, simula nung una kaming nagkita hanggang sa araw na hinihiling ko na sana hindi nalang nangyari. I hate that day, kahit pinakilig ako ng araw na iyan mas lamang pa rin ang sakit at pighati.

Umiling ako nang maalala ko na naman ang mga nangyari. Napangiti ako, dahil sa mga yun mas tumibay at tumapang ako. May part din sa akin na nagpapasalamat ako sa mga pagsubok na yun.

Ngayon ko nalang ulit nabasa ang diary na ito. Wala naman na kasi akong dahilan para basahin pa ito. Sasakit lang ang ulo ko sa huling araw.

Lilipat na kami ng bahay kasama ang sariling pamilya ko. Nandito kami ngayon para mag-ayos ng mga gamit.

"Hey, ako na magliligpit ng mga librong yan. Baka maalikabukan ka pa." Lumingon ako sa lalaking napangasawa ko. Sa tagal ng pinagsamahan namin, siya at siya pa rin talaga ang nakatadhana sa akin.

Lumapit siya sa akin at pinatong ang baba niya sa balikat ko. Niyakap niya ako mula sa likod. "Binabasa mo na naman ang nakaraan natin. Tigilan mo na yan, andito na ako sa tabi mo oh. Forever na to."

"Natutuwa lang ako. Akalain mo yun, nalagpasan pala natin ang lahat ng yun," tumatawang sambit ko. Hinawakan ko ang ulo niyang nasa balikat ko.

Umalis si Ogie sa likuran ko nang may nakita siya. May kinuha siyang scrapbook sa loob ng box. "Naalala mo pa ba ito?" Ito yung puno ng mga stolen pictures ko. Pinagpagan niya muna ito bago binuklat.

"Aba oo naman. Hindi ko malilimutan, Ogie the stalker," biro ko at tumawa kami. "Grabeng effort." Pumalakpak ako sa sobrang ganda ng pagkadesign ng scrapbook. Parang di lalaki ang gumawa eh.

Nakakulong ako sa yakap niya habang binubuksan niya ang pinagmamalaki niyang scrapbook. Tinitingnan namin ang mga litrato isa-isa. Natawa ako nang makita ko yung picture ko na kumakain ako ng isaw. Antakaw ko, bat ganon? Nakita ko dito yung picture ko na nadulas ako sa pool nung birthday ni Mama. Nandito rin yung time na sinagot ko siya sa tanong niyang "will you marry me?" Halos lahat pala ay nandito. Stalker ngang tunay!

Masaya kaming nagkukwentuhan ng nakaraan nang may kumulbit sa amin. "Mommy, daddy! I'm hungry," pagmamaktol ni Nate. He's our bunso, 4 years old na pero kung magwala parang sanggol. Mana daw kasi sa tatay. Hanggang ngayon baby ko pa rin si Ogie eh. Ay landi! Tanda-tanda na, ang haharot pa hay nako.

Binalik na namin ang diary at scrapbook sa kahon. May sariling lalagyan ang mga gamit na ito. Kasama rin dito ang mga tuyong petals, stuff toys at love letters na ibinigay niya sa akin noon. Tinreasure ko sila dahil bahagi yun ng isang masayang alaala na hindi na maibabalik, pero atleast kasama ko na pang-habang buhay ang taong nagpapakilig sa akin.

"Binigyan ko ng pagkain yung ate mo ah, asan na yun?" tanong ni Ogie. Nagkibit naman balikat si Nate.

Lumabas kami ng bahay at doon ay nakita namin ang kumakaing si Leila. Amusin ang baby namin. Siya ang panganay, 7 years old. Makulit at madaldal, yan ang masasabi ko sa kanya pero mabait naman.

Lumapit si Ogie kay Leila. "Ang dumi na ng damit mo oh," turo niya doon sa damit ng bata. Pinunasan niya ang pisngi ni Leila gamit ang panyo niya.

Nagtatawanan ang mag-ama kaya nakisama na rin kami ni Nate. Nagkikilitian pala ang dalawa. Nadamay tuloy kami ni Boo!

Puro tawanan lang ang naganap. Halos maingak na nga ako sa sobrang pagkatawa. Ngayon naman ay naghahabulan na kami ni Ogie. Ang dalawang bata ay nakaupo lang sa malinis na damuhan habang pinapanood kami. Kumakain kasi sila kaya tahimik.

Tingnan mo nga naman, kung sino pa ang matanda yun pa ang magugulo at malilikot. Hoy majojonders na kayo Regine at Ogie ha, baka nakakalimutan niyo.

Matapos maghabulan, lahat kami ay nahiga at namahinga sa damuhan. Nakatingin kami sa kulay asul na kalangitan.

"You weren't just a star to me. You were my whole damn sky," bulong ng asawa ko sa akin.

Napangiti ako sa sinabi ni Ogie kaya bumanat din ako. "And this is our happily ever after."
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Once in awhile, right in the middle of an ordinary life, love gives us a fairy tale.

The End.
⠀⠀
⠀⠀
[ A/N: This is the epilogue/end of the story. Maraming salamat at nakaabot kayo dito. Salamat sa reads, votes and comments, sobrang naappreciate ko yun. Sorry kung hindi ko naabot ang mga expectations niyo but beetches this is me, ang bobo at tamad na writer ok. Hehe, thank you for being with me on this crazy journey of Perfect Shot! Sana basahin niyo yung special chapters hehe. ]

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon