Five.
April 3, Wednesday
Ngayon ay matutuloy na ang plano kong magpahinga sa loob lang ng bahay. Sana ay wala nang sumagabal sa araw na ito. Mabilis na nakalabas ng hospital ang kaibigan kong si Jaya dahil hindi naman daw ganun kalala ang natamo niya.
As usual, nagbabasa lang ako ngayon ng books na ituturo ko para sa mga bata. Wednesday pa lang ngayon, medyo matagal pa ang Saturday pero naghahanda na ako ng lesson. Mas okay na prepared ako.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang bigla akong nawalan ng gana sa ginagawa ko. "Gutom na ako," hinimas ko ang tiyan kong kumakalam na. Katatapos ko lang kumain pero bat ganito? Wala naman siguro akong bulate sa tiyan.
Tinigil ko muna saglit ang pinagkakaabalahan ko. Bumaba ako para maghanap ng makakain. "Ma? Nagugutom ako," saad ko nang makita ang nanay ko na may inaayos sa kusina.
"Hanap ka sa ref. Nag-grocery ako kanina, di ka sumama sa akin."
Chineck ko ang laman ng ref kung totoo ang sinabi ni Mama. Minsan kasi binibiro ako niyan, sinasabi marami raw pagkain pero pagtingin ko puro tubig pala ang laman. "Akala ko chinacharot mo na naman ako eh," tumawa ako at kumuha ng tatlong biskwit sa ref.
"Nakita ko nga pala kanina yung manliligaw mo." Napatingin ako kay Mama dahil sa sinabi niya. "Ano pangalan nun? O-ogie ata? Oo tama, si Ogie nga," dagdag niya pa.
"Saan po? Nakita po kayo? Ano sabi niya?" sunod-sunod na tanong ko habang kumakain ng cookies na inihanda ni Mama.
"Ano ba yan daming tanong, easy ka lang Regine." Natapos na siya sa pag-aayos ng cabinet dito sa kusina kaya umupo na siya sa harap ko. "Nakasakay ako sa sasakyan nung makita ko siya. Nasa harap siya ng bahay niya, mukhang maraming kinakargang box sa kotse niya. Saan niya kaya dadalhin yun?"
"Baka paalis? Hmm di siya nagsabi sa akin ha," nagseselos na sambit ko.
"Hayaan mo na. Wala namang kayo diba?" biro niya at nakakalokong tumatawa. Makapang-asar talaga tong babaeng to nako! Kung di lang talaga kita nanay baka naano na kita diyan. Just kidding! I love her kahit ganyan yan.
"Walang ganyanan Ma! Mahal kita pero nakakakaloko ka na eh." Nanlisik ang mata ko sa kanya pero agad ko rin binawi. Ganyan lang kami magbiruan ng nanay ko.
Puro tawanan talaga ang nagaganap kapag magkausap kami. Ganito ang bonding namin, tamang chismis lang ng mga ganap sa buhay. Minsan kung saan-saan na napupunta. Chikahan with my Mom is the best! Walang makakapantay.
I'm so thankful to God for giving me such a great mother. Hindi man siya perpekto sa paningin ng ibang tao, but for me she's an angel. Napakabuti niyang tao, wala na akong masasabi pa.
"Magluluto muna ako ng hapunan natin," sabi niya at tumayo na. Nagpatuloy ako sa pagkain ng cookies na nasa harap ko. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung anong notification ito.
1 Message Received
Maghanda ka ng pagkain, pupunta ako diyan.
From: Jaya
Yung totoo? Tag-gutom ba ang mga tao ngayon? Hindi na ako sumagot sa text niya. Magreply man ako o hindi, pupunta at pupunta pa rin yan dito.
Nagtira ako ng ilang pirasong cookies para sa bwisita ko. Nakakahiya naman pag walang naihandang pagkain. Halos dito na tumira ang babaeng yan, wala kasi siyang kasama sa bahay niya. Araw-araw yan nandito dahil parehas kaming walang trabaho. Kasama ko rin siya sa pagtuturo sa mga bata.
BINABASA MO ANG
Perfect Shot [COMPLETED]
Fanfic"I just want you to know, that when I picture myself happy, it's with you." In which a boy, Ogie, who loves photography unconsciously gets hooked into this not-so-pretty girl, Regine. He always follow her and secretly take pictures of her like a sta...