Chapter Twelve

522 12 4
                                    

[ A/N: The last chapter of Perfect Shot. Hope you'll wait for the epilogue and special chapters. ]

Twelve.

May 22, Wednesday

Halos isang oras din kaming nagsayawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Halos isang oras din kaming nagsayawan. Nagkanya-kanya kaming palit ng damit matapos magkasiyahan sa pagsayaw.

Pasado alas nuebe na nang magbonfire kami. Medyo lumalamig na ang simoy ng hangin kaya napagdesisyunan naming magpainit muna bago matulog. Ngayon naman ay nagkayayaang magkantahan sa harap ng nagbabagang apoy. Nakakatuwang makita na nakakasabay ang matatanda sa aming mga kabataan.

Nakapalibot kami sa apoy. At syempre magkatabi kami ngayon ng fiancé ko. Hays, hanggang ngayon lutang pa rin ang isip ko. Para lang akong nananaginip. Hindi ko maisip na nakarating na kami sa araw na ito. Nalagpasan namin ang mga pagsubok at ngayon ay okay na ang lahat. Magkaayos na kami nila Tito Herminio at Tita Herminia, ganun din kay Piolo at Cristina. Wala na kaming dapat pa ipangamba. Kung meron man kaming dapat pang intindihin, yun ay ang nalalapit naming kasal.

"Are you okay, baba?" Natauhan ako nang akbayan ako ni Ogie. Kanina pa pala ako wala sa sarili, lutang kumbaga.

"Yeah, masaya lang ako. Huwag kang mag-alala sa akin." I smiled, sweetly. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Pinatong ni Ogie ang jacket niya sa likod ko at muling ibinalik ang akbay niya. Napansin niya sigurong nilalamig na ako.

Maya-maya ay nilabas ni Ogie ang gitara sa tabi niya. "This song is dedicated to my baba." Hinawakan niya ang buhok ko bago mag-strum sa gitara.

"Hindi inaasahan na ikaw pala, Ang iibigin ko sa habang buhay, Bawat saglit na ika'y kasama, Dulot mo ay walang sawang ligaya~"

Nakatingin lang kami sa isa't isa na parang kami lang ang tao dito. Walang minuto na inalis ko ang paningin ko sa mga mata niya. Talagang sa kanya lang, wala nang iba. Inlab na inlab ang ate niyo. Anong ginawa mo sa akin Ogie Alcasid?

"Tayong dalawa ang laging magkasama, Tayong dalawa sa hirap at ginhawa, Yan ang pangako ng puso ko sa puso mo, Tayong dalawa"

Hanggang sa matapos ang kanta ay nasa kanya pa rin nakatuon ang atensyon ko. Feeling ko tuloy maghuhugis puso na ang mga mata ko. Bwiset, anong nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati.

"Ginawa ko yung kantang yun para sayo baba. Kiligin ka please," ani Ogie. Katatapos niya lang kumanta.

"Nako kahit hindi mo yan sabihin kililigin pa rin ako. Makita pa nga lang kita tumatalon na puso ko," binanggit ko ito na para akong nasa isang fliptop battle. Cheesy asf! "Boom panes! Ano laban?"

"Oh tama na kalandian niyo diyan, kami naman ng mahal ko," sabat ni Piolo. Kinuha niya yung kaninang hawak na gitara ni Ogie.

Nagduet silang dalawa. Nakaakbay na ulit sa akin si Ogie habang nakikinig kami ng kantahan nila. Ang saya ng araw na ito. Sana'y wala itong kapalit na kapighatian.

[ Insert: Kanlungan by Noel Cabangon ]

Sa gitna ng masayang kantahan ng magkasintahan, biglang may malakas na putok ang sumagabal sa kasiyahan. Gun. I hate guns. Natigilan ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa.

Iba't ibang reaksyon ang nasaksihan ko mula sa mga kasama ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Takot, galit at kaba. Na-trauma na ako. Namatay ang kapatid ko noon nang dahil sa baril. Ayaw ko na ulit itong maranasan pa. Ayaw ko nang mawalan ng isa pang mahal sa buhay.

Hindi na kami nagdalawang isip pa na tumakbo kung saan sa tingin namin ay ligtas. Sumunod nalang ako sa kanila dahil parang nahihirapan tanggapin ng utak ko ang mga nangyayari. Sinigurado ng mga lalaki na safe ang lahat ngunit may isa palang nawawala. "Anak, nasaan ang Mama mo?" mangiyak-ngiyak na lumapit sa akin si Papa. Halos mapatalon kami nang biglang may pumutok ulit na baril. Nag-iyakan na ang mga kasama ko.

Nagsigawan kami noong tumakbo si Ogie sa dalampasigan, kung nasaan kami kanina. Natatakot ako sa maaaring mangyari. Hindi ko kakayanin. Mama, mag-ingat ka please.

Humagulgol ako sa pag-iyak. Ang mga kasama ko ay natataranta na, hindi na nila alam kung ano ang gagawin. Maski ako, isang malaking question mark kung bakit nararanasan namin ang ganito. Sino ang posibleng gagawa nito? Wala na akong ibang alam. Ang akala namin ayos na ang lahat.

At sa muling pagkakataon ay pumutok na naman ang baril. This time, may narinig na kaming iyak na nanggagaling sa dalampasigan.

Nagsilabasan kami mula pinagtaguan namin nang makarinig ng isang sigaw, "Tulungan niyo ako!"

Naabutan namin doon ang umiiyak na si Mama. Nakaluhod siya habang hawak ang katawan ni Ogie. Duguan. Para siyang naligo sa sariling dugo.

Patuloy ang pag-agos ng luha ko nang lumapit ako sa duguang katawan ni Ogie. I hate you seeing with this blood. Hinawakan ko ang kamay niya. "Mabubuhay ka. Hindi mo ako iiwan. Baba, mahal na mahal kita, alam mo yan." Pinipilit kong magpakatatag. Kakayanin ko ito.

Ilang minuto lang ay may dumating na na ambulansya. Agad nilang sinakay si Ogie. Sumabay na rin ako sa kanila para masamahan ko ang mahal ko. Sila Mama at Papa, Tito at Tita, at ang iba pa naming kasama ay sa van nalang sumakay patungong hospital.

Nang makarating kami sa hospital, hindi na nila ako pinapasok pa sa emergency room. Naghintay lang ako sa labas, hinintay ko ang pagbabalik ng isang masigla at masayang Ogie Alcasid. Mabubuhay siya, alam ko. In Jesus name.

Sumunod na nagdatingan ang mga kapamilya at kaibigan ko. Yung iba tinabihan ako, yung iba naman pumunta muna sa chapel para magdasal. Sobrang laking pasasalamat ko dahil may mga ganito akong taong nakilala.

Matapos ang isang oras na paghihintay sa labas ng emergency room, lumabas na ang doctor.

Napaluhod ako sa sobrang sakit ng sinabi niya. Ayaw pumasok ng impormasyon sa utak ko.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
"I'm sorry, he's gone."

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon