Ten.
April 20, Saturday
"Gusto mo bang dumaan muna sa bahay?" tanong ni Ogie habang nagmamaneho ng sasakyan. Pauwi na kami galing sa Grubstake. Nagdinner date kami. Inaya niya ako kasi wala daw akong kasama sa bahay. Lumayas ang mahaharot kong mga magulang.
"Uhm sige, kung okay lang sayo," may pag-aalinlangang sagot ko. "Diba hindi mo kaclose ang mga magulang mo?" I curiously asked. Malayo kasi ang loob nitong si Ogie sa parents niya. Alam mo na, matataas ang expectations, hays.
"Yup pero bahala na." Huminga siya nang malalim. Niliko niya ang sasakyan sa street ng bahay nila.
Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto. Kinakabahan akong naglakad papasok ng gate. Ewan ko pero parang may kakaiba akong nararamdaman.
Nakahawak siya sa likod ko nang makapasok kami sa bahay nila. Wow, ang yaman pala talaga nila. Ang laki at ang gara ng mansion ng mga Alcasid. First time kong makatapak sa mismong pamamahay nila. Sa bahay lang kasi ni Ogie sa subdivision niya ako dinadala. Hindi pa daw kasi siya ready humarap sa mga magulang niya pero ngayon andito na kami, we're ready.
I'm wondering, ano kayang itsura ng mga magulang ni Ogie? Hindi ko pa kasi sila nakikita kahit sa picture lang. Pero sigurado ako, maganda ang nanay niya at gwapo ang tatay. Gwapo ang anak eh.
"Where are my parents?" Ogie asked their maid as we entered their mansion. Hindi na rin siya nakasagot, napatingin nalang kami sa hagdan dahil andun na sila bumababa.
Laking gulat ko nang malaman kung sino ang mga magulang ni Ogie. Sila nga! Sila yung mag-asawang pilit binibili yung lupain namin. Wtf, totoo ba to?
"Excuse me, Ogie, who is that girl?" tanong ng nanay niya na nakatingin sa akin. Ngumiti nalang ako kahit nanggigigil pa rin ako sa nangyari. "Parang pamilyar ka hija." Umiikot siya sa akin habang tinitingnan ang kabuoan ko.
"Mom, Dad," tinawag ni Ogie ang atensyon ng kanyang mga magulang. Nakinig naman sila sa kanilang anak. "Meet the love of my life, Regine Velasquez."
Inilahad ko ang kamay ko para sana makipagkamay pero hindi nila ito tinanggap. Ang sakit. Am I rejected for the second time? Ugh, no please.
"Hey! Respect my girl," galit na ang tono ng boses ni Ogie. Naluluha na ako. I'm a brave woman, I can do this. We can.
"Wait, I know you," pinanduruhan ako ng tatay niya, si Tito Herminio. Oo alam ko na, kasalanan ko. Bakit ko pa kasi nagawa yun? "Ikaw yung sumampal sa akin."
"Pasensya na po, hindi ko lang po talaga napigilan ang sarili ko," nakayuko akong nagpaumanhin. Unti-unti nang tumutulo ang luha ko. Hinimas ni Ogie ang likod ko.
"Hindi kita mapapatawad. Sa akin pa talaga ha? Hindi mo kilala ang sinampal mo. Anong pumasok sa isip mo para gawin yun? Give me a valid reason, 5-10 sentences." Aba grabeng haba naman nun. Hindi na. Bahala kayo. I-zero niyo na ako basta sa puso ni Ogie perfect ako.
"I'm sorry, I'm sorry.." lumuhod ako sa harap ng mag-asawa. "H-hindi ko r-rin po mapapatawad a-ang sarili k-ko," humihikbi kong sambit. Bumuhos na nga ang luha ko. Pinabayaan ko nalang ito sa pag-agos. Wala na akong pakialam sa mundo.
I wish I could turn back time. Sana di ko nalang yun ginawa. I hate myself.
"Tapos naalala ko may sinabi pa sa akin si Piolo, kaya lang pala naging kayo ni Ogie kasi pineperahan ka lang ng babaeng yan." Sinamaan ako ng tingin ng nanay niya, si Tita Herminia. No, that's a lie. Don't tell me naniwala kayo sa kasinungalin ni Piolo? Oh God.
"Mom, stop. Si Piolo pa talaga ang paniniwalaan at kakampihan niyo? Wake up people, it's 2019! Marami ng sinungaling at plastik. Sana makita niyo ang totoo. Huwag kayong lagi dun sa mali." sigaw ni Ogie na naluluha na rin. Inalalayan niya akong tumayo. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang daliri niya. "Please don't cry, my love. We can do this," he whispered and gave me a smile.
"Lumayas kayo sa pamamahay ko. Ikaw, Ogie, huwag ka ng babalik dito. Mula ngayon, pinuputol ko na ang koneksyon natin. Diyan ka na sa babae mong matakaw sa pera! At ikaw, Regine, hinding-hindi kita mapapatawad dahil sa ginawa mo sa amin. Ngayon naman pati ang anak ko ang bibiktimahin mo. Sige ayan pinapayagan ko na kayong magsama. Bahala na kayo sa buhay niyo. Ayaw ko nang makita ang mga pagmumukha niyo. Layas!" nanggagalaiting ani Tito Herminio.
I can't accept the fact na yung magulang mismo ni Ogie ang mantataboy at gagawa nito sa amin.
"Kung ganyan din naman ang gusto niyo, sige mabuhay kayo sa kasinungalingan tutal diyan kayo magaling. Pero sana one day matutunan niyo rin yakapin ang katotohanan," nakangiting sambit ni Ogie. Sobrang hirap nga pala ng pinagdaanan niya. I really salute this guy. "God bless my dear parents," pahabol niya pa bago ako hinila palabas ng bahay.
Nang makapasok kami sa sasakyan ay doon ko nalang ibinuhos ang pag-iyak ko. I can't help it, sobra akong nasaktan. "I'm sorry. Sana di nalang tayo dumaan dito. Hindi ka sana umiiyak ngayon." Pinunasan niyang muli ang luha ko gamit ang jacket niya.
"No, it's okay. Kasalanan ko rin naman eh. Dapat hindi ko na sinampal yung daddy mo." Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ko sana ginawa yun baka hindi ito nangyari.
"Ganun lang talaga parents ko. May masasabi at masasabi pa rin sila kahit puro kabutihan ang pinapakita mo. Nasanay na rin siguro ako."
"I salute you. You're so brave Ogie. Hindi ko akalain na yung taong nagpapasaya sa akin, yun pa pala ang may mabigat na past." Ngumiti ako kahit may luha pa ring nagbabadyang tumulo.
"Yes. At ikaw ang nagpagaan at nagbigay ilaw sa buhay ko. Mahal na mahal kita Regine Velasquez." And then he kissed me so madly, so passionately.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
After all of these challenges, I still want you.
BINABASA MO ANG
Perfect Shot [COMPLETED]
Fanfiction"I just want you to know, that when I picture myself happy, it's with you." In which a boy, Ogie, who loves photography unconsciously gets hooked into this not-so-pretty girl, Regine. He always follow her and secretly take pictures of her like a sta...