Chapter Three

605 17 0
                                        

Three.

March 29, Friday

It's Friday, and balak ko sanang tumambay nalang muna sa bahay para magbasa ng mga libro. Wala pa naman akong trabaho kaya napag-isipan kong magturo sa mga bata. Libangan na rin at the same time ay may napagkakakitaan ako. Matagal na rin nung nagsimula akong magturo. Tuwing sabado at linggo ay pumupunta sila dito sa bahay para matuto. Ang saya lang sa feeling na makatulong sa mga bata na madagdagan ang kanilang mga kaalaman.

Nakataas ang dalawa kong paa sa lamesa habang nakikinig ng mga nakakarelax na music. Alas singko pa lang ng umaga kaya medyo malamig pa ang simoy ng hangin. Makikita ko na naman bukas ang makukulit na mga bata. Tiyak ubos ang candy at mga biskwit ko.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya natigilan ako sa pagbabasa. "Jaya? Ang agap naman tumawag." Nakakapagtaka lang kasi ang alam ko tulog pa yan ng ganitong oras. Sinagot ko agad ang tawag niya dahil sa pag-aalala. "Hello?"

"Regine, p-puntahan mo a-ako dito," nauutal na sabi niya. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at saka dali-daling lumabas ng bahay. Sinarado ko ito dahil siguradong tulog pa ang mga tao dito sa bahay.

"Teka ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko habang tumatakbo. Thank God, magkalapit lang bahay namin.

"Hindi a-ako m-makahinga."

Matapos ang ilang minutong pagtakbo ay nakarating naman agad ako sa bahay niya. Mag-isa lang siya dito kaya pag nagkaroon talaga ng emergency ay napakadelikado. Mabuti nalang nandito ang Regine niyang kaibigan na handang tumulong kahit saan, kahit kailan. Naks.

Kinuha ko ang susi ng bahay niya sa aking bulsa. Binigyan niya ako ng duplicate para kung sakaling may emergency daw ay mapapadali na ang pagbukas. Nangyari na rin kasi sa amin to dati kaya napagpasyahan na niyang bigyan ako ng susi.

"Jaya!" Nag-aalalang sigaw ko. Umakyat ako patungo sa kwarto niya at tama nga andun siya. "Dadalhin na kita sa hospital."

Inalalayan ko siya palabas ng bahay. Hindi na rin naging mahirap sa amin ang mga pangyayari dahil pang-ilang beses na itong naulit. Pero ayun nga hindi pa rin mawawala ang pag-aalala.

Pagkalabas namin ng bahay ay nakahanda na rin ang sasakyan. Siguro tinawagan na rin ni Jaya si Kuya Alex, siya ang private driver ng kaibigan ko. Tinulungan ako ni Kuya Alex na maipasok sa sasakyan si Jaya.

Mabilis kaming nakarating ng hospital. "Dito na tayo," bulong ko sa babaeng katabi ko. Nilabas namin si Jaya ng sasakyan at agad diniretso sa emergency room.

Pinaiwan muna kami ng mga nurse sa labas ng e.r. Sila na daw muna ang bahala sa kaibigan ko.

"Ma'am Regine, una na po ako. May ihahatid pa po ako sa eskwelahan." Pagpapaalam ni Kuya Alex. Tumango nalang ako bilang sagot.

"Salamat Kuya ah."

Umupo ako sa bench malapit sa e.r. Kinakabahan pa rin ako sa tuwing isusugod namin si Jaya sa hospital. Baka kasi may iba na palang nangyayari sa kanya. Ayoko naman mawalan ng kaibigan. Nag-iisa na nga lang siyang tunay mawawala pa. Kahit palagi niya akong binabara mahal ko pa rin yan syempre.

"Ma'am?" Nagising ako nang biglang may kumulbit sa akin, nurse pala. Hindi ko namalayang nakatulog na ako.

"Bakit po?" Tanong ko at inayos ang sarili. Para akong batang sinabunutan ng limang bakla sa sobrang gulo ng buhok.

"Kailangan po natin iconfine ang pasyente."

"Sige po," tipid na sagot ko. "Kamusta na po siya?"

"Medyo gumaan na po ang pakiramdam niya," napangiti nalang ako sa sinabi niya. "Nasa room 216 na po ang pasyente," dagdag niya pa. Andun na pala si Jaya. Tulog pa more, wala tuloy ako alam sa mundo.

Ngumiti ang nurse bago tumalikod. Ako naman ay pumunta na sa kwarto ni Jaya.

Binuksan ko ang pinto. "Surprise!" Sigaw ko, bumungad naman sa akin ang nakangiting si Jaya. Parang walang nangyari ah.

"Bakasyon grande ka na naman dito sis," tumawa ako at umupo sa sofa bed sa tagiliran niya.

"Tse! Kung alam mo lang pinagdadaanan ko," reklamo niya.

"Ayaw mo nun libre almusal, tanghalian at hapunan na," biro ko. Nagulat ako sa lumipad na unan na tumama sa akin, aba nagawa pang bumato.

"Bili mo nga ako cup noodles," utos niya kaya tumayo na ako. Wala eh, kailangan sundin. Baka magalit pa.

"Yes sir," sumaludo pa ako sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Naglalakad ako nang mabilis nung biglang may lumabas na lalaki sa dinaan kong pinto dahilan para magkasalubong at magkabanggaan kami. Muntik na akong matumba pero nahawakan niya ako sa likod kaya hindi na natuloy.

Tumigil ang mundo ko nang malaman kung sino ang lalaking nasa harap ko ngayon.

"Regine?" Gulat na tanong niya. Pang-doctor ang suot niya, napakapormal niya ngayon kumpara nung huli kaming nagkita. Binitawan niya ako nang nakatayo na ako ng maayos.

"Yes. I'm glad to see you here." Ngumiti akong abot hanggang tainga.

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon