Chapter Four

497 23 1
                                    

Four.

March 29, Friday

"Regine? Ikaw na ba yan?" gulat na tanong ni Piolo. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napangiti nalang ako sa laki ng pinagbago niya. Ibang-iba siya nung huling pagkikita namin.

"Ay hindi, ibang tao ito," biro ko at hinampas siya nang mahina sa braso. "Ano ka ba? Nakalimutan mo na agad ang mukhang ito?" pagtataray ko habang nilalapit ang mukha sa kanya.

"3 years na rin kasi ang nakalipas," aniya. Umiwas siya ng tingin. "Siguro ngayon may laman na yan," tinuro niya ang dibdib ko.

"Bastos ka pa rin 'no?" Inalis ko ang daliri niyang nakaturo sa akin.

"Iba yung iniisip mo," natatawang sambit niya. "I mean, yung puso mo. Meron na bang laman?" At muli, umiwas siya ng tingin sa mga mata ko.

"Di ko pa sure kung siya na nga," sagot ko sa tanong niya.

"Pwede ko ba malaman kung sino?"

"Sige ba," bumuntong hininga ako bago magsalita. "Si o-" pinutol niya ang sasabihin ko.

"Wag na pala di ko na kailangan malaman," ngumiti siya pero halatang pilit lang.

"Ano bang nangyayari sayo, Piolo?" kunot-noong tanong ko. Hindi naman siya ganito dati eh.

Umakbay siya sa akin at nagsimulang maglakad. Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang kung saan siya dadalhin ng mga paa niya. "Ako? Okay lang ako. Okay na okay." Nagthumbs-up pa siya pero sa mga mata niya alam kong di siya okay.

"Wag mo ako lokohin, kilalang-kilala kita!" Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya. Tiningnan ko siya nang diretso sa mata ngunit pilit niya pa rin itong iniiwas. "Tell me, what is the problem?" seryosong tanong ko sa kanya habang hawak ang dalawang kamay niya.

"Wala nga. Masaya na ako Reg, don't worry."

"Eto naman parang walang namagitan sa atin, 3 years ago. Tanda ko mata mo pre." Umiling ako. Di ako makapaniwalang nakamove-on na ako matapos ang lahat ng pangyayaring yun.

"Ikaw nga nagbago, ako pa kaya? I'm fine, promise!" naglakad na siya kaya sumunod na ako.

"Sige bahala ka," walang ganang saad ko habang naglalakad.

Maya-maya lang ay nakalabas na kami ng hospital. "Ano bang gusto mo? Libre na kita tutal naistorbo pa kita," ani Piolo. Nasa harap kami ngayon ng sunod-sunod na restaurant. Ang hirap mamili ng kainan pag ganito ang nasa harapan mo.

Napatingin ako sa tagiliran ko at nakakita ako ng isang convenience store. "Ayun! Doon nalang tayo," hinila ko siya patungo sa tindahan.

Pagpasok namin ay agad kong inilibot ang paningin ko para maghanap ng cup noodles. Nang makita namin kung nasaan ay dumiretso kami rito para pumili ng flavor. Kumuha ako ng dalawa para sa akin at kay Jaya. "Para kay Jaya yung isa," sambit ko, binigay ko ang mga ito kay Piolo para bayaran sa cashier.

"Upo ka na muna," utos niya na sinunod ko.

Mabilis na pumunta ako sa pinakamalapit na table. Umupo ako sa upuan at hinintay siyang makabalik. Tiningnan ko ang cellphone ko para makita ang oras. Nako, malapit na magtanghalian. Paniguradong patay ako nito kay Jaya. Sabihin nun napadaldal na ako. Hindi pa naman yun nakakain.

Nakatitig lang ako sa cellphone ko nang biglang may nagtext.

1 Message Received

Asan ka? Pinuntahan kita sa bahay mo pero wala ka daw dun.

From: Ogie

"Wala man lang good morning?" takang bulong ko sa sarili. Palagi kasi siyang may good morning sa akin pag umaga, wala ngayon nakakapagtaka lang. Hindi na ako nagdalawang isip na sumagot. Baka kasi nag-aalala na siya. First time niya kasing pumunta sa bahay nang wala ako.

To: Ogie

Good morning Ogs! Andito kami sa hospital, isinugod namin si Jaya kaninang madaling araw. Punta ka ha, room 216.

Sinend ko na ang text para kay Ogie. Napatigil ako sa pagcecellphone nang makabalik na si Piolo sa harap ko.

"Thanks," pasasalamat ko nung ibigay niya sa akin ang pagkain. Kasamang ibinigay na rin niya ang paper bag na may lamang cup noodles na para kay Jaya.

"Paborito natin to dati diba?" Ayan na naman siya, binabalik ang nakaraan. Mabuti nakamove-on na ako.

"Yup, namiss ko kumain nito," sambit ko at tinuloy nalang ang pagkain. Hindi ko na rin to masyadong paborito. Pinagbawalan ako ng parents ko na wag kumain ng mga ganitong pagkain.

Tahimik lang kami habang kumakain. Hindi ko na rin nakayanan ang katahimikan kaya binasag ko na ito, "So kamusta ka pala after nung break up natin?" I asked him. Medyo awkward nga nung pagkatanong ko. Sana pala di nalang ako umimik.

"Medyo nahirapan nung una pero nakayanan naman. Kaya eto na ako ngayon."

"Good," yan nalang ang nasabi ko. "Isa yun sa pinakamahirap na desisyon sa buhay ko, but i guess it's all worth it."

Nagbreak kasi kami because of work, kinailangan namin ng space para makapagfocus sa trabaho. It all happened 3 years ago. Wala na rin akong plano makipagbalikan sa kanya kung sakali. Kasama niya kasi ang ex niya noon. Kaya pinilit ko nalang ang sarili ko na magmove-on. Nahirapan ako pero araw-araw kong sinubukan, hindi ako tumigil. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na "wag ka ng umasa dun, pagbalik nun siguradong may iba na yung kayakap." And one day, nagising nalang ako na parang walang nangyari. Tuluyan ko na ngang iniwan ang nararamdaman ko sa kanya.

Hindi na rin kami nakapag-usap pa dahil parang nagmamadali siya. Natapos naman agad kaming kumain. Hinatid niya ako sa kwarto ng kaibigan ko. Tumanggi ako pero nagpumilit siya.

"Di na ako papasok sa loob," sambit niya nang makarating kami sa tapat ng kwarto.

"Salamat ulit," tipid kong saad. Ewan ko ba, bat parang naging awkward ang atmosphere.

Papasok na sana ako sa loob pero pinigilan niya ako. "May sasabihin ka pa?" tanong ko.

"Ah Reg, gusto ko lang malaman kung may chance pa ako?" ani Piolo. Napakamot pa siya sa ulo sa kahihiyan.

Talagang di ko kaya sagutin ang katanungan niya kaya nagpakita nalang ako ng ngiti sa labi.

"Una na ako," nagpaalam na siya. Pinanood ko muna siyang makalayo bago ako pumasok ng kwarto.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, lumabas si Ogie dito. "May kausap ka ata?" tanong niyang nagdududa.

"Meron nga, ayun kakaalis lang," turo ko kay Piolo na naglalakad.

"Parang familiar," kunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang naglalakad na lalaki.

"Ha?" Nagtataka ako, bakit naman kaya naging familiar sa kanya?

"Wala, pasok na." Nauna akong pumasok at saka siya sumunod. Sinarado niya ang pinto. Napailing ako sa inasal niya. Mukhang nagseselos ata ang lalaking ito.

Pagkaupo ko pa lang ay pinasalubungan na agad niya ako ng tanong. "Sino yun?"

"Eh kung pagselosin ko kaya?" bulong ko sa sarili ko. Tumango ako sa naisip na kalokohan. "Siya nga pala yung ex ko, first love ko rin."

"Nabitin ata kayo sa date niyo ah? Bat di niyo ginawang whole day?" prankang tanong niya.

Ang hirap pigilan ng tawa pero keri lang. Nagseselos na talaga siya! Ang sarap niya lalong titigan pag ganitong nagseselos.

"Habulin ko lang yung ex mo, papabalikin ko." Padabog niyang isinarado ang pinto. Seryoso ba siya? Ayoko na muna makaharap si Piolo, awkward na masyado eh.

"Yan kasi pinagselos mo pa. Nagwalk out tuloy ang mahal mo." Humagalpak sa tawa si Jaya. Nanonood lang pala siya sa amin kanina.

Natawa nalang din ako sa ginawa ko. Bat ko ba yun naisip? Gusto ko lang naman malaman kung gusto niya ako.

Ibinigay ko kay Jaya ang cup noodles niya para matahimik na siya sa katatawa. "Grabe, yung almusal ko naging tanghalian na. Nag-enjoy ka nga talaga sa date ng ex mo."

"Hindi 'no! May iba na ako, alam mo na kung sino yun. Kumain ka na nga, daldal mo." Tumawa ako nang malakas habang inaalala ang ekspresyon sa mukha ni Ogie.

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon