Chapter Two

753 19 2
                                    

Two.

March 26, Tuesday

"Aaaah!" Hindi ko na namalayang tumatalon na pala ako sa kama ng kaibigan ko, si Jaya. Nandito ako ngayon sa bahay niya, nag-aya kasi siya ng sleepover.

"Hoy Regine! Anyare sayo?" Kunot noong tanong niya habang inaayos ang kamang sinisira ko dahil sa katatalon.

"Si Ogie kasi," tumigil na ako sa pagtalon at naupo nalang. Syempre may hiya pa naman ako. "Labas daw kami ngayon," pigil ngiting saad ko.

Tumayo na ako para kunin ang bag ko. "Saan punta mo aber?" Pagtataray niya, nasa tapat siya ng pinto na para bang ayaw akong palabasin.

"Edi saan pa edi kay my loves," sarkastiko akong ngumiti at dumaan sa likod niya para makalabas. "Uy sorry ha. Bukas nalang, pwede?" Hinalikan ko siya sa pisngi bago tuluyang makalabas ng kwarto. "I love you!" Sigaw ko na tumawa nang malakas.

"Tse! Kay Ogie mo yan sabihin, wag sa akin." Umiiling na sambit niya. Wala na rin siyang nagawa, excited pa naman yan sa sleepover namin.

Pasado alas sais na. Nagmadali na akong naglakad papunta sa coffee shop na sinabi niya. Malapit lang din ito sa parke kung saan kami unang nagkita.

Nang makapasok ako sa sinabing coffee shop, agad na bumungad sa akin ang mabangong amoy ng kape. "Good evening po," bati ng lalaking pormal ang damit. "Ma'am regine po?" Tumango nalang ako bilang sagot.

"Ah this way po," pagtuturo niya sa akin kung nasaan ang katagpo ko ngayong gabi.

"Thank you," pagpapasalamat ko bago tuluyang umalis.

Papalapit pa lang ako pero ang lakas na ng tibok ng puso ko. Hindi ko na alam ang nangyayari basta ang alam ko naglalakad lang ako habang nakatingin nang diretso sa mga mata niya. Nakangiti siya habang sinasalubong ako.

"Sorry kung naistorbo ko kayo sa sleepover ng kaibigan mo."

"Nah, it's okay." Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. In fairness, nakakamangha ang kagandahan ng shop na ito. Sa tagal naming nakatira sa subdivision na ito, ngayon pa lang ako nakapasok dito. "Seryoso ka? Dito tayo kakain? Mukhang ang mahal dito ah." 

Ngumiti siya nang nakakaloko sa akin, "Halika." Kumindat pa siya at hinila ako palabas ng coffee shop. Nako saan ba ako dadalhin ng lalaking ito? Wag po, bata pa ako.

Hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa parke. Magandang tumambay ngayon dito kasi maraming nagtitinda ng kung ano-anong pagkain. May balot, kwek-kwek, fishball at iba pa. Idagdag pa natin ang malamig na simoy ng hangin na mas lalong nakakarelax.

"Syempre di tayo dun kakain. Ang mahal kaya dun tapos di naman masarap." Aniyang tumatawa. "Kumakain ka ba nito?" Turo niya doon sa isaw.

"Aba oo naman, favorite ko ata yan." Pagmamalaki ko pa sa kanya. Baka akala niya kasi hindi ako kumakain ng mga ganyang pagkain.

"Sige, doon ka na muna sa bench. Puntahan nalang kita." Nagthumbs up nalang ako sa kanya at tumungo na sa upuan.

Akalain mo nga naman, ang lalaking sumagip sa akin sa panganib, siya rin pala ang magiging kaibigan ko. Akala ko talaga katapusan na ng buhay ko pero dumating siya at binigyang liwanag ang magulo kong buhay. Kaya kahit konti nabawasan ang pangamba ko. Hanggang ngayon nga namomroblema pa rin ako pero hindi ko nalang pinapahalata sa kanya.

"Reg, baka matunaw na ako niyan."

Nabalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong nasa harap ko na pala siya. Ano ba Regine! Nakakahiya ka. "Pasensya na, may iniisip lang."

"Anong iniisip mo?" Tumabi na siya sa akin, iniabot niya ang pagkain na para sa akin.

"Thanks," sambit ko nang matanggap ito. "Iniisip ko lang kung bakit basa ang tubig," pagpapalusot ko sa tanong niya. Ganun talaga ako, di kapanipaniwala pag nagsinungaling. Umakto nalang ako na parang totoo ang sinabi.

"Ano ba namang pag-iisip yan Regine," tawang-tawa na siya sa mga pinagsasabi ko. "Kailangan mo na siguro ng doctor, gusto mo samahan kita bukas?"

"Grabe, di naman. Kulang lang sa drugs." Biro ko kaya nagtawanan kaming dalawa.  "Adik kasi talaga ako eh, wag ka maingay. Sikreto lang yun."

"Gutom lang yan, kain na." Tumatawa pa rin siya, nakakahiya na talaga ang mga kasinungaling sinasabi ko. Minsan parang gusto ko na rin itakwil ang sarili ko.

Sa gitna ng pag-uusap namin ay biglang may tumunog na cellphone. "Kanino yun?" Takang tanong ko kaya chineck ko ang cellphone ko pero hindi ito ang tumutunog. "Yung sayo ata?"

Tiningnan ko si Ogie at muntik na akong matawa sa itsura niya, punong-puno ang bibig niya. "Hoy di ka naman gutom?" Natatawang sigaw ko sa kanya, pati siya natatawa na sa pinaggagagawa niya.

"Pakikuha sa bag yung phone ko," utos niya sa akin na agad ko naman sinunod.

Hinalungkat ko ang bag niya, ang daming laman daig pa ang babae. "Yung totoo balak mo ba maglayas?" Patuloy pa rin ako sa paghahanap sa nawawala niyang cellphone. Ito yung tipo ng bag na sa sobrang daming laman mapagkakamalang bag ni Dora.

Pagkatapos ng ilang segundo, nahanap ko na rin ang cellphone niya. Tumutunog pa rin ito hanggang ngayon, may tumatawag sa kanya emergency siguro. Binigay ko ito sa kanya kaya tumayo siya para sagutin ang tawag.

Habang hinihintay ko siya, tiningnan ko muna ang laman ng bag niya. Nakakita ako ng isang camera, ito yung camera na gusto kong mabili dati pa. Medyo may kamahalan kasi, hindi pa kaya ng sariling pera ko. Tinitigan ko ang bawat detalye ng kagamitang ito. "Pangarap lang kita," bulong ko dito.

Maya-maya lang ay bumalik na si Ogie sa tabi ko. "May camera ka pala? Baka naman, picturan mo ko dun oh." Maligayang sambit ko, hawak ang camera.

"Reg sorry, hindi ko kaya." Yumuko siya, halatang may pinagdadaanan siya.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko. Hinawakan ko ang baba niya at iniharap ang mukha niya sa akin. "Go, ilabas mo ang lahat ng gusto mong sabihin. I'm always here for you."

Bumuntong hininga siya, "I'm afraid that I'm not good enough. I should be better but I can't."

"Hey listen, you've always been good enough. You've just been giving the best parts of you to the wrong people." Parang gumaan naman ang pakiramdam niya nang marinig ang sinabi ko. "Pwede ko bang makita mga pictures dito?" I curiously asked, pilit kong binubuksan ang camera pero agad niya itong inagaw sa akin.

"Wag muna Reg," kumindat siya na magiging dahilan ng pagkamatay ko. Mukhang may masama siyang binabalak kapag kumikindat eh. "Baka ka humanga sa sobrang ganda ng model."

"Siguro puro picture yan ng girlfriend mo, ano?" Biro ko at ginulo ang buhok niya.

Inikot ko ang ulo ko patalikod para di niya makita ang ibubulong ko, "Sana walang girlfriend ang mokong na ito." Pagkaharap ko sa kanya ay ngumiti ako na parang wala akong binulong sa sarili.

"Oo, puro picture niya nga nandito."

"May girlfriend ka na pala?" Gulat na sigaw ko. Pati mga tao sa paligid namin nagulat sa pagsigaw ko.

Umiling siya. "Not now but soon," at nagpakita siya ng matamis na ngiti.

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon