Chapter Seven

441 16 0
                                    

Seven.

April 8, Monday

Natatawa nalang ako sa sarili ko kapag naalala ko yung nangyari sa Ve Last Quest, 2 days ago. Bakit nga ba ang bait ko kay Ogie that time? Eh diba dapat galit ako sa magpinsan na yun? Magsuntukan ba naman sa harap ng bahay namin hmp. Sige, dapat galit ako! Magalit ka Regine! Wag marupok, okay?

"Penge nga niyan." Inagawan ko ng chichirya ang katabi ko. Sinama ako ni Jaya dito sa beach nila para daw makapagrelax kami. Family vacation ng family nila pero inaya niya ako, sino ako para tumanggi? Aba libre to.

"Mang-aagaw ka talagang babae ka!" sigaw niya sa akin na ikinatawa ko. Para siyang batang kinuhaan ng kendi.

Dumukot ako ng isang piraso tsaka ibinigay sa kanya. "Sorry bes, gutom na tummy ko eh." Hinimas ko ang tiyan ko habang masayang ngumunguya na tila bang nagpapainggit.

"Di lang ikaw nagugutom sa mundo." Inirapan niya ako at tumalikod sa akin.

"Sus katarayan mo! Nakalimang balot ka na kaya," I stated a fact. Tiningnan niya lang ako nang masama. "Bakit? Totoo naman ah." Binelatan ko siya.

I was about to stand nang biglang tumunog ang phone ko. Someone's calling, usually I don't entertain unregistered number so lemme leave it right there.

"Sagutin mo na. Kanina pa yan tumatawag," Jaya said. She's right, mula kaninang pagdating namin dito tumatawag na yan.

"No, ayoko." Iniwan ko nalang siya sa bulsa ko na tumutunog pa. "Magpapakalayo muna ako sa stress."

"Hmm sige ikaw bahala," mahinang aniya. Tumayo siya at nagpagpag ng damit. Umupo kasi kami sa buhanginan. "Let's go? Baka hinahanap na tayo nila Mommy." Tumango ako, inalalayan niya akong makatayo.

Pagpasok namin sa villa, agad na sumalubong sa amin ang mga pinsan ni Jaya. Kung ano-anong bulungan ang narinig ko mula sa kanila. Matataray kasi ang mga yan, iba ang ugali nila kumpara kay Jaya. Hindi na namin sila pinansin. Dumiretso nalang kami sa aming kwarto.

"Mom, magd-dinner na po ba?" Jaya asked to her mother who's busy arranging their things.

"Ikaw talaga, puro pagkain nalang nasa isip mo," bulong ko kay Jaya at hinampas siya nang mahina sa likod.

"Oo anak, tapusin ko lang to. Mauna na kayo." Tita replied. Aw, sana kasama ko rin mama ko ngayon. I missed her!

Lumabas na kami ng kwarto para pumunta kung saan kami maghahapunan. Binuksan ko ang phone ko. Oh-uh may text ang nanay ko! Sana di niya pa ako pauwiin.

1 Message Received

Regine tawag ka!!!!!!!

From: Mudrakels

Di ka naman galit? Itong si mama kinain na ata ng exclamation point. Hindi ko na siya nireply-an baka mapaaway pa ako eh, oops just kidding. Dinial ko agad ang number niya. Sumenyas ako kay Jaya na susunod nalang ako, tumango siya bilang sagot.

"Miss na kita mama di ko na kaya~" kumanta ako na nasa tono ng 'pauwi na ko'. Narinig ko si mama na tumawa sa kabilang linya.

"Uwi na miss mo na pala ako."

"Joke lang! Di pala kita miss."

"Hays anak ba talaga kita?"

"Eh bat mo ba ako pinatawag, ma?"

"Wala lang." I heard her sighed.

"Weh? Miss mo lang ako eh."

"Oo na. Sige magluluto muna ako nak tawagan mo ko bukas ha? Love you." Then she ended the call. Sabi na eh gusto lang marinig ni mama ang napakaganda kong boses.

Tutungo na sana ako sa restaurant nang biglang may nakaagaw ng atensyon ko. Pinagmasdan ko ito habang naglalakad. Isang pamilyar na lalaki. Nasa unahan ko siya, mukhang papunta rin siya sa restaurant. Hmm, I don't remember him as Jaya's cousin or uncle. Sino kaya yan?

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pilit kong di pinamumukha na stalker ako, ay wait lang hindi naman ako stalker ah! I don't even know him, duh.

Malapit na kami sa entrance nang bigla siyang mapalingon sa direksyon ko. Halos mapatalon ako nung malaman kung sino ang taong ito.

"Ay potek! Piolo? Bat ka nandito? Stalker ka 'no?" Lumapit ako sa pwesto niya. Sinundan ko ang mga mata niya na iniiwas niya naman.

"Anong stalker? Baka ikaw. Ikaw nga nasa likod ko eh."

"Heh! Stalker ka, lumayo ka sa akin." Papasok na sana ako ngunit hinarangan niya ako dahilan para magkalapit ang mga mukha namin. "Ugh! Ano ba?" Hinila ko siya papunta sa may madilim na parte, malayo sa restaurant.

"Ano gagawin natin dito?" maang-maangan na tanong niya. Feeling pa-biktima amputs! Eh ang totoo ako yung biktima sa storyang ito.

"Umamin ka nga sa akin." Tinitigan ko siya nang diretso sa mata. "Bakit lagi kang nakasunod sa akin ha?"

"Ewan ko. Di ko naman alam na nandito ka ngayon," paliwanag niya na hindi ako napapaniwala.

"Eto nalang, itong tanong na to kailangan mong sagutin ng totoo ha? Kun'di malilintikan ka sa akin." Pinakita ko sa kanya ang kamao ko bago magtanong. "Bakit kayo nagsuntukan ni Ogie? Tell me the truth go."

"I don't know. Nagulat nga ako, bigla nalang niya akong sinuntok sa tapat ng bahay niyo."

"Di ko rin alam kung papaniwalaan pa kita pagkatapos ng lahat ng kasinungalingan mo sa akin," gigil na sambit ko. Ano ba tong nangyayari sa akin pwe. Ayoko na sa Earth, lipat na ako sa Mars.

Maya-maya ay nagring na naman ako phone ko. Tumatawag ulit yung kanina pang unregistered number. Wala sa sariling sinagot ko ito. "What? Who's this?"

"Finally! Regine, you answered. Akala ko ano na nangyari sayo."

"Uhm excuse me?"

"This is Ogie. I left my phone at home. Nakitawag lang ako to make sure that you're okay." Myghad, Regine galit ka diba?

"Ah yes I'm okay, thanks." Tinago ko ang kilig habang nagsasalita. May tao kasi sa harapan ko. "I have something to tell you Ogs."

"Oh? Ano yun?"

"Is it true that you're the one who started it? Sabi ni Piolo. Gusto ko lang malaman kung totoo ang sinasabi ng lalaking to."

"Oo, ako nga nagsimula." Napabuntong hininga ako, I cannot believe this. "But I can explain."

"Okay. Talk to you later." I ended the call.

Confirmed. Siya nga ang nagsimula, pero bakit pa kailangan gawin yun? I know ang babaw ko. Ayaw ko lang kasi talaga na may nag-aaway lalo na kung dahil sa akin.

"Sorry," seryosong saad ko habang nakayuko. "Sorry kung naging masama ako sayo. I didn't know the truth eh."

"No, it's not your fault. Its Ogie's." Niyakap niya ako, I hugged him back. "Thank you for understanding."
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
I hate this day because I trusted him.

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon