Chapter Eight

426 17 1
                                    

Eight.

April 14, Sunday

"I'll pick you up later don't worry." Siya na mismo ang nagsabi na sasamahan niya akong mamalengke. Well di na rin ako tumanggi kailangan ko rin kasi ng kasama. My parents are not home so ako lang mag-isa sa bahay.

"Salamat Piolo," I thanked him and then ended the call. Almost 2 weeks ko na rin siyang nakakasama. Sa loob ng 2 weeks na yun, mas lalong gumaan ang pakiramdam ko sa kanya. Ewan ko ba, hindi ko na rin napansin ang bilis ng oras.

Si Ogie? Di ko na siya masyado nakakausap sa personal, miss ko na nga yang gunggong na yan eh. May sinasabi rin kasi si Piolo na layuan ko raw muna si Ogie. Di ko maintindihan kung pinaglalayo niya ba kami o ano.

Nanood muna ako ng movies bilang pampalipas oras. Mga 10 am daw ako susunduin ni Piolo, eh 8 am pa lang ngayon. Tinatamad pa naman ako mag-ayos. Para bang wala akong gana ngayong araw.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Iminulat ko ang aking mga mata. Nagulat ako nang malaman na nakatulog na pala ako habang nanonood. Tiningnan ko ang oras sa relo na nasa dingding. "Patay 9:43 na!" Nagmadali akong kumuha ng damit na gagamitin at saka pumasok sa cr para maligo. Hindi ko na naintindihan kung anong damit ang nakuha ko.

Pagkatapos kong maligo ay naglagay nalang ako ng pulbo at lip tint. Konti lang para kunware woke up like this. Matapos ng lahat ng dapat kong gawin umupo nalang ako sa hagdan sa labas ng bahay. Mabuti't hindi masyadong mainit ngayon. Naglaro lang muna ako ng Plants VS Zombies habang naghihintay sa pagdating ni Piolo.

Ang tagal niya grabe 10:45 am na pero asan siya? Kanina pa ako nandito sa labas. Papanga-pangako pang nalalaman yun pala mapapako rin. Hays ganyan tayo eh.

Hindi na ako makapaghintay kaya't ako nalang ang susundo sa kanya. Baliktad na ang mundo ganon, ayos rin ah. Di naman masakit na naghihtay ako ng halos isang oras.

"Punyemas ka Piolo," napamura ako sa sobrang pagkainis. Sinipa-sipa ko yung mga batong nadadaanan ko. Malapit lang naman ang palabas ng subdivision kaya nagsimula na akong maglakad.

Sumakay lang ako ng jeep. Walang traffic ngayon kaya di hassle ang pagbyahe. Yun nga lang mainit na, masakit na sa balat ang sikat ng araw.

Nang makarating ako sa labas ng bahay nila, nagdoorbell lang ako at agad namang may lumabas na katulong. "A-ah hello a-andito po pala k-kayo ma'am R-regine," nauutal na aniya. Nagtaka ako sa inasal niya. Bat kaya nauutal ang isang to?

"Obvious ba ate?" biro ko, natawa siya pero parang pinagpapawisan. Kinuha ko ang aking panyo, I gave it to her, "Take this." At pumasok ako sa loob ng bahay.

"Where are you Piolo?" I shouted as I entered their mansion. "Ako na susundo sayo kahiya eh tsk."

Bakit parang walang katao-tao sa pamamahay na ito? Asan mga tao dito? Don't tell me lumipat na ng bahay sila Piolo. Wag naman sana. Ayoko mapahiya.

Papasok na sana ako sa kanilang kusina nang biglang may kumulbit sa balikat ko. Gosh di naman multo yun diba? Dahan-dahan akong lumingon and then there I saw a woman. Heart-shaped lips, broad face, high cheekbones, clear and smooth skin, and wide-set eyes — that's how I describe her. Ang perfect niya omg! I'm wondering who's this girl hmm. I bet she's Billy's girlfriend, mahilig yun sa mga magagandang babae eh.

"Excuse me, who are you looking for?" Literal na jaw dropped ang nagawa ko. Wow, pati boses maganda. Nahiya ako bigla sa kanya.

"Piolo Pascual," tipid na sagot ko.

"Ah he's upstairs. Why and who are you?" Potek englishera pala ang ate niyo. Natawa ako sa sinasabi ng isip ko.

"He promised me na susunduin niya ako pero hindi niya ako sinipot," may tampo sa tono ng boses ko.

"I'm sorry, he's busy kasi eh. We're preparing for my tita's birthday," she explained and I just nodded. Wala siyang sinabi sa akin ah? Oh btw di niya naman kelangan sabihin sa akin.

Napatingin ako kay Piolo na bumababa na sa hagdan. "A-andiyan ka p-pala Reg," utal na saad niya. Ano nangyari dito? Parehas sila nung katulong.

Nang makarating sa baba si Piolo ay pinasalubungan siya ng babae ng halik sa labi. I was shookt! Ha? Teka lang. Ano to?

Kumunot ang noo ko. Last time I remembered pumayag ako na liwagan niya ako tapos ano tong nakikita ko? That woman just kissed Piolo! What the hell is happening?

Ah yes, pumayag ako na ligawan niya ako. Tsaka di pa naman talaga kami ni Ogie, nililigawan niya pa lang din ako. May the best man win nalang! Pero feeling ko may nanalo na, hulaan niyo kung sino, de joke.

"Babe, who is she?" the girl asked. Babe? Ano daw?

Imbes na si Piolo ang sumagot, ako na ang gumawa. "Lemme answer that question," pagsabat ko sa usapan nila at mas lalo akong lumapit. "I'm freaking Regine Velasquez."

Tiningnan lang ako nung babae. Teh, wag mo ko titigan baka ako matunaw. Nang ibinuka ni Piolo ang kanyang bibig ay agad ko itong pinigilan. Idinikit ko ang aking hintuturo sa bibig niyang nakaawang.

"Sshhh." Pinanlisikan ko sila ng tingin. "Mukhang ikaw ata ang kailangan kong tanungin ng 'who is she?'" Sambit ko kay Piolo at tinuro ang babaeng katabi niya. "Alam ko na ang totoo pero gusto kong marinig mula sayo. At huwag na huwag mo akong sasagutin ng isa pang kasinungalingan."

"I'm his girlfriend," sabat nung babae.

"Hindi kita tinatanong, wag ka makisabat diyan," I sarcastically said. Dinako ko ang paningin ko kay Piolo. "Ano? Hindi ka nalang ba magsasalita diyan?"

"Magpapaliwanag ako, Reg," nagmamakaawang saad niya na papalit sa akin. Hinihila naman siya pabalik nung babae para di makalapit sa akin. Vaklang 'to! Di ko aagawin sayo yang sinungaling na yan. Iyo na, saksak mo sa baga mo.

"You have nothing to explain." I smiled, bitterly.

"Let me explain his side," muling sabat ng girlfriend ni Piolo. "Ginamit ka lang niya para mabili ang mga ari-arian niyo. And also, to get the recipes of your beloved Ve Last Quest. Oops hindi lang yan ang dahilan, there's more pero yan nalang muna sa ngayon para di masakit sa puso. I hope it's now cleared for you to understand, right?"

I cannot take this anymore. Kalma, Regine. Kalma! Hingang malalim then go, "Para namang sinasabi mong malaking kawalan sa buhay ko ang mokong na yan. For your information, I can live without your fucking boyfriend. Besides, masaya na ako sa piling ng Ogie ng buhay ko. Tsupi!"

Lumingon ako kay Piolo para magbigay ng isang kataga, "Uhm Piolo? Please do me a favor."

"What?"

"Stop feeding me with your fucking lies. I, thank you." I'm trying to show the strong and brave Regine. I smiled once again and leave them hanging.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
I knew it. It was all a lie.

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon