Nine.
April 14, Sunday
Nice, it was all a lie. I just wanna say that he's a good liar. Ang galing niyang magtago. Paano niya nagagawang manloko ng isang inosenteng tao? Look, wala akong ibang ginawa kun'di puro kabutihan tapos tingnan mo ang isinukli niya sa akin. Matagal ko na siyang pinalayas sa puso ko pero pinabalik ko pa, ayan tuloy ako ang nasaktan.
Piolo, Do I really deserve this?
Padabog kong sinarado ang gate ng bahay nila. Naglakad-lakad nalang muna ako rito sa subdivision nila. I don't know where to go, para akong isang tangang naglalakad sa kawalan. Kasalanan mo rin kasi to Regine eh, para mong binigyan ang puso mo ng panibagong heartbreak. Ginulo ko ang aking buhok dahil sa naisip. Ano ba, wala lang to. Sobra lang talaga akong nasaktan.
Hindi ko akalaing yung lahat pala ng pagsama niya sa akin ay may dahilan. Ang plastik ng gago! Sana napansin ko na yun dati para di na ako nasaktan ng ganito.
Wala sa sariling napaupo nalang ako sa gitna ng kalye. I can't take this anymore. Bumuhos ang luha ko. "Why? Bakit kailangan mo pa ako lokohin?" humihikbi kong sambit. My mind is full of negative thoughts.
Basang-basa na ng luha ang mukha ko. Nagkagulo na rin ang make up ko—just like my life, messy.
Natauhan lang ako noong may kotseng nasa harapan ko. I checked my bag to get handkerchief but, "Oh shoot, I forgot." Instead, I used my hands to wiped my tears. Nakakahiyang humarap sa tao kung ganito ang ganito ang itsura ko. So I fake a smile.
Nakatalikod ako nang biglang may kumulbit sa likod ko. "Uhm excuse me, miss?" Sounds familiar huh? Humarap ako sa kanya na may ngiti sa labi. "R-regine? What are you doing here? What happened? Are you okay?" Halata sa tono ng boses niya ang matinding pag-aalala.
"I miss you," I sincerely said and hugged him. Niyakap niya akong mahigpit pabalik. Wala akong ibang gustong sabihin. I just wanna hug him... forever. Parang ayaw ko nang kumawala.
"I am sorry for not being there for you," malungkot na aniya. Humiwalay kami sa isa't isa. "Tara, alis tayo. I have something to tell you." Kumindat pa siya sa akin bago niya ako hinila papunta sa kotse niya. He opened the door and I entered his car.
Nang makapasok siya sa kotse ay agad niyang pinunasan ang luha ko gamit ang mga daliri niya. "Hey, stop crying. Andito na ako. Everything's okay, I swear." Nakakaloko siyang ngumiti at napatawa naman ako. "Smile, my love. You deserve to be happy." Hinawakan niya ang kamay ko.
Buong byahe ay magkahawak ang mga kamay namin. Binalot kami ng katahimikan, tila nilalasap ang bawat segundong magkasama kami. It's been 2 weeks since we last met. Namiss ko ang mokong na to. May paepal kasing nakisawsaw sa relasyon namin. Feeling ko rin pinaghihiwalay niya kami ni Ogie.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Nakaramdam ako ng halik sa noo kaya biglang nagising ang diwa ko. Nakatulog na pala ako sa byahe. Iminulat ko ang mga mata ko. "We're here," mahinang saad niya dahil kagigising ko lang.Inayos ko ang upo ko. Nilibot ko ang paningin ko sa labas. "Where are we?" tanong ko sa kanya nang hindi ko matukoy kung nasaang lugar kami.
He responded with a wink. Ang hilig niya talagang kumindat. Ugh, marupok ako.
Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako. "You don't need to do that." Naglakad kami papasok kung saan mang lugar ito. Parang resort? Ewan ko lang.
"Why not? You're a queen and you deserve to be treated like one." A queen? I'm not.
Natahimik ako sa sagot niya. "Hoy ikaw ha, ano ba gusto mo?" natatawang tanong ko na may halong kilig.
"Tinatanong pa ba yan edi syempre ikaw," mabilis na sagot niya. Hindi ko pinahalata ang kilig ko dahil sa sinabi niya. Jusko, ano ba ang nangyari sa lalaking to? Hindi lang kami nagkita ng dalawang linggo ganyan na siya.
Holding hands kami ngayon habang naglalakad. Dinala niya ako sa isang mataas na lugar. Kita dito ang magandang tanawin, ang malawak na karagatan at ang matataas na kabundukan.
Namangha ako sa ganda ng lugar. First time kong makaakyat sa lighthouse sa buong buhay ko. "Wow, this is so beautiful." Naiiyak ako sa nakikita ko. Hindi ko akalain na may ganito palang tinatago ang Pilipinas.
"Yeah beautiful, just like you," banat niya kaya binatukan ko siya nang mahina.
"Tigilan mo ko sa mga pambobola mo kun'di bugbog ka sa akin," I joked and we laughed.
Umakbay siya sa akin, sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat niya. "I brought you here because you love beach, right?"
"Beach, not bitch," tumawa kami sa sinabi ko. "Yes I love it, thank you Ogs." Niyakap ko siya sa tagiliran ko.
"Remember that place?" Tiningnan ko kung saan nakaturo ang daliri niya.
"Oo, andiyan kami last Christmas. Why?" Yung resort malapit dito ang tinuturo niya. Doon kami nagbakasyon nung pasko.
"That's where I first saw you."
"Huh? Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko. Nauna ko kasi siyang nakita noong March 20 lang tapos siya December niya pa pala ako nakita. "Sige nga, magkwento ka."
"My Christmas was boring. Busy ang parents ko sa trabaho nila, mga kapatid ko naman nasa ibang bansa. Mag-isa lang akong nagcelebrate ng pasko. Dito ako tumambay buong maghapon. And then I saw you, ang saya mo kasama ang pamilya mo. Noong time na yun, gustong-gusto ko bumaba at pumunta sa resort kung nasaan ka pero eto ako nagpakaduwag." Umiling siya na parang nanghihinayang. Nagpatuloy siya sa pagkukwento, "Halos gabi-gabi akong nagmumukmok, nagsisisi at umaaasa na sana makita pa kita. Sabi ko sa sarili ko, 'kung tayo talaga ang para sa isa't isa magkikita at magkikita pa rin tayo'."
"Gusto mo talaga ako makilala ano?" Tumango siya. Sinenyasan ko siyang ituloy ang kwento.
"New year, I didn't expect to see you in supermarket. Buong akala ko hindi na kita makikita pa but God is good humanap siya ng paraan para magkatagpo ang landas natin. Sabi ko 'ito na yun, hindi na kita papakawalan'. Sinundan kita sa supermarket. Nakita ko sa keychain ng bag mo ang pangalan mo. Kaya pag-uwi ko, nagresearch na agad ako tungkol sa pagkatao mo. Mabuti nalang sikat ang pamilya niyo, dun ko na rin nalaman na kayo pala ang may-ari ng Ve Last Quest. Noong malaman ko yun, nagtrabaho ako sa restaurant niyo kahit may pera ako. Dahil sa pagtatrabaho kong iyon mas lalo akong napalapit sayo. Palagi kang pinagkukwentuhan nila, nakikinig naman ako. At ang swerte ko, araw-araw ka tumatambay noon sa parke. Lumalabas pa ako ng resto masilayan lang ang kagandahan mo."
"Alam mo, ikaw yung nakakakilig na stalker." Napabilib ako sa mga ginawa niya para lang makilala ako. "Ginawa mo yun lahat? Grabe."
"At ngayong nasa harapan na kita, masasabi ko nang nakatadhana talaga tayo. Cheesy 'no? Pero yun na yon eh, natamaan na ako."
"Lakas ng amats mo sa akin tol ah." Tinawaan ko lang siya. Tinitigan ko siya sa mata. "But yes I feel you, simula nung makilala kita parang lahat nabago na. Yung dating malungkot at problemado sa buhay na Regine napalitan na ng inlababong Regine. Ewan ko ba basta isang araw nagising nalang ako na patay na patay na ako sayo. Yung tooo, ginayuma mo ba ako?"
"Sa gwapo kong to gagayumahin pa kita? Sus, no need. Baka unang kita mo pa lang sa akin, in love ka na agad." Nagtawanan kami sa sinabi niya. Pero infairness, fact yung sinabi niya ah.
Sunset. Masaya ako dahil sabay namin itong nasasaksihan. Minsan ko na rin pinangarap ang ganito—ang makasama ang pinakamamahal ko habang pinapanood ang paglubog ng araw.
Ngayon totoo na ito, hindi na ako nananaginip. Totoong kasama ko na si Ogie, ang taong mahal ko.
"Siguro naman tayo na?"
I answered him with a kiss on the lips. "I love you, my Ogie," I whispered between our kisses.
"Mahal na mahal kita, Regine."
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
The first time I kissed you. One kiss, I was totally hooked. Addicted to you.
BINABASA MO ANG
Perfect Shot [COMPLETED]
Fanfic"I just want you to know, that when I picture myself happy, it's with you." In which a boy, Ogie, who loves photography unconsciously gets hooked into this not-so-pretty girl, Regine. He always follow her and secretly take pictures of her like a sta...