Special Chapter (2)

321 12 0
                                    

Five.

April 4, Thursday

Gumising ako nang maagap dahil may pinaaasikaso sa akin ang mga magulang ko. Mahirap na hindi sundin ang utos nila, baka mas lalo pang magalit sa akin. Galit na nga, gagalitin ko pa ba?

Hindi na ako nag-abalang mag-agahan sa bahay. Siguro dadaan nalang ako kung saang coffee shop diyan. Kailangan ko kasing umagap sa opisina. Wala ang Mom at Dad ko, umalis sila. Hindi man lang sinabi sa akin kung saan sila pupunta.

Dumaan muna ako sa coffee shop ng building bago umakyat sa mismong opisina nila. Ang ilan sa mga tauhan ay binati ako ng "magandang umaga." Nagulat nga ako, may nakakakilala pala sa akin dito.

Pumasok ako ng opisina at laking gulat ko dahil nakapatong sa table ang phone ni Dad. Naiwan niya ba? Nako, paniguradong hinahanap na nila ito.

Binuksan ko at nakita na may text galing kay Piolo. Baka importante kaya binasa ko.

"Ito na naman siya." Bumuntong hininga ako. Naghahasik na naman ng lagim ang isang to. Nakalagay dito, "Tito, nagawa niyo na ba yung pinapagawa ko?" Hindi ko lang maintindihan kung tungkol saan ito. Huwag mong sabihin na tungkol ito kay Regine ha? Hindi ako papayag!

Naghalungkat pa ako ng mga papeles sa opisina. Gusto kong makahanap ng mga impormasyon. Nakakita ako ng isang maliit na notebook. Palagay ko dito nakalagay yun. Binuklat ko ito at tama nga nandito nakasulat.

Mission 1: Buy the properties of Velasquez family.

Ano naman ang mapapala ni Piolo kung mapapunta sa kanya ang mga lupain? Ano kayang masamang binabalak ng mokong na ito? Isa kang malaking kontrabida sa storyang to!

Nakakapanggigil. Parang gusto kong suntukin ang napakawalang kwentang pinsan ko. Paano niya nagagawa yun? Alam kong mahalaga kila Regine ang mga lupain nila kasi malaking parte ito ng pag-iibigan ng mga magulang niya. Ayaw kong mapunta nalang ng basta-basta kay Piolo yun.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Six.

April 5, Friday

Ngayon ay bibisita ako kay Tita Teresita. Hinabilin kasi sa akin ni Regine na bantayan ko ang Mama niya. Oras-oras ay pumupunta ako sa bahay nila para makasigurado kung safe siya dun.

Nang makababa ako ng kotse tsaka ko pa lang napansin ang sasakyang nasa unahan ko. "Kotse to ni Piolo ah?" Nagtaka lang ako kung bakit siya nandito. Eh wala naman dito yung niloloko niya.

Hinanap ko si Piolo. Naglalakad na pala siya pabalik sa sasakyan niya. Nakangiti siya pero alam kong plastik yun. Naaasar ako sa mukha mo gago. Hindi na nakapagpigil ang kamao ko na suntukin siya.

The next time I knew, nasa loob na kami ng bahay nila Regine. Nagkanya-kanya kaming lapat ng yelo sa mga pasang natamo. Kinausap kami ni Tita Teresita. Halata sa boses niya ang matinding pagkadismaya.

"Hay nako! Makakarating kay Regine ang ginawa niyo."
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Seven.

April 6, Saturday

Naiinis pa rin ako sa sarili ko kapag naaalala ko yung ginawa kong pagsuntok kay Piolo. Alam kong galit sa amin si Regine kaya binigyan ko muna siya ng space para makapag-isip. Kakauwi niya lang kaninang madaling araw. Kasi naman eh, dapat di ko na yun ginawa. Napakagago ko! Pero kasi hindi ko rin naman kaya yung ginawa ng Piolo na yun. Look, inutusan niya pa ang mga magulang ko para lang mabili ang mga ari-arian ng Velasquez. How stupid. May masama siyang binabalak, alam ko. This is not the first time! Marami na siyang naloko at nasaktan and I don't want my Regine to get hurt by that asshole. Subukan niya lang. Lintik lang ang walang ganti.

Nasa Ve Last Quest ako ngayon. Trip ko lang maging waiter ngayong araw. Nag-aasikaso ako ng mga order nang biglang may isang pamilyar na babae ang pumasok ng resto. May kasama siyang mga bata. Sila yung mga tinuturuan niya. Ano kayang nangyari sa bahay nila? Bakit sila lumipat dito?

I miss that face, hon. Pinagmasdan ko siya pero hindi ako nagpahalata. Hindi niya pa kasi alam na sumasideline ako dito sa restaurant nila.

Pumwesto sila malayo sa entrance. Medyo lumapit naman ako ng konti sa kanila. Nakatalikod ako sa pwesto nila.

Maya-maya ay tinawag na nga niya ako. "Kuya!" Oh diba galing ko magpapansin. Humarap ako na kunware hindi ko alam na nandito siya.

"Regine, ikaw pala yan," pagmamaang-maangan ko. Lumapit ako sa table nila.

"Uy grabe, bat nagtatrabaho ka dito? Ang yaman mo na kaya!" Hinampas niya ako sa braso. Miss ko na mga paghampas mo, masakit eh.

"Nagtrabaho ako dito para mas lalo kitang makilala," I said and winked. "At the same time, para makapag-ipon na rin ako para sa future... natin." Hininaan ko ang pagbanggit sa huling word para di nakakahiya. I'm shy po kasi eh.

"Gago ka talaga, tigilan mo ko! So bakit ka pa nga nagtatrabaho? Limpak-limpak na kaya pera mo."

Ayaw ko ng pera ng mga magulang ko. "Actually di ko talaga yun pera, sa mga magulang ko yun. Gusto kong magkapera nang sarili, yun bang pinaghirapan at pinagpawisan." Wow speech!

"Tse dami mong alam. Sige na kuha mo na kami ng water tas balik ka, upo ka dito sa tabi ko." Napangiti ako sa sinabi niya. Hmm I guess we're okay?

"Your wish is my command, mi amor." I kissed her beautiful hand.

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon