Special Chapter (3)

734 20 6
                                    

Eight.

April 8, Monday

Nalaman kong sinundan ni Piolo si Regine. Hindi pupwedeng nasa iisang beach lang sila ngayon. Ako lang dapat ang nag-iisang stalker ni Regine.

Nasa opisina na naman ako ngayon. Pinagstay muna ako nila Dad dito. Wala akong ibang magawa. Halos tapos na rin kasi ang mga paper works na dapat gawin. Tinapos na ng mga magulang ko. Nalimutan ko pa yung phone ko sa bahay. Hays ano na buhay?

May dumaan sa labas ng office, agad ko siyang tinawag. "Carla, can I borrow your phone please? May tatawagan lang."

Tumango siya at binigay ang phone niya. Mabuti't may mabuting puso na nagpahiram. "Balik ko nalang mamaya ha? Huwag kang mag-alala di ako magbubukas ng messages at gallery."

Tumawa siya. "Ikaw talaga sir, may tiwala ako sayo syempre." Nagpaalam siya bago umalis.

Nakailang dial na ako kay Regine pero ni isang tawag hindi niya sinagot.

68 missed calls.

"Ano na, mahal? Asan ka na ba? Nag-aalala na ako sayo." Kinausap ko yung picture ni Regine na nakatago sa wallet ko.

Hindi ako tumigil sa pagtawag sa kanya. Alam kong makukulitan siya at sasagutin niya rin.

Hapon na nung sumagot siya sa tawag. "What? Who's this?" yan ang bungad niya sa akin. Ang sungit ah. Bakit kaya? Nagkita na ba sila ni Piolo?

"Finally! Regine, you answered. Akala ko ano na nangyari sayo," napatayo ako dahil sa tuwa.

"Uhm excuse me?" Tinatarayan mo na ako ngayon Reg?

"This is Ogie. I left my phone at home. Nakitawag lang ako to make sure that you're okay," saad ko.

"Ah yes I'm okay, thanks." Natahimik siya bago magsalitang muli, "I have something to tell you Ogs."

"Oh? Ano yun?" nagtatakang tanong ko.

"Is it true that you're the one who started it? Sabi ni Piolo. Gusto ko lang malaman kung totoo ang sinasabi ng lalaking to." May galit sa boses niya. Nagkita na nga siguro silang dalawa at nararamdaman kong binabaliktad ni Piolo ang katotohanan.

"Oo, ako nga nagsimula." Buong tapang akong nagsalita. Gusto kong ipakilala ang totoong nangyari. "But I can explain."

"Okay. Talk to you later." And then she ended the call.

What the hell? Hindi pa ako tapos magsalita. I have something to explain Reg!

Tinry ko pa ulit siyang tawagan pero wala na. Busy na siguro ang mag-ex. She chose that liar! Oh wtf.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Nine.

April 14, Sunday

Ilang linggo ko na rin na hindi nakakasama si Regine. Pinagkaisahan na naman kasi ako ni Piolo at ng mga magulang ko. Aba wala akong laban dun. Isa laban sa lahat? Ano daw yun? Pero di pa rin ako susuko. Magiging akin pa rin si Regine at sisiguraduhin kong pang-habang buhay na yun. Sadyang kailangan ko lang ng time para makapag-isip ng plano kaya nagpakalayo muna ako kay Regine. Nakamasid pa rin naman ako sa bawat galaw nila pero ayun nga lang, malayo ako.

Ngayon ay tinitingnan ko ang eksena nila sa bahay nila Piolo. Natuklasan na ni Regine na puro kalokohan lang ang mga sinasabi sa kanya ng gagong yun. Mas lalong nasaktan si Regine kasi pumayag siyang magpaligaw kay Piolo.

Kasalanan mo rin kasi yan, mahal. Kung sana pinakinggan mo ako hindi mo mararanasan ang mga kasinungalingan na yan.

Nang tumakbo na palabas si Regine, agad ko na ring pinatakbo ang kotse ko. Naabutan ko na siyang nakaupo sa gitna ng kalye. Iyak na iyak siya. Nasasaktan ako. I hate seeing you with those tears.

"I am sorry for not being there for you," malungkot na sambit ko. "Tara, alis tayo. I have something to tell you." Kumindat pa ako bago siya hilahin papunta sa kotse ko.

"Hey, stop crying. Andito na ako. Everything's okay, I swear." Pinatawa ko siya gamit ang nakakaloko kong ngiti. And it worked! "Smile, my love. You deserve to be happy." Hinawakan ko ang kamay niya.

Nakarating na kami sa aming destinasyon. Hindi ko na napansin na nakatulog na pala siya sa byahe. Tinitigan ko muna siya bago gisingin. "You own my heart, Regine," bulong ko habang hawak ang malambot niyang buhok.

"We're here," mahinang sambit ko nang mapagdesisyunang gisingin siya.

Feeling ko ang tagal-tagal ng oras kapag kasama ko siya. Buong hapon ay magkadikit ang mga balat namin. Hindi ko maihiwalay ang katawan ko sa kanya. Namiss ko yung ganito. Ang mga mata ko ay hindi ko matanggal kay Regine, para bang may sarili na itong utak na hindi ko na makontrol.

Hindi deserve ng ganitong babae ang masaktan katulad ng ginawa ng pinsan ko. Paano niya natiis ang ganito kagandang nilalang? I hate you Piolo for hurting my girl.

"Siguro naman tayo na?" nag-aalangang tanong ko kay Regine. Kahit obvious na ang sagot natatakot pa rin ako na baka ireject niya ako sa huli.

Sinagot niya ako gamit ang matatamis niyang halik. "I love you, my Ogie," she whispered between our kisses.

"Mahal na mahal kita, Regine."
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Ten.

3 years after. Wedding day has arrived!

"I am basically a happy person but I never thought than I could be this happiest. Thank you Ogie for making me happy."

"Regine is very very special to me. She inspires me. I think it's very obvious na. Whenever I'm with her, I'm really happy."
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀

When I PICTURE myself happy, it's with you Regine Velasquez-Alcasid.

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon