Chapter Eleven

515 19 15
                                    

Eleven.

May 22, Wednesday

Inaayos ko na ang sarili ko ngayon kasi susunduin ako maya-maya ni Ogie. Pupunta kami sa beach kung saan nakatayo ang lighthouse. May paparty daw eh, hindi ko lang alam kung anong okasyon yun.

Nagmake up ako nang naaayon sa suot ko, black dress, black bag and black high heels. Tapos kinulot ko nalang ang buhok ko, tinatamad na kasi akong pagandahin pa kasi pagabi na rin naman. Nagkikilay ako nang biglang magring ang cellphone ko, tumatawag si Ogie.

"Baba, hindi na pala kita masusundo." Kumunot ang noo ko, bakit naman kaya?

"Huh why?"

"Basta. Ipapasundo nalang kita kay Kuya Jef."

"Oh sige. Ingat ka baba, love you!"

"I love you more. See you later." He ended the call. Mukhang busy nga ang gunggong. Pag kasi magkausap kami sa cellphone, pahirapan pa kung sino ang magpapatay ng tawag. Mga pabebe amp!

Binilisan ko na ang pag-aayos ng mukha para makarating na agad kami sa beach. Pagkalabas ko ng bahay ay andun na nga si Kuya Jef, kanina pa siguro siya naghihintay sa akin.

Inunahan ko na si Kuya Jef sa pagbukas ng pinto dahil ayaw ko talagang pinagsisilbihan ako. Nang makapasok ako sa sasakyan, agad na rin niya itong pinatakbo. Para silang mga nagmamadali. Ano bang meron? End of the world na ba?

Buong byahe ay tahimik lang akong nanonood sa daan. Nakarating din agad kami kasi hindi naman ito ganun kalayo.

Nang makalabas ako ng sasakyan, unang bumungad sa akin ay ang malaking tarpaulin na may nakasulat na "Vealgiere" Is that the name of this resort? Ngayon ko lang yan napansin.

Pumasok ako sa entrance. Isang malaking arko na may mga nakalambitin na mga bulaklak. Bakit parang nanibago ako? Parang naiba eh. Ang alam ko hindi ito ganito dati.

Sa kanan ko, doon mo makikita ang lighthouse na dinekorasyonan nila ng mga ilaw na kaaya-aya sa mata. Sa kaliwa naman, naroon ang isang mini garden na puno ng makukulay at magagandang mga bulaklak. Kita ko rin mula dito ang mga nagliliparang mga paru-paro sa loob nito. Kahit gabi na talagang maaagaw pa rin nila ang atensyon mo dahil maliwanag sa lugar na ito.

At sa harap ko naman makikita ang napakahabang red carpet na magsisilbing gabay kung saan ka tutungo. Malakas ang kabog ng dibdib ko nang naglakad ako sa gitna. Wala kasi akong makitang ibang tao. Parang ako pa lang ang nandito. Sabi pa naman ni Ogie marami na daw tao pero ni isa wala. Siguro mali itong resort na napuntahan ko. Umaasa akong may makakasama ako kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
[ Insert: Photograph by Ed Sheeran ]

Hanggang sa natigilan nalang ako sa pwesto ko nang unti-unting bumukas ang mga kandila sa tagiliran ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hanggang sa natigilan nalang ako sa pwesto ko nang unti-unting bumukas ang mga kandila sa tagiliran ko. May biglang tumunog din na classical song na nanggagaling sa piano. Para akong nasa isang fairytale story.

Napansin ko ang maliliit na letra na umiilaw sa buhangin. Nakalagay dito ang katagang, "Regine, Will you marry me?" Hindi kaagad nagsink-in sa utak ko ang nabasa. Nananaginip ba ako? Paki-sampal nga.

Naagaw ng atensyon ko ang biglang pagbukas ng malaking projector sa harap ko. Tumayo ang balahibo ko sa pinapanood. Bumuhos ang luha ko dahil sa saya. I can't believe this is happening right now. Pinalabas dito ang stolen pictures ko. Simula nung December na nakita ako ni Ogie sa kabilang resort hanggang sa date namin kahapon. Halos lahat ng galaw ko ay may litrato ako dito. Oh my God. He's really my stalker.

Maya-maya ay may kumulbit sa likod ko dahilan para mapaharap ako sa kanya. A man in a black suite. Automatikong napayakap ako sa kanya. Tumulo ang luha ko sa balikat niya. "Ogie.." bulong ko habang hagulgol pa sa pag-iyak. Pagkatapos ng ilang segundo ay kumawala rin ako. Napatawa nalang si Ogie sa naging reaksyon ko. Ang oa ko ba? Sorry naman, umiibig lang.

Inabutan niya ako ng bouquet of flowers na agad ko ring tinanggap. Inamoy ko ito to check if it is fake or not but yeah it's real, totoong-totoo. Parang pag-iibigan lang namin ni Ogie, walang halong biro.

After a few minutes, naglabas na nga siya ng isang maliit na box. Ito na ba yun? Ito na nga! Lumuhod siya sa harap ko. Hindi pa rin tumitigil ang luha ko hanggang ngayon. Sadyang hindi lang makapaniwala ang buong sistema ko sa mga nangyayari.

"Regine Velasquez, you're the reason for the smile on my face. Today, I'm asking you to put it there forever... Will you marry me?"

Hindi na ako nagdalawang isip pa na sumagot ng, "Super yes!"

Kasabay ng pagpasok niya ng singsing na tanda ng pag-iibigan namin, may pumutok na confetti sa tagiliran. Tumayo si Ogie at niyakap ako. Ganun din ang ginawa ko sa kanya. After that yakapan moment, we kissed each other, madly and deeply.

Matapos pumutok ng confetti, fireworks display naman ang nagpakita sa kalangitan. Ang mga makukulay nitong ilaw ang mas lalong nagpainit ng gabi namin. Dati napapanood at nababasa ko lang ito, ngayon ako na mismo ang nakakaranas. Ang sarap lang sa feeling.

Nagulat ako sa mga taong nagpalakpakan sa paligid namin. Ayun naman pala eh, akala ko ako lang talaga mag-isa kanina. Tago-tago pa kayo ha.

Inalalayan ako ni Ogie para makaupo sa nakahandang table para sa amin. "Did you like it?" he asked while holding my hands. Nakaupo na rin siya sa tapat ko.

"Hindi," tipid na sagot ko at ngumiti. "Kasi sobrang nagustuhan ko. I love it. Thank you."

"Sila Mom and Dad ang nakaisip nito. Pambawi daw." Sabi na nga ba eh, malambot rin ang puso nila. Kasi naniniwala akong walang taong likas na masama.

"Really? So.." hindi makapaniwalang saad ko. Hindi ko pa alam kasi hindi ko pa nakakausap ang mag-asawang Alcasid.

"Yes. We're now okay. Sila mismo ang nag-asikaso ng lahat ng ito, wala daw silang ibang maisip na pambawi eh. Nagulat nga ako, may nakaset up na pala na ganito." Kita ko sa mga mata niya na sobrang natutuwa rin siya sa mga nangyari.
⠀⠀
⠀⠀
⠀⠀
Nagsayawan lang kami buong gabi kasama ang mga mahal namin sa buhay. Kumpleto sila, nandun sila Mama at Papa, mga kapatid ko, si Jaya, sila Tito Herminio at Tita Herminia, mga kapatid ni Ogie, tapos naroon din ang pinsan niyang si Piolo at ang girlfriend nitong si Cristina. Kasama rin dito ang iba pa naming kamag-anak at kaibigan na hindi ko na babanggitin isa-isa dahil sobrang dami nilang nakidalo sa espesyal na araw na ito.

[ Insert: Love Me Tender by Elvis Presley ]

Pinagtugtog ang paborito naming kanta. Nakahawak ako sa balikat niya at siya ay nakahawak sa baywang ko. Magkalapit ang mga mukha namin ngayon.

"Pwede ba ako magpakacheesy kahit ngayon lang?" Ogie whispered. Tumango nalang ako bilang sagot. "I can't imagine a life without you in it. Ikaw ang buhay ko, soon-to-be Mrs. Alcasid."

At dahil sa sinabi niya binatukan ko nga siya nang mahina sa batok. "Ikaw ha, patay na patay ka pa rin sa akin hanggang ngayon."

"Pang-habang buhay na yun." Haaays! I'm so in love with this guy.

We kissed each other under the moonlight, long and deep. Nakapikit ako habang dinadama ang matatamis niyang halik.

I promise to love you forever, Ogie.

Perfect Shot [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon