U'C'M 18

69 6 0
                                    

A/N : salamat sa patuloy pa ding sumusuporta sa stoyang ito, at sa bago pa lang pong nagbabasa nito salamat.

Sorry na din sa mga typo error kopo and wrong grammar po.
Salamat na din sa mga nagbabasa mwa.






---------------------------








CASS P.O.V

Ano bang nangyari sakin? Bakit bigla akong nagkaganon? Bigla ko siyang Iniyakan? And naging concern? Anong nangyayari sakin.

Hindi ko din naman maintindihan ang sarili ko, hindi ko din maintindihan ang mga ginagalaw ko kanina.

Na tila ba parang magkakilalang kilala na kami ni fhreed dati pa, tila nawalay ako sa kaniya ng ilang taon.

Yung concern na dati pa ay parang meron na ako sa kanya, na hindi ko kayang magawa niya ang hindi niya nais na gawin dahil sakin.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin kanina, basta sinabi ko lang ang gusto kong sabihin at iparating sa kanya.
















----------------------------------------













Biglang nag ring ang phone ko dahilan ng pag gising ko.

And it's kuya again, hinahanap na naman niya ako for sure.

"Where are you!" - sigaw niya ng sagutin ko ang tawag.

"Why?!"

"Cass, gabi na at hindi ko alam kung nasaan ka, naka uwi na ako ng bahay ngunit wala ka!"

Tumingin ako sa labas ng bintana at tama gabing gabi na nga I mean madilim na, at malakas pa ang ulan.

"Shit!, nasan kaba? Ang lakas ng ulan cass where are you!" - dagdag pa ni kuya. Damang dama ko hanggang dito ang galit ni kuya.

Nasa library lang ako hindi na niya ako nahanap, tapos sisigawan niya ako, nakatulog lang naman ako sa pag iisip dahil sa mga nagawa ko kanina.

"I said where are you, bakit dimo ako sinasagot!" - sigaw niyang muli.

"Don't shout, nasa library lang ako, kakagising ko lang"

"Kakagising? At wala kang balak lumabas jan, tingnan mo kung may incharge pa" - at tiningnan ko naman kung andun pa ang incharge sa table niya pero wala na din.

Don't tell me ako na lang ang tao sa school, gosh ang dilim sa labas at ang lakas pa ng ulan pano ako makakauwi nito.

"Wala ng tao dito kuya, ang lakas ng ulan pano ako uuwi?"

"Ginawa mo yan diba? Maghanap ka ng paraan!"

"Pero kuya......." - binabaan na niya ako agad ng tawag, diko naman alam na uulan pala ng ganito kalakas eh, my god! Babaan ba naman ako ng tawag akala ko nag aalala siya tapos di pala niya ako susundin dito.

Ako lang ang tao sa library, walang katao tao maliban sakin naku baka multuhin ako dito. Nakakapanindig balahibo pa ang simoy ng hangin na sinasamagan ng malakas na kulog.

Bakit kasi di pa ako sunduin ni kuya eh, may kotse naman siya di naman siya mababasa, tsk asan na ang pag aalala niya.

Naglibot libot ako sa loob ng library, maghihintay lang ako na baka sakali, tumila ang ulan kahit konti lang, na baka sakali sunduin din ako ni kuya.














Sa ilang minuto na paglilibot ko, wala pa din si kuya at lalo lang lumalakas ang ulan, kaya napagpasyahan kong tawagan na lang siya para di naman ako makaasa kung susunduin niya ako o hindi.

Unlock and Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon