U'C'M 17

78 6 0
                                    

A/N : kung may mga mali po akong nasabi pagpasensyahan niyo na po, at pasensya na din po sa wrong grammar at typo errors jan.













---------------------------------










CASS P.O.V

Pauwi na ako ng bahay at magdidilim na din, napapansin kong parang may nakasunod sakin, kanina pa tong feeling na ito.

Nakakatakot na feeling yung pag pauwi na ako tapos may bigla akong mararamdaman na nakasunod sakin. Madalas ko itong nararamdaman tuwing umuuwi akong mag isa at hindi kasama si kuya.



Lumingon ako at nakita ko siyang nag tago sa may puno, malapit sa bahay sa loob ng subdivision namin, eto naba napapala ko sa hindi pagsabay kay kuya sa pag uwi eh.

"Who are you?!" - sigaw ko, alam kong may taong nakasunod sakin.

"Who are you!" - sigaw ko ulit, ngunit wala pa ding sumasagot at lumalabas sa may puno.

May tao talaga eh, I know, yung feeling na ganito lagi kona lang to nararamdaman, at alam kong may nakamasid sa bahay namin at nagmamasid sakin, hindi ako pwedeng mag kamali.

"Alam kong nanjan ka lang, lumabas kana" - sabi ko habang papalapit sa may puno nang biglang dumating ang kotse ni kuya.

"Hey! What are you doing here?" - sabi ni kuya at hininto ang kotse

"Nothing"

"Pasok sa kotse"

"Wag na, nasa subdivision na tayo" - pagpapalusot ko. Ayaw ko lang talagang sumabay sa kanya dahil gusto kong malaman kung sino ang lalaking nakasunod na ito sakin kanina pa.

Baka yung lalaking nagbigay ng ebidensya sakin o yung lalaking nakaitim na laging nag liligtas sakin na sabi niya ay si shadow daw.

Ang dami kong tanong sa dalawang misteryosong lalaking iyon, gusto kong sagutin ang lahat ng katanungang nasa isip ko.

"Lumabas kana kung sino ka man, alam kong anjan ka at nagtatago, alam kong anjan ka, gusto lang kitang makilala at may gusto lang akong malaman"

Bigla siyang nag iba ng posisyon kaya mas lalo lang lumakas ang loob ko na mas lumapit pa sa may puno, pero hindi ba siya nakita ni kuya? Eh halos nakikita siya kanina sa posisyon niyang to eh.

Lumapit pa ako sa may puno nang bigla siyang tumayo sa harapan ko.

"Gusto mo akong makita?" - tanong nito, matagal akong nakasagot dahil pinafamiliarize ko ang boses niya.

"Ika......ikaw ang lalaking nagliligtas sakin, you are shadow right?"

"Yes I am, may gusto kang itanong diba?"

"Ba...bakit mo ito ginagawa?"

"Because I want" lumapit siya sakin at tinakpan ang mata ko gamit ang mga kamay niya.

"Nasa harapan mona ako, pero hindi mo pwedeng malaman kung sino ako, wag kang mag alala hindi ako masamang tao, gusto lang kitang protektahan, hanggat nakasunod ako sayo walang mangyayaring masama sayo tandaan mo yan, malalaman mo rin kung sino talaga ako sa takdang panahon, tandaan mo ako si shadow ang anino mo" - sabi niya at umalis na, para siyang bula na biglang nawala sa harapan ko.

"Hindi kapa pwedeng umalis, nasan ka may gusto pa akong malaman!" - sigaw ko ngunit wala ng tao sa paligid, mukhang nakakalayo na siya.

Biglang nag ring ang phone ko at gosh si kuya tumatawag na.

Unlock and Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon