U'C'M 25

84 6 3
                                    

Zil P.O.V

Biglang namatay ang ilaw, at ilang Segundo lang ay narinig kong sumigaw si cass na para bang tinatakpan ang bibig niya.

Nabahala na ako sa narinig ko kaya ginamit kong ilaw ang flashlight ng phone ko at pumunta sa pwestong kinaroroonan ni cass ngunit nadismaya ako dahil wala siya rito, nang biglang umilaw.

"si cass?" – sabay naming tanong sa isa't isa ni fhreed.

"narinig ko siyang tinawag niya ako" – sabi ni fhreed

"she called my name as well"– parehas kaming naguguluhan ni fhreed.

Lumapit samin ang iba dahil narinig din daw nila ang pagtawag samin ni cass. Nakakutob na kami na may nangyaring masama kay cass kaya naghiwahiwalay na kami para hanapin siya.





















**









Umabot ako sa parking lot sa paghahanap sa kanya ngunit wala siya dito, sinong pesteng dumukot sa kapatid ko magbabayad siya.

Biglang dumating si lary.

"wala siya dito zil, I already search all the area"

Na nasundan naman ni k'rt.

"tiyak akong hindi nila dinaan dito si cass, dahil alam nilang dito natin siya unang hahanapin" – sabi ni k'rt

Kung hindi nila dito idinaan si cass saan? Mga walang hiya, bakit nila to ginagawa sa kapatid ko, anong kailangan nila kay cass? Hindi paba sila masaya sa threat messages na pinapadala nila sa kapatid ko?

"alam kona sa may entrance"

Tumakbo kami agad papuntang entrance, aabutan pa namin siya kahit sa labas pa yan, hindi siya pwedeng makuha ng mga demonyong yun, hindi ko hahayaang pati ang kapatid ko kunin nila sakin.

Nang dumating kami sa entrance wala kaming naabutan at wala ring kahinahinala na nasa loob maliban sa lalaking nakasuot ng pang waiter na damit na tila ba nabibigatan sa kanyang dinadala.

"teka sandali" – pagpigil ko sa lalaki

Huminto naman siya at hinarap niya kami.

"ano yang dala mo? Mukhang nabibigatan ka?" – tanong ni lary

"ah ito po basura lang po ito, mabigat lang po kasi marami"

Hindi ako nakuntento sa sagot niya dahil tila tao ang laman ng dala niya.

Nang akmang bubuksan kona ang dala niya ay bigla niya akong tinutukan ng baril.

"sinasabi ko namang basura to eh, ayaw mo pang maniwala ang tigas talaga ng ulo mo"

Napataas ako ng kamay dahil sa pagtutok niya ng baril sakin, nang magsidatingan sina walther at top.

"zil?" – sigaw ni top

"relax hindi naman ako papatayin ng gagong to" – at sabay kong inagaw ang baril niya. Mabilis ko namang nakuha ito sa kanya kaya itinutok ko ito pabalik sa kanya.

"open the trash bag walther" – agad naman niyang binuksan ang trash bag ng biglang isang lalaki ang lumabas.

"surprise, ako ba ang hinahanap niyo?" - sabay tawa ng lalaki, shit naisahan kami.

Tumawa pareho ang dalawa dahil sa ginawa nilang panlilinlang samin, hindi ako nakatiis kaya binaril ko sila pareho sa tuhod dahilan para matumba ang isa.

Unlock and Chase meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon