Chapter 1- First Grading Period

109 8 6
                                    

*****Rosing's POV*****

        Nandito ako ngayon sa aming boring na Math class. Nagsasayang na naman ng kanyang boses si Ms. Cortez, ang Math teacher at adviser din namin. Alam ko naman ang lahat ng sinasabi niya e. Genius kaya ako.

        “Who can answer this one?” tanong ni Ms. Cortez habang may nakasulat sa blackboard na:

        3,459 – 1790 = ?

        Itataas ko na sana ang aking kamay nang malaman kong nakasagot na pala  ang isa kong kaibigan na si Jap Carlo Pigar. Napakabilis niya talagang sumagot. Nakakainis!

        “Very good, Carlo,” ani ni Ms. Cortez. “3,459 – 1790 = 1669”.

        “Next number, number 2 – 5, 744- 3,959. Who can answer this?” tanong ng aming guro.

        “Yes, Mr. Pigar, ikaw na naman?” tanong niya ng tumaas ang kamay ni Carlo.

        “No, Ma’am. Can I go to the CR?” natatawang sabi ni Carlo.

        Nagtawanan kaming lahat na magkaklase ngunit pinatuloy ni Ms. Cortez ang pagdi-discuss at lumabas na si Carlo.

        “Yes, Miss Ledesma?” tanong niya sa akin nang makitang nakataas ang aking kamay.

        “Uhm… 5,744 – 3,959= 2,215,” sagot ko sa kanyang tanong.

        Nabigla ako nang tinawanan nila ako.

        “Feeling genius, mali naman pala ang sagot. Hahaha!” ani ni Dane Gomez, ang mapanglait kong classmate.

        “So what? At least I have an answer!” galit kong sabi sa kanya. Talagang nakakainis siya!

        “May answer ka nga, puro epic fail naman,” isa pa ‘tong si Joanna Garcia. Nakakainis na siya talaga!

        Umupo na lang ako at baka kung ano pa ang masabi ko.

        “Kalma ka lang muna, Rosing,” sabi ng katabi kong si Gryn Salas, isang matalino na kaibigan ko. Wala naman kasi akong kaibigan na hindi magaling. Kinakaibigan ko lang naman ang mga ka-level ko.

        “Oo nga. Baka mabawasan pa ang IQ mo,” dagdag pa ni Pauline Mae Reyes, matalino kaya… alam niyo na- birds of the same feather flock together.

          Pero napag-isip-isip ko rin, mababawasan ba talaga ang IQ ko kung palagi akong galit?

         Conservative ako sa IQ ko kaya sinunod ko ang payo nila. Kumalma nga ako.

==========

       Oras ng recess ngayon. Nandito na kaming apat sa puwesto naming na ang aming grupo, The MindMasters lamang ang makakaupo. Hay… naisip ko na naman tuloy kung paano kami nabuo.

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon