Chapter 12- Missing

25 3 0
                                    

*****Narrator’s POV*****

“Magkano po ‘tong manok?” tanong ni Grenda, ang Mama ni Gryn.

“180 lang po,” sagot naman ng tinder.

“Sige, bibili ako,”

Kinuha na niya ang biniling manok.

“Bakit ang tagal ni Gryn?” nasambit niya.

Agad siyang pumunta sa kabila upang hanapin si Gryn.

Habang lumalakad ay nakaramdam ang ina ng kaba at bigla siyang napahinto dahil sa kanyang nakita.

===============

*****Pauline’s POV*****

7:30 na pero wala pa rin si Gryn. Hay, naku…

“Ano naman ang pinoproblema mo, Rosing? Bakit nakasimangot ka na naman?” tanong ko kay Rosing. Pero alam ko na ang sagot kahit hindi niya sabihin. Wala na naman siya sa Top 10 for the second time!

“Kung gusto mong maging Top 10 next grading, mag-review ka! Huwag kang umasa sa iba,” saad ko.

“Magkaibigan tayo ‘di ba?” tanong niya sa akin.

“Oo.”

“Edi, tulungan mo akong mag-review.”

“Sige ba,” sagot ko sa kanya. Ngumiti si Rosing.

“Magsimula na tayo?” dagdag pa ni Rosing.

“Masyado ka naman yatang excited!”

===============

*****Narrator*****

“Sir, nawawala po ang anak ko. Kaylangan ko po ng tulong niyo,” saad ni Grenda. Nasa loob ng police station siya ngayon.

“Ano po ba ang pangalan ng anak niyo? Kaylan po ba siya nawala?” tanong sa kanya ng isang pulis.

“Gryn po. Gryn Salas,” nanginginig na sabi ng babae. “Kahapon lang po siya nawala. Mga 5:30 po ng hapon,” dagdag pa niya. “Ito po ang picture niya,” sabi pa niya sabay pakita ng isang litrato, litrato ng anak niya, si Gryn.

“Pasensya na po pero hindi pa po pwedeng ideklara na missing ang isang tao kung wala pang 24 hours siyang nawawala,” paliwanag ng pulis. “Pero may ibidensiya po ba kayong nakuha nang nawala siya?”

“Opo. Nakita ko po ang perang ibinigay ko sa kanya para ibili ng pang-ulam naming kagabi,” sagot ni Grenda.

“Saan mo po ba siya huling nakita?”

“Namalengke lang po kami kagabi at inutusan ko po siyang bumili ng sibuyas at kamatis,” nangingiyak na saad ng isang nag-aalalang ina. “Naramdaman ko na lang po na matagal na pala siyang hindi nakabalik kaya hinanap ko siya hanggang sa nakita ko na lang ang perang ibinigay ko sa kanya.”

“Sige po, Misis. Matutulungan po naming kayo.”

“Maraming salamat po,” patuloy pa rin ang pag-iyak ni Grenda.

===============

*****Pauline’s POV*****

Bakit kaya umabsent si Gryn? Hindi man lang siya nagpaalam.

 

Dialing:

Gryn

 

‘Ring! Ring!’

 

Nagriring pero bakit walang sumasagot? Matawagan nga ulit.

“Hello?” sabi ko.

“Tulungan mo ako, Pauline!” sigaw ng nasa telepono. Boses ni Gryn ang narinig ko.

“Huwag ka nang umasa! Nililinlang ka lang ng babeng ‘yan,” narinig ko ulit ngunit hindi na ito si Gryn. Isang lalake na.

May narinig pa akong ingay na parang may hinampas na isang bagay pagkatapos na patayin ang cellphone. Kinakabahan na ako sa mga oras na ito. Sana walang nangyaring masama kay Gryn.

===============

Gumising na naman ako ng maaga ngayon. Agad akong nagbihis para humanda sa panibagong araw.

Sumakya na ako sa tricycle matapos ang hindi lalampas sa isang oras na paghahanda.

Habang sumasakay ay nakita ko ang Mama at Papa ni Gryn na may idinidikit na mga papel. Pagkakita ko sa nakasulat ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Missing na si Gryn? Bababa na sa ako para makipag-usap sa mga magulang ni Gryn pero nilalabanan pa rin ako ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.

=================

Nakarating na ako sa paaralan.

Agad kong kinausap si Rosing.

“Alam mo na ba kung bakit absent kahapon si Gryn?” tanong ko kay Rosing.

“Malay ko,” sagot naman sa akin ni Rosing.

“Ibig-sabihin hindi pa?” saad ko ulit. “Alam mo bang nawawala na si Gryn?”

“Talaga? Paano mo nalaman?” nakita kong nabigla rin si Rosing.

“Nakita ko kanina habang sumasakay papunta dito na may dinidikit ang parents ni Gryn. Missing na raw si Gryn!” napalakas ang pagkasabi ko kaya narinig din ng iba ko pang kaklase.

Agad kaming lumabas nang naramdaman kong lumalapit sa amin ang mga kaklase ko.

===============

“Ito ang sinasabi ko sa ‘yong dinidikit na Mama’t Papa ni Gryn kaninang umaga,” sabi ko kay Rosing.

“May alam ka ba tungkol sa nangyari?” nasambit sa akin ni Rosing. Ano na naman ba ang nasa isip nito?

“Wala,” pinagsinungalingan ko na lang siya. Baka ano pa kasi ang masabi niya kung sabihin ko ang totoo.

Ano ba 'to? Noon si Carlo, ngayon si Gryn naman ang nawawala. Naku, sino na kaya ang susunod?

=======================================

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon