*****Pauline's POV*****
Pinalabas kaming lahat, lahat ng mga estusyante sa kanya-kanya naming mga classroom.
Pagkalabas naming ay may naka-set na na programa.
Wala naming ganito noon, ah. Bago pa lang. lahat nga kami'y nagtataka.
"Welcome to our School's Get Together. Ito ang isang event kung saan mas magiging close pa tayong lahat in a fun and happy way!" sabi ng emcee sa stage. "Are you excited now?"
"There's even no reason to be excited, isn't it?" mahina kong puna.
"Yeah, right," sabi ni Rosing. Narinig niya siguro ang sinabi ko.
"Nakakainis! Bakit hindi na lang nila pagtuonan ng pansin ang nangyari kay Carlo. Napakawalang-silbi!" narinig ko ring saad ni Gryn.
Alam mo ba kung ano ang ginawa naming sa event na ito? Naglaro ng mga games! Nakakairita! Tama si Gryn, wala talagang silbi!
Pagkatapos ng dalawang oras ay natapos na rin ang NAPAKABORING na programa. Hay, salamat...
============
"Grabe! Nakakapagod ng mga ginawa natin," narinig kong sabi ni Joanna na nagpupunas ng kanyang pawis gamit ang kanyang panyo pagkapasok niya sa kwarto.
Aba, nasiyahan pa siya talaga!
"Yuck! Napakacheap mo naman! 'Yun lang inenjoy mo na?" hindi na ako nakapagpigil pa pero natatawa pa rin ako kay Joanna.
Natuon ang lahat ng atensyon sa akin.
Lumabas na lang ako para hindi pa kumalat. Alam niyo na ang ibig kong sabihin. May iniingatan akong pangalan.
Naramdaman kong sumonod sina Rosing at Gryn sa akin papunta sa canteen.
"Nakakainis!" sigaw ko sabay tapon ng mga dala kong gamit nang makarating na kami sa aming puwesto.
*****Gryn's POV*****
Kinuha ko sa ilalim ng mesa naming ang nahulog na notebook at libro ni Pauline. Minsan lang mainis at magalit si Pauline pero lubos-lubos pa. Kahapon umiiyak, ngayon nagagalit at naiinis? Bakit kaya iba-iba ang emosyon ni Pauline? Moodswing lang kaya ito?
Habang kinukuha ko ang kanyang mga gamit ay may nakita akong puting sobre sa ilalim ng mesa kung saan nakaupo noon si Carlo.
Walang may nakasulat sa labas ngunit pagkabukas naming ng sobre...
