Chapter 13- Sino ang Susunod?

26 3 0
                                    

*****Rosing’s POV*****

“Kayo lang naman ang kahinaan ng mga magulang niyo. Ang pag-aarala niyo,” sabi ng isang lalaki. Hindi ko siya kilala pero kitang-kitang ko ang mukha niya.

 

“Kaya gagawin ko kayong pain para makapaghiganti!” dagdag pa niya.

 

“2 down, two more,” sabi pa niya.

 

“IKAW!” nabigla ako sa sigaw niya.

 

“Ikaw na ang susunod,” bahagya siyang tumawa.

================

 Nagising ako mula sa isang panaginip. Sino naman kaya ang lalakeng ‘yun?

================

“Hindi kaya iisa lang ang dumukot kay Carlo at kay Gryn? At tapos ang lalaking napanaginipan ko ay ang dumukot sa kanila? Pero ano naman ang naging kasalanan natin sa kanya. Hindi ko naman siya kilala. Dadamayin niya pa ako, tayo. Nabanggit niya pa nga ang parents natin,” sabi ko kay Pauline. Nag-uusap kasi kami ngayon.

“Nasabi ka na ‘to sa iyo, Rosing. Panaginip lang ‘yun. Pwedeng maging totoo, pwede ring hindi,” sabi rin sa akin ni Pauline.

“Pinapatatag mo lang yata ako, e,” ani ko.

“O, sige. Pwede ka nang maniwala sa panaginip mo. Wala naman sigurong mawawala.”

“So, ikaw dumukot kay Carlo? Pati kay Gryn?” pabiro kong tanong sa kanya.

Naapektuhan siya siguro kaya hindi na ako sinagot.

“Napansin ko lang pala,” pag-iiba ko ng usapan.

“Ano?” atat na atat na sabi ni Pauline.

“Dalawa na lang pala tayo dito. Wala na pala sina Carlo at Gryn,” pagpapatuloy ko.

Naramdaman kong iiyak na naman si Pauline.

“Nandiyan na naman siya. Bakit ka ba kasi palaging umiiyak kapag may mawawala sa atin?” tanong ko kay Pauline. Nakakainis na kasi siya.

“Wala ka talagang kwenta! Pinipigilan ko na ngang hindi pag-isipan ‘yan, binabalik mo pa. tapos papagalitan mo pa ako!” sigaw niya sa akin.

“Sorry na.”

“Sorry rin,” sabi rin ni Pauline. “Ipagpatuloy na lang natin ‘tong pagre-review.”

===============

Pumasok na kami sa classroom matapos magbell.

“Nabalitaan niyo na ba? nawawala raw si Gryn,” narinig kong sabi ni Dane sa mga katabi niya. Nagchi-chismis na naman sila.

“Hay, naku. Inuuna pa nila ang mabubuti kaysa sa masama diyan,” ani rin ni Carla.

“Pigilan mo muna ang sarili mo,” bulong sa akin ni Pauline. Kilalang-kilala na nga niya ako.

Just a PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon